Kabanata 67

8.5K 134 7
                                    

Inirapan ko si Storm bago ko muling itinuon ang atensiyon ko sa mga kalaban ko, pero muli akong napalingon sa gawi nito, ng may mahagip ang mga mata ko, at ang nahagip kong iyon ay ang pasa na nasa kanyang mukha.

Anong nagyayari dito at ba't dumudugo ang labi nito? May mga malalaki rin itong pasa sa mga mata na nagmimistulang eye bugs. Don't tell me nakipagsuntukan ito sa kakambal nito? Pero mukhang ganon na nga.

Napalingon ako sa gawi nong labasan ng may makita akong pumasok, sampu ang pumasok doon, pareho ang mga itong armado, makikisig ang mga ito at dahil sa kakisigan nilang iyon, ay mapagtatanto mong mukhang magagaling ang mga ito sa pakikipaglaban.

Sino sila? Ang mga katagang iyon ay ang tumatak sa isipan ko ng makita ko kung paano ito tumigil sa harapan namin.

Naitigil ng mga kasamahan ko ang pakikipagbarilan ng makita nila ang sampung lalaking bastang basta nalang tumigil sa harapan namin, na tila ba'y hindi man lang natatakot ang mga itong mabaril. Napatigil rin ang mga kalaban namin sa pagpapaputok, dahil siguro sa nagtaka rin ang mga ito, kung sino itong mga armadong lalaki na nasa harapan namin.

Tatanongin ko na sana sila kung kasamahan ba namin ang mga ito, pero hindi ko nalang ito tinuloy dahil sa mga tingin palang nila'y nasagot na ang mga katanongan ko. Nagtataka rin kasi ang mga ito, isang palatandaan na hindi rin nila kilala ang mga ito....ang mga armadong lalaking nasa harapan namin ngayon.

Kung kaya't mas lalo pa akong nagtaka kong sino ang mga ito, honestly, they look like a robot. Para kasing kalkuladong kalkulado ang bawat galaw ng mga ito. O hindi kaya'y parang sumabak ang mga ito sa matinding training, na siyang naging dahilan kung bakit sila naging ganito sila kahusay.

Itinutok ng mga ito sa aming gawi ang baril na dala dala ng mga ito,

"Dropped!" ang malakas na sigaw ni Storm sa likod ko. Nagtataka ma'y sinunod ko ang utos niya, at kasabay ng kanyang pagsigaw sa mga katagang iyon ay ang pagpapaputok rin ng mga ito.

Mabuti nalang at nakadapa agad ako, kasi kong hindi'y baka natamaan ako.

Paglingon ko sa magkabilaang gilid ko'y doon ko nakita ang mga kasamahan kung dumapa rin.

"Roll!" Storm said na agad naming sinunod. Gumulong ako, at saktong sa paggulong ko rin ay ang pag baril rin nila sa dating kinapupuwestuhan ko.

Hindi ko alam kung sino ang mga lalaking ito at bakit tila kating kati ang mga itong patayin kami, but there's one thing that I am sure and that is they're our enemies.

Nagpa gulong gulong lang kami, umaasa na sana sa paggulong naming iyon, ay hindi nila kami matamaan, at tila narinig rin naman ng diyos ang aming mga dalangin, dahil kahit ni isang bala ay walang tumama sa katawan namin.

Akala ko hanggang sa paggulong nalang talaga ang kaya naming gawin, habang umaasa na sana hindi kami matamaan. Pero akala lang pala namin iyon, dahil ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko at ang pagkatigil ko sa paggulong na ginaw ko ng makita ko kong paano humilata sa sahig ang isa sa mga kasamahan nong mga armadong lalaki habang sapo sapo nito ang binti nito.

Paglingon ko sa gilid ko ay doon ko nakita si Deon, hawak hawak ang baril habang nakatotok sa gawi nong binaril niya sa binti.

Nanlaki ang mga mata ni Deon ng magtagpo ang aming mga mata, may kong ano itong isenenyas sa akin, na hindi ko agad nakuha. Pero ng itinuro niya ang itaas ko'y tumingala ako, at doon ako nabigla sa nakita. Isang mahabang baril ang nakatotok sa ulo ko. Hawak hawak ito ng isa sa mga armadong lalaki.

Sunod sunod akong napalunok. Damn! Kailangan kong makawala dito, bago niya paman makalabit ang galatilyo ng baril na hawak hawak niya, dahil kapag nakalabit niya iyon, ay paniguradong sa simbahan ang kahahantungan ko.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant