Chapter 28

1.5K 27 5
                                    

Kate's POV

Isang linggo na nakalipas at ganun lang ng ganun ang mga pangyayari. Pumapasok sa school ng maaga, nag te-text at tumatawag si Calvin sa gabi at tuwing uwian-lakas maka unli nun. At siyempre nakaka-chat ko si Yelo. Miss Him!

May weird na baga din pala 'kong ikukwento sa in'yo! I can't remember kung nabanggit ko na 'to pero babanggitin ko ulit!

Si Blake, parang may problema sa puso. Problemang pag-ibig yata. Kasi, may mga time na nahuhuli ko s'yang may tinitignang picture sa isang picture frame. Hindi 'yan 'yung weird thing na sasabihin ko. Eto: He talks to that frame pero medyo inaudible. Parang pabulong nga eh.

Minsan talaga, nagwa-wonder na 'ko kung sino 'yung nasa picture. Baka Ex n'ya.

May time nga na sa sobrang curious ko, pinasok ko 'yung kwarto n'ya. Ang awkward nung time na 'yun. Kasi, ang akala ko, lumabas s'ya ng bahay kasi wala s'ya sa salas, kusina, sa iba pang parte ng bahay, pati dun sa kwarto n'ya, kaya ayun, pinasok ko 'yung kwarto n'ya. Hawak ko na 'yung picture frame eh! Hawak ko na! Hindi ko lang nakita 'yung picture, kung sino 'yung nasa picture, kasi biglang lumabas si Blake dun sa C.R n'ya na bagong paligo! Nakatapis kasi s'ya ng twalya sa lower part ng katawan n'ya tapos basang-basa pa. Nabitawan ko 'yung frame nun tapos hinarap ko s'ya. Tumakbo s'ya palapit sa'kin nun tapos kinuha n'ya 'yung unan at itinakip sa mukha ko hanggang sa makalabas ako ng kwarto n'ya. Nagalit ko nga yata s'ya nun kasi sinusungitan n'ya 'ko. Tapos panay rin 'yung tanong n'ya sa'kin kung ano 'yung nakita ko. Siyempre, wala naman akong nakita sa picture frame kaya sinasabi ko na wala. Kaso, ang kulit lang ng kaluluwa ni Blake! Talagang kahit sinagot ko na 'yung tanong n'ya, tanong par in s'ya ng tanong kung ano nakita ko.

Pero.. Eto ang maganda.

Malapit na mag sem. break! Whoo~

As of now nandito ako ngayon sa classroom nakaupo. Hinihintay ang i-aanounce ni Ma'm Rizza. Sabi n'ya kasi, hintayin namin s'ya dahil bigla s'yang ipinatawag.

"Hoy," Napatingin ako kay Blake na tinawag ako with Matching kalabit pa.

"Bakit?"

"Samahan mo 'ko." Sabay hila n'ya sa'kin palabas ng room. Hala! Baka biglang dumating si Ma'am!

"Baks, baka dumating si Ma'am at maabutang wala tayo. May importante kaya s'yang ia-announce." Sabi ko habang nakikipag-hatakan kay Blake sa corridor. Hinahatak n'ya kasi ako papunta sa kung sa'n, ako naman, hinahatak s'ya pabalik sa room.

Kaso... Ano ba'ng laban ko sa lalake? Haay..

Nahila n'ya 'ko sa baba hanggang sa makalabas kami ng School. Inaway pa nga ni Blake 'yung guard kasi ayaw kaming palabasin eh. Kawawa tuloy si Kuya Guard.

Grabe talaga 'to gamitin 'yung status n'ya dito sa school. Tsk. Walang pakundangan.

Hinila n'ya 'ko hanggang sa mapunta kami sa 7-Eleven. Bumili s'ya ng Big Bite tapos Coke-in-can.

"Oh?" Napatingin ako sa kan'ya. "Kumuha ka na ng sa'yo."

"'Di na. Kapusin pa 'ko---."

"Sige na," Sabay tulak n'ya sa'kin palapit dun sa rack ng mga junk foods. Bakit dito n'ya 'ko itinulak? Tsk. Baka nakita n'ya 'kong nakatingin dito habang nakasunod sa kan'ya. Nakakahiya. "Kumuha ka na. Don't worry, ako magbabayad." Sabi n'ya tapos pumunta na s'ya sa pila sa counter.

Nagningning 'yung mata ko dun, ha?

Agad kong kinuha 'yung dalawang trip ko tapos kumuha rin ako ng slurpee. Hmm. Masayang kainan 'to.

Nang mabayaran na n'ya 'yung pagkain namin, lumabas na kami. Habang nag-lalakad, nakakita 'ko ng vendor ng Cotton Candy. Hinila ko s'ya dun tapos bumili ako. Ako naman magti-treat sa kan'ya. Kahit pa mura 'to, okay lang. It's the thought that counts nga, 'di ba? Mwahahahaha.

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ