Chapter 23

1.5K 19 10
                                    

Kate's POV

Two weeks..

Two weeks has passed since umalis ang best friend kong si Yelo.. I badly miss his presence.

Kung nag vivideo chat kami? Oo.. minsan.. parang ayoko na nga rin muna humarap sa kanya, kasi parang ang unfair ko.. ako naka move-on na, siya hindi pa.

Pa'no ko nasabi?

Kagabi lang ka chat ko siya at halata sa mukha niya 'yung lungkot. Tapos sinabi niya pang:

"Tabs.. nahihirapan ako mag move on. Wala akong makitang babae na MAS pa sa'yo"

See what I mean, People?

Pero sobrang thankful din ako sa kan'ya kasi ibinigay niya 'yung bagay na gustong gusto ko makuha. 'Yung Bow na tinitignan ko sa sports shop every time na dumadaan kami dun.

Back to reality na nga.

Since wala akong magawa dahil si Baks ay hindi naman nalabas ng kwarto niya mag oopen muna ako ng facebook at wattpad.

Dun nalang ako sa sala mag net.

Mag stalk muna nga ako sa profile ng kung sino.

Si Baks pala hindi ko pa friend. Mai-add nga.

Ni-type ko sa Search bar 'yung Name n'ya.

Search: Blake Felix

Maraming lumabas na results pero hindi naman sa kan'ya 'to. Hindi niya mukha yung profile pic.

Matanong nga.

Umakyat ako at binulabog si Baks na natutulog yata? Tahimik eh. Kung tulog man siya wala akong pakielam! Aba! Wala siya sa friendlist ko ah.

Hinampas ko 'yung kamao ko ng ilang beses sa pintuan n'ya. Lagot ako dito. Ayaw pa naman nun ng binubulabog s'ya. Pero, hayaan na, lagot rin kasi s'ya sa'kin 'pag 'di n'ya 'ko inadd! Friends kami in real life tapos hindi kami friends online?! Aba! Hindi pwede 'yun!

"Baks! Baks! Baks!" Sigaw ko mula sa labas kasabay ng bagsak ng kamao ko sa pintuan.

Narinig kong may padabog na naglalakad papunta sa pinto. Lagot ako. Wahehehe. Sinasabi na nga ba eh.

"What?!" Medyo nabigla 'ko nang bumukas 'yung pinto tapos sigaw agad ang bungad n'ya. Halatang bagong gising, nakapajama kasi at... Okay? May damit? Himala! Aleluja!

"Himala! Naka damit ka!" Hinawakan ko 'yung manggas ng T-shirt n'ya pero agad n'ya naman tinapik 'yung kamay ko. Minsan talaga, ang mean nito. Ay, hindi pala minsan. Palagi pala!

"So ano'ng gusto mo? Naka hubad ako?" Sabay roll eyes n'ya. Ba't ba ang cool ng mga lalake 'pag ginagawa nila 'yun? Seriously?! Lalo na kay Baks? Hindi s'ya mukhang Aryana 'pag ginagawa n'ya 'yun.

"Sungit." Sumimangot ako. Ang sungit eh! Parang ayoko na tuloy tanungin yung e-mail niya. Katakot!

Babala: Magbiro ka na na sa lasing, sa bagong gising, 'wag lang kay Blake na bagong gising.

"Ano ba kailangan mo at kung galabugin mo 'yung pinto ko parang gusto mong sirain?"

"Eh.. kasi.." Ano ba? Napatingin ako sa relo n'ya. Oras.. Ano ba'ng araw ngayon.. Ah! Wala mang connect 'tong alibi ko, wala 'kong pake! Nakakatakot 'tong kaharap ko! "Sabado ngayon! Tama! Sabado ngayon! Tapos natutulog ka lang dyan?!" I looked at him with disbelief but he just eyes me with suspicion.

"Hoy, Pandesal.. Ano ba talagang pinunta mo dito at kelangan mo pa ako bulabugin?"

"Ah..Ano kasi.." I fidget. Bahala na! It's now or tomorrow! Pero, mas okay na kung ngayon dahil baka mas nakakatakot s'ya bukas 'pag binulabog ko. Sulitin na 'yung pambubulabog ngayon!~ "Wala ka pa sa friend list ko sa Facebook. Eh hindi ko alam e-mail mo.. so.. sulat mo dali! Dali! Para friend na kita sa Facebook." Ibinigay ko sa kan'ya 'yung Ballpen at papel na hawak ko pero hindi n'ya naman hinahawakan.

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt