Kabanata 10

13.8K 234 12
                                    

After that nakakahiya na thing na nangyari sa loob nang kusina ay hindi ko na siya kayang matignan pa sa mga mata niya. Nakakahiya kasi e! Pero ba't parang ako pa ang mas nahihiya kesa sakanya? Damn it!

Busing busy ako sa pag scro- scroll sa cellphone ko habang nakaupo sa pang isahang couch, naghahanap nang impormasyon sa tungkol sa nangyaring pagguho nang minahan nang mga Carson sa taong 2008.

Malapit na kasi ang death anniversary ni mama at papa pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naiibigay sakanila ang hustisyang ipinagkait nang mundo sakanila. Busing busy rin ako sa paghahanap nang impormasyon kong bakit nakita ko nalang iyong lalaki sa harapan nang apartment ko na nakabitay.  Hindi na kasi nag fo-follow up sa akin yong mga police. Ni hindi nga nila ako kinuhaan nang kahit anong statement. Kaya nakakapagtaka talaga. So far, wala akong nahanap na kahit ano tungkol sa lalaking iyon.

Ni tungkol sa pagkamatay niya'y hindi ko nakita ang mga impormasyon. The only information I know when I asked Spencer is that, someone killed him bago ito ibinitay nang killer. But the question is, bakit sa raming raming maari niyang mapagsabitan bakit sa apartment ko pa?

Walang cctv sa apartment na inuupuhan ko. Ni sa mga karatig rin nitong lugar ay wala rin. Kaya siguro nahirapan ang mga pulis sa pag iimbestiga. But the question is ba't di nila ako inimbitahan sa presento nila kahit isang beses man lang? Hindi ko sinasabing gusto kong maimbitahan. It was like nakakapagtaka lang kasi talaga.

Ba't di man lang nila ako tinanong? Kahit isang tanong man lang? Ba't di nila ako dinala sa presento para sa interogation? Akala ko iimbitahan agad nila ako sa presento once na makalabas ako sa ospital. Inihanda ko pa naman ang mga sasabihin ko kong baka sakali mang tanongin nila ako. Pero wala e, walang nangyari.

Tinignan ko ang mga listahan nang mga wanted sa iba't ibang presento. Tinitignan ko doon kong kabilang naba ako sa mga wanted.

"What are you doing?" he coriously asked nang makita niya kong ano ang mga binabasa ko. Naramdaman ko ang pag uga nang couch na inuupuan ko. Isang palatandaan na umupo siya sa tabi ko.

Siniringan ko siya. "Hinahanap ang pangalan ko." sagot ko. Muli kong itinuon ang atensiyon ko sa binabasa ko.

"Ha? But why the hell sa mga wanted list mo hinahanap ang pangalan mo?" nagtataka niyang tanong. "E, wala ka namang ginawa na labag sa batas?"

"Sinisigurado ko lang." sagot ko na hindi na siya tinitignan pa.

"Ha? Sinisigurado? Saan?"

Napabuntong hininga ako. Ibinaba ko ang cellphone ko bago ko ito inilagay sa coffee table na nasa harapan ko.

Hinarap ko siya. Tinitigan ko ang kanyang kulay chocolateng mga mata na para bang isa ito sa mga milestone nang pinas.

"Naalala mo pa ba? Yong naging dahilan nang pagka ospital ko?" paninimula ko. He nodded like a fucking kid! And damn I find it cute.

"E kasi alam mo naman sigurong may lalaking nakabitay sa harapan nang pintuan nang apartment ko diba?"

He nodded again. I sighed mukhang mapapadali ang pagrarason ko sakanya ah. Hindi pa naman ako marunong mag story telling. Tss

"Nag-alala kasi ako na baka isa ako sa mga naging suspect nang pagkamatay niya. Diba't sinabi mo na sa akin na ayon sa autopsy report nong pagkamatay niya' y pinatay mo na siya bago ibinitay sa harapan nang apartment ko. Kaya nag-aalala talaga ako na baka isa ako sa maging pangunahing suspect since ako ang nakatira sa apartment at baka naging wanted na ako na hindi ko man lang nalalaman."

Napatanga siya habang di makapaniwalang tinitignan ang pagmumukha ko.

Anong nangyari sakanya? Siguro napagtanto niya na baka tama ako. Na baka wanted na talaga ako ngayon. Jusko! Huwag naman po sana.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now