Chapter 24

1.5K 18 7
                                    

Kate’s POV

“Kuya~ Where are you?“ Narinig naming bumukas ng pagkalakas-lakas 'yung pinto kaya napatingin kami ni Baks d'on.

At.. Shaks! Iniluwa nun ang super cute na batang babae!

Oh, My God! Ang sarap n'yang gawing Keychain!~

“Charm? Ate?“ Sabi ni Baks na napatayo sa couch.

“Kuya---.“ Hindi natapos nitong cute na cute na batang babae na ito ang sasabihin nang mag salita si Ma’am Rizza. Wow, she's really beautiful. Parang effortless ang pagpapaganda n'ya. Parang natural na eh. Nakakainggit minsan 'yung mga gan'yan. Mapapatingin ka pa minsan sa sarili mo tapos tatanungin mo pa 'yung sarili mo kung maganda ka ba o ano.

Nakakainis.

“Kate?" Hindi n'ya pinansin si Baks na tumayo tapos lumakad s'ya palapit sa'kin habang hatak 'yung bata. "What are you doing here?“ Amazement and curiousity is written all over Ma'am Rizza's Face. Pero.. Ano daw? Meaning hindi pa niya alam na dito ako nag wo-work?

“Uhh.." Napatayo ako. Mahiya naman ako kung s'ya nakatayo, na anak ng may ari ng bahay tapos ako na P.M lang ng kapatid eh nakaupo, right? "Ms. Rizza, I… work here?“ patanong kong sagot. Kasi naman, 'no! hindi niya alam kung bakit ako nandito? Really?!

“Really?!" 'Yung ngiti ni Ma'am, umabot na sa tenga n'ya. Humarap s'ya kay Baks tapos hinampas 'yung braso nito.

"Aray naman!" Singhal ni Baks kay Ma'am Rizza pero hindi pinansin ni Ma'am Rizza 'yung ginawa ni Baks.

"Blake! Why didn’t you tell me?“ Ang cute ni Ms. Rizza! Wagas maka ngiti! Nakaka-Tibs! Ay, ano ba 'tong sinasabi ko? Totoo kasi. Kung That's my Tomboy lang ako, Nako! Pinormahan ko na 'yan si Ma'am Rizza kahit mas matanda s'ya sa'kin.

“I did told you that I hired a personal maid.“ Hindi n'ya pinansin si Ma'am Rizza tapos umupo s'ya sa couch. Kinuha n'ya 'yung remote ng T.V tapos binuksan 'yun. Ang sarap batukan minsan nito ni Baks eh. Munshunga lang! Hindi pa rin nakatingin kay Ma’am Rizza at nakatutok pa rin sa T.V. Bastos!

“And you hired Kate? Hmm.. Okay." Napakunot 'yung noo ko nang ngumiting tagumpay si Ma'am Rizza. "Akyat na muna kami ni Charm sa kwarto niya. And Kate, let’s talk later. “ tapos umakyat na sila nung batang super cute! Nanggigigil ako!

Tumingin ako kay Baks na kasalukuyang nanunuod. Umupo 'ko sa tabi n'ya so magkatabi na kami.

“Hoy, Baks!“

“What?“ hindi pa rin siya natingin. Tutok kasi sa pinanunuod. Psh.

“Kapatid mo 'yung cute na bata?“

Napatingin s'ya sa'kin ng nakataas 'yung kilay. "Obvious ba?" Sarcastic n'yang sagot kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. Iniwas n'ya 'yung tingin n'ya't tumingin ulit sa T.V. “Oo. Kaya ipag handa mo sila ng maiinom.“

“‘Kay“ Tumayo na 'ko't pumunsa sa kusina.

Nang maayos na 'yung ise-serve ko sa kanila, inilagay ko na sa isang tray 'yung maiinom nila tapos nilagay ko sa sala kasi for sure dun naman mag-uusap-usap 'yung mga 'yun.

Ilang saglit lang bumaba narin si Ma'am Rizza pati si Charm. Umupo sila sa tapat namin ni Baks.

“Kuya," Hindi s'ya pinansin ni Baks. Patuloy lang s'ya sa pag-inom. Ansama! Kung ako 'yung tinawag nung bata, malamang, pinansin ko na 'yan! "Is she your girlfriend?“ Napabuga ng onti si Baks nung iniinom n'ya. Hindi naman siguro pangit 'yung pagkakatimpla ko kaya n'ya naibuga 'yun. Kanina pa nga s'ya nainom eh. Malamang dun 'yun sa tanong nung bata. Whuut?! Uminit mukha ko nun ah!

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ