Tsaka palang nawala ang paninikip sa dibdib ko nang makalabas ako sa Cr, isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago humilig sa pader.

Jusko! Ano na ba ang nangyayari sa mundo? At bakit kahit saan ako magpunta ay may papatayin talaga?

Pangatlong beses na ako nakasaksi nang pagpatay, una ay sa dating apartment ko, pangalawa ay yong sa bahay ampunan, at ang pangatlo naman ay heto. Iyong patay sa Cr.

And the worst part is ang lahat nang mga pinatay na iyon ay kakilala ko, o hindi kaya'y may kinalaman sa nakaraan ko.

Nanlamig ako dahil sa napagtanto ko, hindi kaya? Hindi kayang may tao sa likod nang lahat nang kaganapang ito? Pero napaka imposible niyon lalo na't alam ko namang walang sinuman ang may pakialam sa akin.

Pero sino kaya ang may sapat na motibo para patayin ang lalaking iyon? Sino? At bakit nagawa niyang patayin iyon?

Ipinilig ko ang ulo ko nang sa gayon ay mawala ang mga nasa isip ko, dahil ayaw kong ma istress. Stress na stress na kasi ako e. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago umayos nang tayo.

"Tara na?" ang nakangiting tanong ni Aling Mercy sa akin pagkalabas na pagkalabas palang nito galing sa loob nang Cr.

Anong meron sa mga ngiti niya? At ba't parang ang saya saya niya? Ang saya saya niya kasi e, yong tipong parang may na accomplish siya na isang bagay.

Ang kanyang mga ngiti ay ang tipo nang ngiti na kong saan mapagdududahan mo, dahil sa lagim na nasa likod nang mga ito. At dahil din doon hindi ko napigilan ang sarili kong huwag siyang pagdudahan.

Hindi kaya? Hindi kaya may kinalaman siya sa nangyari?  Kinabahan ako sa naisip ko.

Kaya wala kanang dapat na ipag-alala pa, Jeanshe, Wala kanang dapat na ipag-alala pa tungkol sa lalaking iyon dahil wala na siya

Kaya wala kanang dapat na ipag-alala pa, Jeanshe, Wala kanang dapat na ipag-alala pa tungkol sa lalaking iyon dahil wala na siya.

Muling umalingawngaw sa utak ko ang mga katagang binitawan niya bago pa namin marinig ang malakas na pagsigaw nong babaeng nakakita sa bangkay niya.

Nanlamig ako nang mapagtanto ko kong ano ang maari niyang ibig sahihin sa mga sinabi niyang iyon. Hindi kaya ito ang tinutukoy niyang wala na akong dapat na ipag-alala sa lalaking ito dahil nalinis na niya? Hindi kaya totoo ang nasa isip ko? Hindi kaya?

"Tara na?"

Hindi kaya may kinalaman siya sa mga nangyari? Hindi kaya?

"Huyy! Jeanshe tara na."

Bahagya akong napatalon dahil sa narinig kong sigaw na iyon. Napatingin ako sa harapan ko at doon ko napagtantong napatulala pala ako dahil sa mga naisip.

"Ho?"

She smiled sweetly again, "Ang sabi ko tara na?"

"Saan?" tanong ko sakanya.

"Eh saan pa ba? Edi sa selda." sagot niya. Pinangkinitan niya ko nang mga mata, "Bakit? May problema kaba?"

Isang pilit na ngiti ang binitawan ko sakanya sabay iling.

Tumango naman siya bago nagsimulang maglakad. Sumunod naman ako skanya.

'Ano ka ba naman Jeanshe! Tigilan mo ang pag-iisip tungkol sa mga bagay bagay sakanya! Hindi mo ba nakikita? Mabait siya, ikaw lamang ito ang tanging humuhusga sakanya. Nakalimutan mo na ba? Siya ang unang naging kaibigan mo dito sa loob nang kulungan. Kong hindi sana sakanya ay patay kana! Kaya tigilan mo ang pag-iisip nang mga masasamang bagay tungkol sakanya!' pakikipag-usap ko sa sarili ko. Pinipilit kumbinsihin ang sariling hindi ko dapat siya pagdudahan.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now