Calvin’s POV
Nocturnal Sun's Residence
Time check 8:37PM
Nandito ako ngayon sa Kwarto ko. Kasama ko yung apat, nainom kami. Gusto ko nga hard drinks eh kaso ayaw nila so ang binili nila Red Horse at Tanduay Ice lang.
“Wala eh. Sa tingin ko nung una palang dapat umamin na ako. T*ngina kasi! BAKIT BA AKO PINANGANAK NA TORPE!! BWISET!” Yup. Nagve-vent nanaman ako ng inis dito sa mga 'to. Actually kanina pa, sa classroom palang. Nalaman ko pang may Fiancee na si Kate. Walang iba kundi yung ‘The Great Son of the School Owner Blake Felix’ T*ngina! Ngayon lang ako naging ganito sa tapat ng mga to—mahina. Nakakahiya.
“Pre, Tama na. Lasing ka na eh.” Lance
“Hindi pa ako lasing. Ang sakit sakit lang kasi talaga.”
“Alam mo Pre, mali yung desisyon mong wag siyang lumayo sa’yo eh. Diba sabi niya sa’yo lalayo siya sa’yo? Para ano? Para maka-move on ka. Dude! Tinutulungan ka ni Kate maka move-on. Kaya bakit mo ni-request sa kanya na wag ka niyang Layuan?” Ren
“Pano ka makaka move-on kung mag-eeffort ka paring Makita at makausap siya? Sasaktan mo lang sarili mo, ako na nag sasabi sa’yo.” Alex.
“Alam nyo, ngayon nalang ulit ako nag-mahal eh. Yung una oo tinanggap ko agad. Pero, T*ngina! Ibang Klaseng babae si Kate! Alam nyo yan!”
'Yan lang naman ang kaya kong gawin eh. Ang sumigaw dahil sa inis sa sarili ko. Kasi.. Ang laki ng katangahang ginawa ko. 'Yung time na nagpapaka-torpe ako, hindi ko naisip na pwede s'yang makuha ng iba.
Na.. What if umamin ako ng maaga? What if naging kami dahil sa pag-amin kong 'yun? Edi sana.. Hindi ako nasasaktan at namomroblema ngayon, 'di ba?
Malamang din, na kahit na nagka-fiancee s'ya habang kami pa, kung umamin ako't naging kami, may chance na ipaglaban n'ya 'ko since naging kami nga, na hindi naman nangyari dahil natorpe ako.
“Yeah. Kahit ako crush ko yun si Kate eh.” Si Lance at Ren. Nagkatinginan pa. Psh.
“Tae kayo! Meaning lahat tayo may gusto dun? Tae! Patiwakal na kayo! Buti ako crush ko lang yun.” Alex
“Oo nga.” Si Lance at Ren ulit.
“Siguro, hindi ka pa good enough para maging kayo ni Kate. Sigur---.” Hindi ko na pinatapos yung sinasabi ni Ren dahil sumingit na ako.
“That’s what I’m afraid of. Not being enough, Not being good enough, not being smart enough, not being handsome enough, not being.. not being…F*CK! NOT GOOD ENOUGH FOR KATE TO NOTICE ME!!” T*ngina ang sakit sakit! Ang sakit sakit! Ayokong umiyak dahil ayokong maipakita na mahina 'ko pagdating dito sa pesteng bagay na sobra kung manakit 'pag 'di umayon sa gusto mong mangyari na tinatawag nilang 'Love'.
“Pre, you know that’s not true.” Di ko na alam kung sino ‘tong nag salita kasi inubob ko yung ulo ko sa dalawang palad ko. Pero I think it’s Lance
“F*ck! Sana manhid nalang ako! In that way I won’t feel this pain that hurts like hell! Nasaktan nanaman ako! T*nginang Karma yan! Promise! Hindi na ako magiging tarantado pag dating sa mga babae! Maging… maging akin lang si Kate! Please! God, PLEASE! AKIN NALANG SI KATE!”
Bakit? akala n'yo ba na kahit 4th year high school lang ako eh wala pa 'kong alam d'yan sa 'love' na 'yan? Meron na. Nasaktan na rin ako dati. Na akala mo eh mamamatay na kung maka-arte dahil sa nireject ako? May idea ba kayo kung ga'no kasakit 'yun? Na hindi ka gusto ng taong gusto mo sa paraan na gusto mong magustuhan ka n'ya?
YOU ARE READING
She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)
HumorPAKIUSAP, HUWAG NIYO MUNANG BASAHIN DAHIL MASISIRA LANG ANG ULO NIYO DAHIL SOBRANG GULO PA NITO! TINATANGGAL KO PA KASI IYONG MGA FILLER, E. PINAIIKLI KO NA LANG. ANG HABA NAMAN KASI MASYADO.
![She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)](https://img.wattpad.com/cover/3497938-64-k658028.jpg)