Kabanata 57

9.2K 164 35
                                    

Few chapters left....

Napako ang paningin ko at parang nag slow motion ang lahat habang pinagmamasdan ko ang unting unting paglapit ng boss nila sa gawi ko.

At ng tuluyan ko ng masilayan ang buo niyang pustura ay para akong nagitilan ng hininga. Ang hinala ko'y tama, ang hinala kong siya iyon ay tama.

Mas lalo ko pang napatunayan na tama ang hinala ko ng makita ko ang buo nitong pagmumukha ng hubarin nito ang suot suot niyang shades.

"I-kaw?" ang di makapaniwala at gulat kong tanong sa lalaking nasa harapan ko.

Ngumiti ito ng matamis bago yumuko na para bang isa akong prinsesa na yinukoan niya, "Yes, Jeanshe... I am," ang sabi nito bago muling tumuwid ng tayo, "Nagulat ba kita?" dagdag pang tanong nito habang may mapaglarong mga ngiti sa labi.

"P-aano?" ang tanging naisatinig ko dahil sa gulat na naramdaman ko.

Sinuri ko ang buo niyang pagmumukha, umaasa na sana'y may mahanap akong bagay doon na magpapatunay na hindi siya itong kaharap ko, pero ni isang bagay ay wala akong nahanap doon, at dahil dooy mas lalo ko lang na napatunayan sa sarili kong tama ako, na siya talaga ito, at hindi ako namamalikmata lang.

Ngumiti ito ng matamis, "Paano?" he asked bago nagkibit balikat, "Tanongin mo ang papa mo kung bakit," dagdag pa nito na siyang naging dahilan kung bakit ako nagtaka.

Anong kinalaman ng yumao kong ama, sa mga pinagsasabi niya? Isang natatakang tingin ang ipinukol ko dito.

Napatingin ako sa gawi niya ng makita ko kung paano siya umupo sa harapan ko, "Huwag nalang pala, dahil patay na pala ang papa mo." nang-aasar pang dagdag nito, na siyang naging dahilan kung bakit umusbong ang mga dandruff ko sa ulo.

"What did you said?" ang galit at nagtatagis na bagang na tanong ko sakanya, hindi ko alam kung bakit, pero bigla nalang umusbong ang galit sa puso ko, siguro dahil ito sa kadahilanang ayaw kong dinadamay ang yumao kong ama sa mga kagaguhan at karantaduhan nila.

Ayaw na ayaw ko kasing dinadamay ang papa kong nanahimik na ang kaluluwa. Damn! I am starting to hate this man.

"Galit ka na niyan?" ang nang-aasar na tanong nito sa akin bago umupo sa harapan ko. Pagkatapos ay ngumiti siya ng matamis bago hinawakan ang pisnge ko, "Huwag kang mag-alala dahil may mas ikakagalit pa 'yan lalo na kapag nalaman mo kung sino talaga ang totoong may pakana nito." dagdag pang ani nito na siyang ipinagtaka ko.

What the hell is he talking about? Akala ko ba siya talaga ang may pakana nitong lahat, pero bakit sabi niya'y meron pa? At ang meron pang iyon, ay ang totoong may pakana?

"What the hell are you talking about, Storm?" ang seryoso kong tanong sakanya, habang nakatitig sa kulay abong mga mata niyang parang may palaging bagyo. Bagay sa pangalan niyang Storm.

Ngumiti ito atsaka kinurot ang pisnge ko, "Find it in your own, Jeanshe," ang ani nito bago tumayo,

Isang matamis pa muna na ngiti ang kanyang pinakawalan sa aking gawi bago ako nito tinalikuran.

"Aalis kana?" tanong ko sakanya ng makita ko kung paano ito humakbang papalayo mula sa gawi ko.

Napatigil ito sa ginagawa nitong paghakbang bago ito lumingon sa gawi ko, "Yeah, aalis na ko," tanging sagot nito sa tanong ko bago muling humakbang papalayo.

"Hindi mo man lang ba, pupuntahan ang kakambal mo?" tanong ko sakanya na siyang naging dahilan kong bakit siya tumigil sa paglalakad atsaka muling napalingon sa gawi ko.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ