Kabanata 45

10.3K 178 34
                                    

Inaamin ko, natatakot ako sa binanta niya. Natatakot ako dahil alam kong kaya niya iyong gawin kay Eman without any hesitation. Nasaktan niya nga ako na mahal kuno niya noon, paano pa kaya kong si Eman na ang usapan.

Pati sa pagtulog ko'y dinalaw ako nang mga sinabi niya, kahit anong gawin kong pagpikit at pagpilit sa sarili kong matulog na ay hindi ko magawa dahil sa kakaisip sa mga sinabi niya. Pinilit ko ang sarili kong waksiin ang mga nasa isip ko, pero hanggang sa umaga nalang ay wala paring nagbago.

Umaga nalang at nananatiling bukas parin ang mga mata ko, tumiktilaok nalang ang mga manok pero nanatili paring bukas ang mga mata ko. Natapos ko ng padedehen ang anak ko pero nanatili paring bukas ang mga mata ko. Gusto nang sumuko ng mga talukap ko, pero ang mga mata at puso ko naman ang umaayaw, na para bang pinipigilan ng mga ito ang pagsirado nang mga talukap ko.

Sa buong gabi ay nakatunganga lang ako habang nakatitig sa puting kesame nang hospital, iniisip kung ano ang dapat na hakbang ang dapat kung gawin.

Napapapitlag lang ako sa tuwing umiiyak ang anak ko. Na siyang agaran ko namang pinapatahan. Hindi ko alam kong ano ang dapat kong gawin, kong ano ang dapat na hakbang ang aking tatahakin. Gusto kong sumama kay Eman, at doon manirahan sakanila nang pansamantala pero hindi puwede dahil sa tinuran ni Spencer kanina.. Hindi puwede dahil alam kong gagawin niya talaga ang banta niya. Siya kasi iyong tipo nang tao na kong ano man ang lumalabas sa bunganga niya ay susundin niya. What he said, he mean it.

Maari rin naman akong makitira sa bahay ampunan pero nakakahiya e, dahil ilang buwan rin akong hindi nagpakita sakanila tas pupunta lang ako don para magpa-ampun ulit. Baka masabi nila sister na naaalala ko lang sila sa tuwing may kailangan ako sakanila. Na binibisita ko lang sila sa tuwing kailangan ko nang tulong..

Maari rin naman akong makitira kela Jazmine, pero mas lalong nakakahiya don lalo na't hindi in good terms si Jazmine at ang pamilya niya.

"Is there something wrong, Jeanshe?" tanong ni Eman sa akin kinabukasan nang mapagtanto niya rin sigurong mukhang may mali sa akin, nag-angat ako nang tingin mula sa pagtutupi ko nang marinig ko ang mga tanong na iyon.

"Ha?" pag mamaang-maangan ko kahit na'y alam ko na naman kong ano ang ibig niyang sabibin.

"May problema kaba? Kagabi ka pa kasi mukhang balisa." he said while staring at me intently, na para bang sa bawat paggalaw at pagkibot nang mga labi ko ay sinusundan niya nang tingin.

"Ha? Hindi uyyy. Ayos lang naman ako. Wala naman akong problema." Sunod sunod kong tanggi sakanya, sinabayan ko pa ito nang isang plastic na ngiti para mas mapaniwala ko siya. "Nag o-over  overthink kalang Eman." dagdag ko pa.

Bumuntong hininga siya, "Siguro, pero ano ba talaga ang napag-usapan niyo ni Spencer kahapon at ba't nagsigawan at nagsi-iyakan kayo?" pag-uusisa niya.

Nanlamig ako dahil sa tinuran niya. Dali dali kong itinuon ang aking atensiyon sa mga damit na tinutupi ko, nang sa gayon ay maiwasan ko ang mapanuri niyang mga tingin.

I cleared my throath, "W-ala naman, simpleng usapan lang naman ang ginawa namin." sagot ko, pinipigilan ang sariling huwag mautal nang sa gayon ay hindi niya malamang nagsisinungaling ako.

But he is a soon to be a doctor, and he also know how to read some mind, by watching your moves. "Do you really think that you can fool me, Jeanshe?" he said with a sarcastic tone.

Mas iniyuko ko pa ang ulo ko dahil doon, "May simple bang usapan na nagsisigawan? May simple bang usapan na nag-iiyakan? May simple bang ganoon? Ha Jeanshe!" he saighed, like he was trying to calm his self.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon