Kung kaya't bagsak ang mga balikat ko ng muli akong umupo atsaka tinignan ang dahan dahan nilang pag-akay papunta sa gawi ko.

Tama nga ang sinabi nong lalaki kanina, na dinala nila si Thunder sa hell. Dahil mukhang galing nga ito sa hell na tinutukoy nila. Dahil sa pustura niya palang ngayon ay parang doon nga talaga siya galing.

Awa, ang mga katagang iyan ay ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko siyang kinakadena rin ng dalawang lalaki. Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman kung pagka-awa sakanya. Kasi kung iisipin kong mabuti'y dapat ko nga siyang kamuhian dahil sa ginawa niya sa akin. Kasi ng dahil sakanya'y napunta ako sa lugar na ito. Kasi ng dahil sakanya'y naranasan ko ang mga nararanasan ko ngayon.

Kung hindi niya lang sana ginulo ang isip ko'y edi sana hindi na ako nagtangka pang umalis sa bahay ni Spencer, edi sana nandon parin ako sa mansiyon niya, edi sana nakakasama ko parin ang anak ko ngayon. Edi sana nakakatulog pa ako ng mahimbing ngayon. Damn him for ruining my mind!

Pero kahit ganon pama'y hindi ko parin maiwasan ang sarili ko na huwag maawa sakanya. And I hate myself for being so maawain.

"How's hell?" tanong ko sakanya, ng makaalis na ang dalawang lalaking umakay sakanya.

Iminulat niya ang mga mata niya, pero dahil sa bogbog niya doon ay parang hindi niya man lang iminulat ang mga iyon. Parang nakapikit parin kasi siya e, kahut hindi na e.

"Hell parin." sagot niya bago bumunot ng isang malalim na hininga upang siguro'y pakalmahin ang sarili niya lalo na't ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso niya.

Napailing ako dahil sa tinuran niya bago nag-iwas ng tingin. Isang mariin na tingin ang ibinigay ko sa gawi nong mga pangit ng makita ko kung paano nila simhutin ang isang bagay na kulay puti, it is like a kind of some salt. Kahit na'y hindi ko man gaano maaninag ang gawi nila dahil sa kulay dilaw na ilaw na nasa tapat ko'y, kitang kita parin ng dalawang mata ko kung paano nila singhutin ang kulay puti na iyon.

Napangiwi ako ng mapagtanto ko kung ano iyon, I am not that kind of innocent to not know what is it. And beside, our teachers already discussed it to us during our highschool days. Different types of illegal drugs to be exact.

Iniwas ko ang tingin ko ng hindi ko na kinaya pang tagalan ng tingin ang gawi nila, tumingala ako, at doon ko nakita ang kulay dilaw na ilaw. Sa totoo lang gustong gusto ko ng basagin ang bombilya na iyon, dahil nakakairita ang kulay na prinoproduce niya. Creepy kasi e, 'yong tipong para kang nasa horror movie, tas ang kulang nalang ay ang pagpatay sindi ng ilaw.

As I stared the yellow lamp, a lot of questions pop up on my mind. Parang sumabog ang utak ko dahil sa dami na tanong na gumulo sa utak ko. Tanong na kailangan ng sagot. Kailangan masagutan ang mga tanong ko, dahil kapag hindi'y siguradong sigurado ako na ito ang magiging dahilan kung bakit ako mababaliw. At dahil kating kati na akong masagutan ang mga tanong na iyon ay hindi ko napigilan ang sarili kong huwag siyang tanungin.

"Ano ba kasi talaga ang nagyayari Thunder? At bat bigla kanalang trumaydor?" Tanong ko sakanya habang ang mga paningin ay nasa kawalan.

That's it! That was the question who kept on pestering me since then. Bakit? Bakit niya nagawang trumaydor sa akin. Bakit niya ko nagawang traydorin?

"I have my reason Jeanshe," he answered before taking a deep breath. Napalingon ako sa gawi niya dahil sa ginawa niyang iyon, at hindi ko inaakalang doon magtatagpo ang aming mga mata. "At sana mapatawad mo 'ko sa mga sasabihin ko." he added, bago muling nag-iwas ng tingin.

"Let's see," sa pagkakataong iyon ay ako na naman ang nag iwas ng tingin. "Spill it."

"Valentine is dead, Jeanshe." paninimula niya, na siyang naging dahilan kung bakit ako nagtaka.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora