Strings 15: True Loves Kiss

En başından başla
                                        

"Wag kayong mahiya. Help yourselves, there's drinks in the cooler at may pagkain sa lamesa." Chance smiled at my direction habang umaakyat siya sa hagdanan, completely drenched from swimming. 

He must be in the other side of the yacht dahil hindi ko siya nakita kasama nila Riri. Syempre naman, sinong gusto maging third wheel ng dalawang 'yon.

Tumango ako sa kanya kasabay nang pagkaupo ni Lorraine sa kabilang stool. 

"Some things are rising and it ain't the sun~" Lorraine sang beside me, at tinaasan ko siya ng kilay bilang pagtanong, "Kung nakita mo lang yung titig ng boss natin sa'yo, kung makatingin parang..."

She chuckled and left her sentence hanging. I glanced at James who's now conversing with Chance and back at my friend, "Parang?"

Tumawa nalang siya at tumalon pababa ng stool para makipag laro ng beer pong kasama ang mga lalake. Gagi hindi ako sinagot. Parang ano? 

Napatitig ako kay James na kausap ni Mark nang lumingon siya sa'kin, mabilis akong umiwas ng tingin. Nang ibalik ko sa kanya tingin ko, nakatingin parin pala siya at bigla nalang akong tinaasan ng kilay at kinindatan. 

Aba tangina ang gwapo, I mean ang gago.

He walked over here and I couldn't help but freeze when he went down to whisper in my ear, "Scarlet Hope... if you look at me with such intensity, I might mistakenly believe that you want me badly." 

He smirked and walked away holding a cup he grabbed at the bar behind me and I clenched my teeth forcing myself to not be embarrassed, looking away to avoid his eyes.

"Hey, do you want to play?" Lorraine called habang nakita ko si Rian at Ethan na naglalakad paakyat dito. 

They were flirting with each other habang nagpupunas sila ng towel that I get goosebumps every time Riri seductively licks her lips and the guy follows it like a CCTV camera. Ew lang sis.

"Sige lang pre. Don't mind me." Hindi ko na pinansin ang epekto ni James and I went beside her to receive the glass of alcohol she's giving. I almost wanted to spit it out, Putangina ang lakas, "Saan si Ellena?"

"I think she's sleeping in one of the cabins. Overnight ang shift niya kanina at hindi niya na daw kayang hindi umidlip." She shrugged and groaned nang nashoot ni Mark ang bola sa isang baso, she grabbed and took it with one shot and I laughed to cheer on her.

Habang iniikot ang tingin sa buong yacht, nakakita ko ng isang random na stack ng papel. Kumuha ako ng isa at kumuha ng ballpen na nakalagay sa bar. 

I had the sudden urge to sketch what was happening.

Umupo ako sa mahabang puting sopa na inalalayan ng puting bakal sa kabilang bahagi ng yate para mas makita silang lahat. Kinuha ko ang maliit na unan para ipatong doon ang papel na hawak ko at nagsimulang magdrawing. 

I sketched the bar with a table in front kung saan sila naglalaro ng beer pong. The perfectly placed ten cups are on the opposite sides. Mark has his arms crossed on the right, and Lorraine is on the left holding the small orange ball attempting to take a shot with Chance beside her, at ang namumuong loveteam ay nasa kabilang side ng bar kung saan nakapwesto ang mga pagkain.

"This chicken is too big, is this turkey?" Rian stared at the whole chicken or turkey lechon habang hinahati ang wings.

"Do you know what else is big?" Ethan muttered before taking a big gulp in his red cup.

God these two.

Napailing ako sa gusto niya ipalabas, at mas napailing pa nang magsalita si Rian with that sultry voice of hers, "What?"

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin