Chapter 33

1.4K 22 2
                                    

Eris's POV

Finally! Nandito na ako sa Pinas!

Sa tita ko muna ako makikita tira. Informed naman na din sila sa pag stay ko sa house nila so it's okay na.

When I arrived at my tita's house, sinalubong agad nila ako ng Super Hug. Gan'yan talaga 'ko sa mga kamag-anak ko. Close. Ayoko naman kasi silang isbon-in. That's a super big NO NO dahil mahal ko sila.

After ko ayos ang mga gamit ko, I took a bath at nag bihis tapos diretso na sa Silhouette. Hinarang pa nga nila 'ko eh. Kararating ko pa lang daw kasi, aalis agad ako. Eh sinabi ko naman na importante lang kaya pumayag na sila.

Importante talaga. Importanteng makita na si Blake at nang bumalik na s'ya sa'kin. I know he still loves me. Well... Sino ba'ng hindi magmamahal sa'kin? I'm undeniably beautiful.

Pagkarating ko sa Silhouette, Hindi na 'ko hinarang ng Guard. Kilala naman kasi ako ng guard dito so pinapasok agad ako. Eh, Hello? Dito 'ko nag-aaral dati. At makakalimutan ba naman n'ya 'yung kagandahan ko? Ha!

May mga nag tataka dahil siguro sa damit ko; naka civilian kasi ako. May iba namang kilala ako kasi mga dati ko silang classmates. I repeat: Nag-aral ako dati dito. Dito kasi ako nag study since 1st year to 3rd year.

In all fairness nakakapagod mag libot, ha? Haay nako. Makapag tanong na nga.

Hinila ko sa braso ang isang estudyanteng babae.

"Alam mo ba kung saan ang room ni Blake Felix? 'Yung anak ng may-ari nitong school?"

Who wouldn't know Blake? He's so damn handsome, Rich, Smart at anak pa ng May-ari nitong school. Kaya nga ang lakas ng loob ko na mag-tanong nalang kung kanino kasi imposibleng hindi n'ya kilala si Blake. ang Blake ko.

"401."

Oo nga naman. Ba't pa pala 'ko magtatanong eh obvious naman na sa top section s'ya ng 4th Year nakasama. Tss. Stupid Eris.

Wala akong panahon mag thank you sa kan'ya so umalis na agad ako at umakyat. Hindi ko ugali mag-thank you unless nagawan ako ng super big favor. That's so not me kung magte-thank you ako sa babaeng 'yun.

Pag akyat ko nakita ko siyang tumatanaw sa railings... ang gwapo parin talaga niya. I missed that guy who's over looking the whole quadrangle---No. The sky.

Nilapitan ko siya at niyakap. Halata namang nagulat siya.

"E-Eris?"

What's with the shocked yet irritated expression?

--

Kate's POV

Katatapos lang ng subject namin. Meaning...Lunch time na and now it's time to eat!~ Grabe 'yung gutom ko! Grabe! Ang grabe naman rin kasi nu'ng teacher namin magpa-quiz. Si Blake, nakakainggit! Kasi ang easy lang para sa kan'ya nu'ng quiz! Kaya, ayun. Pinayagan s'ya ng teacher namin na lumabas; para daw walang makakopya sa kan'ya. Tss. Nakakainis na teacher.

As usual, kasama ko ulit sila Francine at Mich. Siyempre ,pag binanggit ang pangalang Kate kasunod na nu'n ang Francine at Mich. Nabansagan pa nga kaming Powerpuff girls ng Silhouette eh! Haha. Ang baliw lang ng kaklase at schoolmates namin.

'Yung Nocturnal naman nag text kanina na hindi sila makakasabay dahil kailangan nila mag practice. Psh. Dumagdag pa 'yung performance chuchu na 'yun. Edi mahihirapan niyan si Calvin sa pag mememorize ng Lines.

Nasa'n ang katarungan sa school na 'to?

Pag labas namin, I was petrified sa kinatatayuan ko.

Bakit?

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Where stories live. Discover now