Chapter 69: First Blood~ ♫♫ (Ending)

892 29 23
                                    

Kate's POV

"Kate, Anak, mag-impake ka na dahil bukas sasama ka na sa'kin. Pupunta na tayo na tayo sa bago mong tirahan."

Nabasa niyo naman siguro 'yung sinabi ni Hitler diba? Ang BUTIHIN kong AMA eh isasama na 'ko bukas sa bahay nila.

 "Let me guess.. Maka-kasama ko dun si Anne Curtis 'no?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Ha?" 

"'Yung OTHER WOMAN mo. Don't tell me, nakalimutan mo na agad s'ya at nag-hanap ka pa ng Bea Alonzo mo?"

"Alam mo, Kate, tumigil ka na. Atsaka.. ano namang kinalaman ni Bea dito?"

"The Mistress. *smirk*"

"Argh!" Napasabunot siya tapos naihilamos niya 'yung kamay niya sa mukha niya sa sobrang Frustration niya sa'kin. Ha! Good~ Mainis ka lang. Baka mag-bago pa isip mo at 'di mo na 'ko kunin.

--

Hapon na ngayon. 4:58PM

Kauuwi ko lang galing School ng maabutan ko sila Mama, Hitler at si Luke sa sala.

"Anong meron?"

"Kakausapin ko kuya mo."

'di ko na siya pinansin at dumiretso na 'ko sa kwarto ko. Pag ka-tapos ko kong mag-bihis, bumaba na 'ko at naki-upo sa sofa sa Sala.

Nandito na kaming Lahat (except kuya Gelo) sa Sala para sa MEETING na magaganap sa pangunguna ni Diktador James Fuentes. Yehey! *Palakpak sabay tumbling tapos split* Ansaya saya! *roll eyes*

Hindi kasi maabutan ni Hitler si kuya eh, kaya napag-pasyahan n'yang hintayin si kuya ngayon since hindi pa niya nakaka-usap ng masinsinan.

Sobrang tahimik ng aura na bumabalot ngayon sa Sala. Siguro dahil sa tensyon or awkwardness na bumabalot sa'min ngayon. Dahil ayoko ng mga awkward aura, tumayo ako at dumiretso sa kusina para kumuha ng malalapang.

Fortunately, sa taas ng Ref, may naka-lagay na malaking pack ng Piattos (cheese) na may label pa. Sabi sa Label: 'Wag Pakielaman' At dahil isa 'kong masunuring bagets, kinuha ko 'yung Piattos tapos 'yung Label sa Ref ko idinikit.

Bumalik na 'ko sa Sala at umupo sa tabi ni Luke. Pag-balik ko nga, naka-bukas na 'yung T.V eh. Inalok ko na rin si Luke ng Piattos para p[ag pinagalitan ako ni Kuya, may karamay ako. Hehehe..

Ilang saglit lang din ng dumating si Kuya Gelo galing school.

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ni kuya tapos nag-bless siya kay Mama.

"Nandito 'ko para kausapin ka."

"tungkol sa'n?" umupo sa tabi ko si Kuya kaya napatingin ako sa kanya na saktong tingin n'ya sa'kin tapos sa Piattos. Tumingin ulit s'ya sa'kin at sinamaan ako ng tingin kaya nag japan-japan pose ako. Pa cute lang, baka tumalab. :3

Ayun nga, nag-usap na sila.

Sabi ni Hitler, isasama n'ya na daw ako sa Cavite. Nung natanong ni Kuya 'yung tungkol sa pag-pasok ko sa school since hindi pa nga 'ko nakaka-graduate tapos lilipat na 'ko ng bahay--- which is sa Cavite pa. Nung narinig ko ngang sa Cavite ako lilipat eh, I was Like... WHAT THE PAK?! eh nasa Manila ang Silhouette eh! Pero in-explain naman ni Hitler na, after I graduate dun na daw ako titira sa Cavite kasama nila. But for the mean time, sa bahay ng pinsan ni Elise (kabit n'ya) daw muna kami titira---which is sa Sta. Mesa lang. Malapit na rin sa school kung tutuusin kesa sa bahay namin.

Ang sabi, pupunta lang daw muna kaming Cavite para i-check 'yung bahay nila dun. Pinapagawa pa daw kasi---sana nga 'di na magawa eh! Sana madaanan ng bagyo para 'di matapos at dito nalang ako sa Manila. *Cross fingers sabay luhod*

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz