Tulog pa ang ilan sa mga nakakulong sa seldang dinadaanan ko. Habang ang ilan naman ay gising na at busing busy na sa ginagawa nila tuwing umaga.

Hanggang ngayon ay naaalala ko parin ang muntikan nang pagkagahasa sa akin sa loob nang Cr. At hanggang ngayon ay patuloy parin akong dinadalaw niyon sa aking panaginip.

Alam ko namang patay na siya e, kaya wala na akong dapat na ipag-alala pa dahil sa hindi na niya mauulit pa ang ginawa niyang iyon sa akin. Pero hindi e, hindi ko maiwasan ang huwag isipin ang mga bagay na iyon dahil sa magpahanggang ngayon ay palaisipan parin sa amin kong sino ang pumatay sa taong iyon.

Sa bawat pagpasok ko sa Cr ay palagi kong naaalala ang imahe niyang nakahiga sa malamig na tiles nang Cr habang naliligo sa sarili nitong dugo. Hanggang ngayon ay patuloy parin akong binabagabag nang imaheng iyon.

Nanginig ako nang bahagya ng maramdaman ko ang lamig nang tubig nang ito ay yumapos sa katawan ko. Hindi na 'ko nag abala pang hubarin ang suot suot kong damit bago maligo dahil bahagya akong natrauma dahil sa nangyari.

Mabilisan kong tinapos ang pagligo kong iyon dahil alam kong marami na naman ang dadating mamaya upang maligo rin. At ayaw kong may makasabay, dahil sa kadahilanang naiilang ako. Hindi kasi ako sanay na maligo na may kasama.

Isinuot ko ang kulay orange kong t-shirt na may tatak na inmate sa likod. Hindi ko inaakalang dadating ang araw na makakapagsuot ako nang ganito..Never in my wildest dream, dreaming to wear this kind of shirt. But I guess ito talaga ang tadahanang nakalaan sa akin. Ang tadahanang magsusuot ako nang ganito.

Inilagay ko ang tuwalya sa buhok ko upang patuyuin ito, lumabas ako sa banyo na may tuwalya sa ulo.

Hindi nga ako nagkamali sa inaasahan ko, dahil habang naglalakad ako pabalik sa selda namin ay nadaanan ko rin ang ilang inmate na naglalakad papunta sa Cr upang maligo. Mabuti nalang at nauna ako, dahil kapag hindi ay siguradong sigurado ako na aabutin na naman ako nang tanghali kakahintay don.

Napangiti ako nang makita ko ang mga ka grupo ko na bagong gising palang. May muta pa sa gilid nang mga mata nila habang ako ay fresh na fresh na.

"Magsiligo na kayo, dahil baka tumunog na naman ang alarm." ani ko sakanila pagkapasok na pagkapasok ko palang sa selda.

Sa tuwing tumutunog ang alarm ay isang hudyat na iyon, hudyat na kong saa'y pinapaanyayahan na ang lahat na dumalo sa kainan upang kumain. Dahil kapag na late ka nang punta, at kapag naubusan ka nang pagkain ay siguradong sigurado ako na hello gutom kana. Hindi ko alam kong saan nila nakuha ang bagong pakulo nila, ang pakulong may alarm, new rules kasi daw nila iyon, at dapat kailangan daw iyong sundin.

Iniligpit ko ang pinaghigaan ko, nakakahiya kasi e, nakakahiya kasi kay Aling Mercy. Baka kasi pagsalitan ako nito at hindi na muling pahihigain sa tulugan niya. Sa tulugan niya na kasi ako natutulog dahil sa kadahilanang manganganak na daw ako, at dapat daw sa katulad ko ay ang pahigain sa malambot na kama at hindi sa malamig na sa sahig.

Nagsitayuan naman sila bago mabilisang nilisan ang lugar, napailing nalang ako nang makita ko kong paano nila batukan ang isa't-isa, dahil ang plano nila ay ang gigising sila nang umaga para makaligo, pero tignan mo, tinanghali sila nang gising. Mga gago talaga.

"Aling Mercy, kayo po hindi po ba kayo maliligo?" nagtataka kong tanong sakanya nang makita ko siyang nanatili parin sa kinauupuan niya, na parang walang balak na maligo.

Mapait itong ngumiti sa akin nang tumingala. Umupo naman ako sa harapan niya atsaka nag-usisa. Nakapapagtaka lang kasi e, ba't parang ang lungkot lungkot nanng aura niya?Ba't parang may dinadamdam siyang sakit sa puso niya?

"Ayos lang ho po ba kayo?" tanong ko sakanya nang makaupo ako sa harapan.

Isang pilit na ngiti ang kanyang isinukli sa aking tanong bago tumingala. Na para bang sa pamamagitan niyon ay pinipigilan niya ang sarili niyang huwag maluha. Pero kahit ganon paman ay nakita ko parin kong paano tumulo ang luha mula sa mga mata niya.

"May problema ho po ba kayo?" tanong ko sakanya. Tinignan nito ang gawi ko, nakita ko kong paano kumislap ang mga mata niya dahil sa dulot na luha nito. Ngumiti siya nang matamis, kong hindi ko lang siguro siya kilala ay baka madadala ako sa mga pangiti ngiti niya, pero hindi e, hindi e, dahil alam ko kong ano ang totoong nararamdaman niya. Lalo na't ang mga mata na niya mismo ang nagsasabi na tama ako.

She smiled but her eyes tells the other way. Sunod sunod siyang umiling, "No, Wala akong problema Jeanshe, masakit lang ang mga mata ko kong kaya't nagkakaganito." pagrarason niya.

Gusto ko siyang palakpalan dahil sa galing niyang umarte, gusto ko siyang palakpakan dahil nakakadali ang pag-aarte niya. Kilala ko siya kong kaya't hindi niya ko madadali nang ganoon lang ka simple. Sa loob nang ilang buwan na pananatili ko dito ay nalaman ko ang mga kahinaan at kalakasan niya. Nalaman ko rin kong kailan siya nagsasabi nang totoo at kong kailan siya nagsasabi nang kasinungalingan. Nalaman ko rin kong paano niya itago ang sakit na nararamdaman niya at magpanggap na wala lang. Pero ang totoo'y naghihintay lang siya, naghihintay lang siya nang pagkakataong maisakatuparan ang plano niya at iyon ay ang tapusin ang buhay niya.

"You can't fool me, Aling Mercy. Alam kong meron, so please tell me Aling Mercy, don't be afraid because afterall I am here for you, so please tell me." I said with a convincing voice, convincing that she need to tell me, kong ano man ang bumabagabag sakanya. Kong noo'y ako ang kinukulit niya para masabi ko sakanya kong ano ang problema ko, ngayon nama'y ako ang mangungulit sakanya para masabi niya sa akin kong ano ang problema niya.

Sa pagkakataong iyon ay sunod sunod nang tumulo ang mga luha niya, para itong sirang gripo dahil sa sunod sunod na pag agos nito. Sinapo niya ang mukha niya at doon humikbi sa mga palad niya, ginulo niya rin ang buhok niya, siguro dahil sa inis na nararamdaman niya. At nang muli siyang mag angat nang tingin ay doon ko nakita ang kalunos lunos niyang itsura. Namumula ang mga mata niya gawa nang pag-iyak niya, magulo ang buhok niya gawa nang paggulo niya dito. Para siyang isang witch sa itsura niya ngayon.

Yinakap ko siya upang iparamdam sakanya ang comfort na nararapat sakanya, yinakap ko siya nang mahigpit, isinubsob niya naman ang ulo niya sa balikat ko atsaka doon umiyak nang umiyak. Ang kanyang palahaw na iyak ay ang siyang tanging naririnig sa mga oras na iyon.

Hinaplos ko ang likod niya habang umiiyak siya sa balikat ko, nang sa gayon ay gumaan ang nararamdaman niya at nang sa gayon rin ay maiparamdam ko ang comfort para sakanya.

"Shh." pang-aalo ko sakanya habang patuloy na hinahaplos ang likod niya. "It's okay, Aling Mercy iiyak mo lang 'yan." dagdag ko pa.

Sa bawat pag iyak niya ay ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya, na para bang ilang taon na niyang itinago ang sakit na nararamdaman niya atsaka ngayon pa siya nagkaroon nang pagkakataong ilabas iyon, kong kaya't ganon nalang kong kasakit.

I know that behind those maldita aura of her is the soft part, alam kong sa bawat pagmamaldita niya ay ang sakit na nararamdaman niya. Alam kong sa bawat pagtataray niya ay ang pagkukubli niya sa pait at sakit sa dibdib niya. Alam kong sa likod nang kanyang pagtataray, pagmamaldita at pagiging matapang ay ang tunay niyang nararamdaman na pilit lang niyang itinatago sa likod nang mga iyon.

"What's wrong Aling Mercy." saka palang ako nagkalakas nang loob na tanungin siya nang maramdaman kong bahagyang humina ang pag iyak niya, isang palatandaan na kumakalma na siya.

Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa akin, atsaka mabilisan niyang pinunasan ang mga luha na nasa mga mata niya, ngumiti siya nang mapait sa akin atsaka tumingala.

"T-oday is my d-aughter eighteen b-irthday, at wala ako sa tabi niya para batiin siya na maligayang kaarawan." Kasaba'y nang kanyang pagbibigkas sa mga katagang iyon ay ang pagtulo nang kanyang mga luha. Pinilit niya ang huwag mautal habang sinasambit ang mga katagang iyon pero hindi gumana, dahil nautal parin siya, siguro dahil hindi na niya kinaya ang sakit na nararamdaman niya.

Habang sinasambit niya ang mga katagang iyon ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa anak niya, ang paghahanap niya nang kalinga sa anak niya. At dahil doon naiinsecure ako sa anak niya, dahil meron siyang mama na ganito.

And I wish, I have a mother like her.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now