Ng mahawakan ko ang kamay niya'y agaran niya kong tinulungan na makatayo, he held my waist as I tried to pull myself up. At ganon nalang ang pagkangiwi ko ng sa pagtayo ko'y naramdaman ko ang halos sunod sunod na pagkadurog ng buto ko sa katawan.

Lupaypay ako. Ni isang lakas ay wala akong mahanap mula sa sarili ko, para akong dinadaganan ng isang malaking truck dahil sa sakit at pait na nararamdaman ko. Wala akong lakas. Ni isang lakas ay wala ako. Mabuti nalang at nandiyan si Eman upang maging lakas ko...upang maging kaagapay ko sa pagtayo ko. I tried so hard not to cry, ng maramdaman ko kung paano tumulo ang dugo sa binti ko pababa. Mukhang muling nagdudurogo ang tama ng baril sa binti ko ah.

Napakapit ako sa balikat niya upang doon kumuha ng suporta, mahigpit niyang hinawakan ang bewang ko upang maging alalay.

"Can you walk?" he asked. Hindi ako tumango, hindi rin ako umiling sa tanong niya. Bagkos ay pinakaramdaman ko ang sarili ko kung kaya ko ba. Sinubukan kong ihakbang ang mga paa ko, pero hindi pa man ako nakakahakbang ay napadaing na ako dahil sa sakit, at doon ko napagtantong hindi ko kaya. Hindi ko kayang maglakad kahit na'y may nakaagapay na sa akin. Paghakbang nga'y hindi ko magawa, paglalakad pa kaya? At isa pa hindi... obvious na obvious naman talaga ang bagay na iyon kung pagbabasehan ko ang mga natamo ko.

Umiling ako, agaran niya namang nakuha kong ano ang ibig sabibin ko sa pag-iling ko na iyon, dahil agaran niya kong binitawan mula sa pagkakahawak sa akin na siyang naging dahilan kung bakit ako muntikang matumba, mabuti nalang at naaagapan niya agad ako. Dahil agaran siyang lumuhod ng patalikod mula sa gawi ko, bago hinawakan ang mga binti ko upang alalayan ako sa balak kong pagsampa sa likod niya.

Dahan dahan akong sumampa sa likod niya, sinigurado ko na hindi tatatama ang binti kong may sugat sa paa niya kung hahakbang na siya.

Agaran kong ipinilupot ang mga kamay ko sa leeg niya ng makasampa ako sa likod niya ng matiwasay. Hindi ko na inalintana pa ang paglapat ng dede ko sa likod niya. He's my best friend with a secret naman e and besides this is not the first time na sumampa ako sa likod niya.

Dahan dahan siyang tumayo, "You're heavy," ang  pagrereklamo niya ng tuluyan na siyang makatayo. Gusto kong kagatin ang likod niya gaya ng palagi kong ginagawa noon kapag inaasar niya ko na ang bigat ko daw.

But instead of doing it I just chuckled, cause I know that kasaba'y ng pagtuklas ko sa tunay na siya ay ang pagbabago rin sa kong ano ang meron kami--sa pagkakaibigan namin. At sa katotohanang kong sino talaga siya. Sa totoo lang ay parang nagkaroon ng gap sa gitna namin... Gap na gawa ng mga nalaman ko tungkol sa kanya. Gap na gawa ng mga nalaman ko tungkol sakanya. Gap na alam kung medyo imposible ng mapunan.

Sa totoo lang ay litong lito na talaga ako. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin sa mga sakit na iniinda ko. But I guess I just need to trust...to trust him.

Gusto kong sagutin ang mga pang-aasar niya. Gusto ko ring sagutin ang mga pang-aasar niya sa akin but I cant...I cant cause I dont have the strength anymore... pagod na ako. Wala na akong lakas na makipagkulitan pa sakanya, kung kaya't inihilig ko nalang ang ulo ko sa likod niya..

"Marami akong eexplain sa'yo." aniya sa gitnaan ng aming paglalakad.

'Yeah. Marami nga Eman. Napakarami mong eexplain sa akin...' Gusto ko sanang isatinig ang mga katagang iyon, ngunit isinarili ko nalang ang mga iyon cause like what I've said...I don't have the strength anymore.

Tumango nalang ako kahit na'y alam ko namang hindi niya makikita ang ginawa kong iyon.

"Eman, pre."

Naramdaman ko ang pagtigil ni Eman mula sakanyang paglalakad dahil sa tawag na iyon. Dahan dahan siyang umikot paharap sa likod namin. At doon ko nakita si Shawnel na duguan atsaka hinihingal.

"Bakit pre?" tanong naman ni Eman dito na siyang naging dahilan kung bakit ako nalito. Don't tell me magkakilala ang dalawang to? You really owe me some explanation Eman.

"Ba't bigla nalang ata umatras ang mga kalaban?" si Deon ang sumagot na kakarating rin lang. Duguan at hinihingal rin ito kagaya ng kay Shawnel. San kaya galing ang isang 'to at ba't bigla nalang rin itong nawala nong kinailangan ko ang tulong niya laban kay Jose?

"Yan nga rin sana ang itatanong ko sana kay Eman e," ang nakangusong sabi ni Shawnel habang kinakamot ang kanyang ulo. "Naunahan mo lang ako," dagdag pang ani nito.

Luminga linga si Eman na tila ba'y may hinahanap siya, "Tama nga ka'yo mga pre, ba't bigla nalang ata nawala ang mga kalaban natin? Atsaka isa pa, asan na ba ang iba?"

"Nasa labas ang iba pre," Shawnel said, bago itinaas ang mga baril, atsaka umakto na tila ba'y naghahanda sa kung ano man ang maaring mangyari.

"Just don't let your guard down."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at doon ko nakita si Storm, paatras na naglalakad papunta sa gawi namin habang may hawak hawak na baril. Gaya ng ginagawa ni Shawnel.

"Yeah, right," ang tila nang-aasar na bulong ni Eman. Para tuloy siyang naging bata dahil sa inakto niya.

Muling tumalikod si Eman sa gawi nila upang ipagpatuloy ang naudlot niyang paglalakad. Hahakbang na sana ito pero hindi na nito natuloy iyon dahil sa mga narinig nitong sigaw mula kay Storm.

"Run!" ang malakas na sigaw ni Storm sa amin, at kasabay ng kanyang pagsigaw sa mga katagang iyon ay ang pagsiputukan rin ng mga baril na hindi namin alam kung saan galing.

Ipinikit ko ang mga mata ko atsaka ko mas inihilig ang ulo ko sa likod niya. Hindi ko kasi kaya e. Natatakot kasi ako e. Natatakot kasi ako sa mga tunog ng baril e. Natatakot rin ako sa kaisipang maaring matamaan kami niyon.

Dali dali namang sinunod ni Eman ang utos ni Storm. Walang pag-aanlingan niyang sinunod ang utos nito. Para tuloy kaming nagsisitakbuhan at pilit na iniiwasan ang mga bala na patuloy na pinapaulan sa aming gawi. It was like we're playing under the rain. Ngunit ang kaibahan nga lang ay nakakamatay ang tatama sa amin dahil bala ito at hindi ang ulan..

Alam kong nahihirapan siya sa ginagawa niyang pagtakbo dahil sa bigat ko, ngunit ni isang pagrereklamo mula sakanya ay wala akong narinig hanggang sa makapagtago kami ng matiwasay.

Hinihingal siyang napasandal sa poste ng marating namin ang gawi nito, habang ako naman ay napaupo sa harapan niya, habang tinitingala siya..

"Damn! Sinasabi ko na nga ba! Sinasabi ko na nga bang may plano talaga ang mga tanginang iyon kung kaya't biglaan nalang nawala ang mga iyon!" rinig kong pagmumura nito, habang hinahawakan ang balikat na siyang naging dahilan kung bakit ako nagtaka....Anong meron sa balikat niya? At bakit parang nguminguwi siya?

"A-nong..." nahihirapan may pinilit ko ang sarili kong ipagpapatuloy ang balak kong sabihin, "A-nong m-eron s-a b-alikat m-o?" nahihirapan man dahil sa pagkakautal at kawalan ng sapat ng lakas ay naitanong ko pa rin sakanya ang mga katagang iyon. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas upang masambit ang mga katagang iyon.

"Ha?" he asked. Nag spcae out siguro to kaya di niya na gets kong ano ang tanong ko.

Ininguso ko ang balikat niyang hawak hawak niya, wala na akong ganang magsalita e, nakakapagod kasing magsalita e lalo na't hinang hina na ako.

Tinitigan nito ang gawi ng balikat na hawak hawak nito. Ilang segundo muna ang lumipas bago niya muling tinignan ang gawi ko. "Ah ito?" he asked reffering sa balikat niya. I nodded as a sign of yes.

"Wala 'to," he genuinely said bago niya inalis ang sariling kamay mula sa pagkakahawak sa balikat nito. At dahil sa ginawa niyang iyon ay malaya kong natitigan ang mga palad niya. Nabigla ako ng makita ko ang mga palad niya, ang palad niyang punong puno ng dugo.

At ng tignan ko ang hinahawakan niya kanina'y doon ko nakita ang duguan niyang balikat....

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now