"Ang may matigas na ulo at tarantadu ko bang kakambal ang tinutukoy mo?"

Imbes na sagutin ang tanong niya'y tinanong ko rin siya, "Bakit mo tinatanong kung siya ba ang tinutukoy ko? May iba ka pa bang kakambal bukod sakanya?"

Akala ko sasagutin nito ang tanong ko ngunit nginitian lamang ako nito ng matamis bago tinalikuran atsaka muling humakbang. At bago paman ito makalayo sa gawi ko ay may isang katanongan pa akong binitawan na siyang naging dahilan kung bakit ito napatigil mula sa paghakbang.

"Paano kaya kapag nalaman ni Jazmine ang lahat ng bagay na ito Storm?" napangiti ako ng makita ko kung paano ito napatigil sa paglalakad. "Sigurado akong magagalit at masasaktan 'yon. At sigurado rin akong hihiwalayan ka non." dagdag ko pang sabi na diyang naging dahilan kung bakit ito lumingon sa gawi ko.

Umiigting ang panga niya, habang ang kanyang mga mata ay nagsusumigaw sa galit ng lumingon ito sa gawi ko, "Bago paman mangyari ang bagay na iyon, ay sisiguraduhin ko ng patay kana." ang galit na ani nito bago muling ipinagpatuloy ang naudlot na paglalakad.

Mabibigat ang mga hakbang ang binibitawan niya habang lumalapit sya papunta sa gawi ng mga pangit na siyang nagdala sa akin dito. May kung ano siyang sinabi dito ng makalapit, hindi ko narinig kung ano ang mga iyon, pero sigurado akong utos iyon dahil nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano tumango ang mga pangit na siyang kausap niya.

Pagkatapos niyon ay tinanguan niya ang anim niyang kasamang guwardiya na nasa isang tabi lang, nakatayo habang hinihintay siya. Tila naging isang hudyat iyon upang lumapit sa gawi niya ang anim na guwardiya.

Ng makalapit ito sa gawi niya ay sabay sabay silang umalis sa lugar na iyon, at tanging ako at ang mga pangit nalang ang natira.

So, yon lang ba ang ipinunta niya dito? Ang guluhin ang utak ko? O ang ipaalam sa akin na siya ang totoong may pakana nitong lahat, nang sa gayon ay hindi na ako magulat pa?O ang ipaalam sa akin na aside sakanya ay meron pa siyang kasabwat?

Damn! This is making me insame! Ipinilig ko ang ulo ko bago malakas na napabuntong hininga.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na ang kakambal ni Thunder ang may pakana nitong lahat, hindi ko parin inaasahan na siya pala ang lahat ng may pakana nito. Dahil sa pagkakaalam ko'y ni isang kasalanan ay wala naman akong ginawa sakanya, kung kaya't nagtaka talaga ako kung bakit niya ko ginaganito.

Kahit na'y magkamukha sila ni Thunder, ay hindi ko parin maiipagkakailang siya si Storm, sapagkat may kaibahan sila mula sa isa't-isa. Si Thunder kasi ay may kulot na buhok at may mapupungay na mga mata, samantalang si Storm naman ay may matuwid na buhok, na para bang renebond, at may kulay abo rin siyang mga mata na para bang palaging may bagyo.

At ang mga pagkaibahan nilang iyon ay ang naging dahilan kung bakit hindi na ako nalito ng makita ko siya, they have the same features of eyes, face, nose and jaw, pero sa gitna ng kanilang pagkakatulad ay may pinagkaiba sila at iyon ay ang mga buhok nila.

Ipinikit ko ang mga mata ko, atsaka tumingala, iniisip kung ano ba ang nagawa ko sakanya sa nakaraan ko na siyang naging dahilan ng ikinagalit niya.

'Ano ba kasi ang nagawa ko sakanya, at bakit humantong sa ganito ang galit niya?!' Naiinis kong tanong sa kawalan bago ginulo ang buhok ko.

Damn! Dahil sa ginawa ko'y siguradong sigurado ako na mas magmumukha akong bruha. Ilang araw na akong walang ligo, at sa loob ng mga araw na iyon ay hindi ko man lang naranasang tumae atsaka umihi, hindi ko alam kung bakit, pero siguro dahil ito sa kadahilanang ilang araw narin akong walang kain at inom.

Sa totoo lang uhaw na uhaw na 'ko at gutom na gutom na rin ako, gusto ko ng kumain o hindi kaya'y uminom man lang ng tubig, pero hindi puwede e, dahil obvious na obvious namang hindi ako pagbibigyan ng mga kurimaw na ito. Kung kaya't pinili ko nalang ang humilig sa dingding atsaka ipikit ang mga mata ko, upang bawiin ang kulan kong tulog at ng sa gayon narin ay makalimutan ko ang gutom at pagkauhaw na nararamdaman ko.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now