Chapter 19

1.6K 26 9
                                    

Kate's POV

Ang sama ng ugali nung Yelo na yun! Tunawin ko siya eh!

Sabihan daw ba akong panget, eh maganda naman ako kahit papa'no eh. Kainis! Pero ayos na kami. He gave me the 3 minute treatment. Then Poof! Okay na ang Lahat. Pero yung pagpapaganda ko tuloy yun! Makikita nila!

Pinapunta ko si Mich pati si Francine dito sa bahay ni Blake since pwede naman daw magpapunta kaso humingi ng permiso sa kanya. So 'yun nga, nag paalam ako sa kan'ya na may gagawin lang kami saglit tapos pumayag naman. Kinulit ko pa talaga 'yung dalawang 'yun hanggang sa 'yun nga napapayag naman---by the way alam na rin nilang dalawa na nag tatrabaho ako kay Baks. Hindi naman nila pinagkakalat kaya okay lang.

Nung nakausap ko si Francine kagabi via phone..ayun! tili ng tili kasi kinikilig daw siya.. kesyo nilibre daw siya ni Yelo ng pagkain tapos nag laro sila sa quantum.. pero mas lumakas yung irit niya nung inofferan daw siya ni Yelo na ihatid sa bahay nila.. Buti nalang talaga walang ka-alam alam si Yelo na ang ka date niya ay isang sirena. Kundi Tegi ako dun.

Anyhoo...Hinihintay ko ngayon silang dalawa dito. It's already 6:15AM Ang tagal nila infairness.

"Hoy, Pandesal!"

"Ay! Kalabaw!" Napatingin ako sa likuran ko. Sana pala hindi nalang ako lumingon! Iniwas ko agad 'yung tingin ko't itinuon sa isa kong kasamahan na maid dito. Ngumisi nga eh. Eh pa'no, inaasar n'ya lagi 'ko dito sa bakulaw na 'to. Kesyo bagay daw kami. Tss. "Baks, mag damit ka nga!" Pa'no topless nanaman! 'Yung pandesal niya sa tiyan kita nanaman! Ganito ba talaga 'to 'pag natutulog?! walang suot na shirt? Magka pulmonya ka sana!

JOKE! Bad girl Kate! Bad!

"Haha! Bakit kasi 'di pa masanay.." Nanginig 'yung buong kalamnan ko nang bigla n'yang ilapit 'yung mukha n'ya sa tenga't bumulong. "Araw-araw mo akong makikita na naka ganito, 'no! " Aba't! talaga namang... ANG SALBAHE MO EH! KALMUTIN KITA EH!

"Che!" Tumayo ako't humarap sa kan'ya ng nakapamewang. Pero hindi ako nakatingin sa katawan o sa mata n'ya, sa noo n'ya 'ko nakatingin! Nakakailang kaya! "Mag bihis ka na! 'Yung Almusal mo nandun na, naka ready na."

"Oh nasan na yung--."

Hindi n'ya natapos 'yung sinasabi n'ya kasi biglang may nagdoorbell. Nagkatinginan kami pero bigla 'kong umiwas kasi sakto na pagkatingin ko eh ngumisi s'ya na parang asong ulol.

Ayan na siguro sila.

"Good Morning, Ka---." Mich at Francine... NGANGA nang makita si Baks na Topless.

Tinulak tulak ko siya without looking hanggang sa mapunta kami ng kusina.

"Sabi naman sa'yo mag damit ka eh! Ang kulit mo kasi!" hindi parin ako makatingin.. baka mamaya halayin ko 'to eh! Ang bad ko ngayong araw na 'to, ha!

"Eh ano naman kung nakita nila?" NAg-cross arms s'ya tapos ngumiti ng nakakaloko sa'kin. "Tumingin ka rin kasi!"

"Lettuce ka!" Sigaw ko sa kan'ya tapos tinalikuran ko na s'ya. "Kumain ka na d'yan!"

Bago nga 'ko makalayo sa kusina, naririnig ko pa na humahagalpak ng tawa si Baks dun sa kusina eh. Tuwang-tuwa talaga 'yun na asarin ako. Asarin ko rin kaya, baka s'ya naman makaramdam nitong nararamdaman kong inis.

Bumalik na ako pabalik kung nasan yung dalawa... Ayun! Nag iiritan--hindi naman malakas.

"Waa~!" Lumapit sa'kin si Mich tapos hinawakan ako sa magkabilang balikat at niyugyog ako. "Kate! Ang swerte mo girl! Ulam na ulam! May tinapay sa tiyan eh!" Ulam tapos tinapay? Wow!

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora