Chapter 25

1.5K 18 3
                                    

Kate's POV

"Baks!~" Sigaw ko mula sa ibaba. Ang bagal kasi bumaba ng hagdan eh! Piling prinsesa?! "Bilisan mo male-late na tayo!~" Nagtatalon ako habang yakap 'yung bag n'ya. Pinakuha n'ya kasi sa'kin sa salas eh. Nakakainis kasi, ano'ng oras na kaya! Ang tagal naman kasi niyang kumilos! Dinaig pa babae eh! Kaya lagi s'yang nale-late eh!

"Eto na nga eh." Finally, nakababa na rin s'ya sa last step ng hagdan. Kita mo 'tong tao na 'to! Hindi pa rin ayos 'yung polo n'ya! Ni-isang button, hindi nakakabit!

"Anong maaga?" Nilapitan ko na s'ya pagkalapag ko nung bag n'ya sa sahig. Pagkalapit ko, ako na 'yung nagbutton ng polo n'ya. Ang bagal kasi! At saka, trabaho ko naman 'to since Personal Maid n'ya 'ko. Nang mai-button ko na lahat 'yung buttons, kinuha ko 'yung wrist n'ya tapos tinignan 'yung wristwatch n'ya. "6:45 na, oh! 8 ang pasok!"

Tinignan ko s'ya ng masama kasi nakatitig lang s'ya sa'kin. Kinuha ko rin 'yung kagat-kagat n'yang loaf tapos kinain ko 'yun. Tss.. Kabagal nito!

--

Nandito na kami ngayon sa school. Humiwalay muna 'ko kasi may kukunin ako sa music room-'yung mga music sheets naiwan kasi nung inayos namin yung mga instruments eh.

Kumatok ako kasi baka may tao. Nakasara kasi yung pinto.

Ilang beses akong kumatok at tumawag pero wala namang nasagot sa loob ng music room.

Okay.. Papasok na 'ko.

May keyboard! Wala kasi ditong keyboard last time na pumunta ako dito.

Just so you know.. nag pa turo po ako ng keyboard nung 2nd year palang ako.

Kakanta muna ako since maaga pa naman.

Umupo ako sa harap ng keyboard tapos nagsimulang kumanta.

Nang matapos akong kumanta, nagulantang 'yung buong kalamnan ko pati yata kaluluwa ko nang makarinig ako ng tunog ng palakpak mula sa likod.

Holo~ May nakarinig ng pagkanta ko?

Tinignan ko kung saan galing yung palakpak.

May lalaking nakatayo sa pintuan! Nakakahiya! Sagad to the bones sa kahihiyan! Baka isipin n'ya, nagco-concert ako dito! Feel na feel ko rin kasi 'yung pagkanta ko eh, napapa-pikit pa kasi ako.

"Ahm.." Tumayo ako'y luminga-linga. Nilapitan ko 'yung music sheets at kinuha 'yun. Nang makuha ko 'yun, 'yung bag ko naman 'yung kinuha ko't isinukbit 'yun sa likod ko. Hindi kasi shoulder bag ang gamit ko eh. Humarap ako sa kan'ya. "Ma-may kinuha lang ako." Ngumiti ako ng pilit tapos iwinagayway 'yung sheets. "Si-sige." Nagsimula na 'kong maglakad. "Bye."

Palabas palang ako ng pinto pero humarang siya.. Tinignan ko siya.

Ano ba 'to?! Ba't s'ya humarang?!

"Teka, Miss." Ngumiti s'ya. Ang gwapo naman nito. "Ano'ng pangalan mo?"

"Kate. Sige, Bye." Lulusot dapat ako sa extra space sa pinto pero hinarang niya kamay niya. Kulet nito ah!

"Wait. Ako nga pala si Calvin. Calvin Roxas." Inextend niya yung kamay niya. Inabot ko naman 'yung. So nag shake hands kami. Ang gaspang ng kamay n'ya. Lagi n'ya sigurong ginagamit sa kung sa'n. Sa trabaho? Ewan.

"K, Bye bye." Inaalis ko na kamay niya pero ibinabalik n'ya pa rin!

Kainis! Pektusan ko to eh!

"Teka lang naman, Miss. Narinig kasi kita kumanta. And all I can say is.. Wow."

Hindi ba s'ya titigil kaka-ngiti n'ya? Oo, alam kong may perfect set of teeth s'ya na sobrang puti, ako rin naman eh, pero kailangan n'ya ba talaga laging ngumiti? Sumunod pa yata sa yapak ni Yelo 'to. Mr. Friendly rin siguro.

"Sa-salamat. Sige. Alis na 'ko. Malapit na kasi mag 8. May klase pa ako." Dinahilan ko nalang. Pero, totoo naman kasi, male-late na 'ko 'pag nakipagdaldalan pa 'ko sa kan'ya!

"Hatid na kita sa room niyo." Napaangat 'yung tingin ko only to see his, yet again, smiling face.

May naligaw pang endorser ng Close-up dito.

"H-huh? Hindi! Hindi! Wa-wag na!" with hand gestures ko pang sinabi. Para naman malaman n'ya na hindi n'ya na 'ko kailangang ihatid.

"Hindi. Okay lang. Hatid na kita. Room mo?"

I give up! Makulit na nilalang.

"Sigurado ka? Wala ka bang klase?"

"Wala pa. Maaga lang talaga ako pumapasok."

"Ah.. Sige. Sa room 401 ako."

"Ah. Katabing room lang pala tayo. 402 kasi ako eh."

At dahil mahilig s'yang ngumiti, ngingitian ko rin s'ya.

Ngumiti muna 'ko bago 'ko sumagot. "Sige. Tara na."

Nang makaakyat kami may sumalubong sa'min na tatlong lalake.

"Yo! Calvin! Kanina ka pa namin..." Napatingin s'ya sa'kin. 'Yung unang lalakeng lumapit sa kan'ya. "Sino siya?" turo sakin ni kuya #1. Tatlo kasi sila.

"Siya si Kate." Sagot naman ni Calvin.

"Hi, Kate." Kumaway s'ya ng bahagya habang nakangiti. Para s'yang bata. "Ako si Ren." Ah. So Ren ang pangalan nitong parang batang 'to.

Lumapit din yung isa na nakangisi. Hindi kasi ngiting katulad ng kanila Calvin at Ren. Ngiting tagumpay yata 'to eh? Inilahad n'ya 'yung kamay n'ya. Shake hands nanaman? Kinuha ko naman 'yun pero nagulat ako nang halikan n'ya 'yung kamay ko. Siyempre nanlaki mata ko. "Ako si Alex."

"Hoy, Alex!" Sabay hila ni kay Alex patabi sa kan'ya.

Whoa~ Don't tell me nagselos s'ya sa'kin? Barney ba si Calvin?! Ang gwapo n'yang Barney, ha? Sayang s'ya. Hahahaha. Pero.. I doubt na Barney 'to. Marami sigurong magluluksa 'pag naging Barney 'to. Honestly, he has the looks.

Pati 'yung isa nilang kasama na napansin ko na ang galing mag-dala ng uniform. Bumagay sa kan'ya. "Lance." Sabay ngiti n'ya. Warm. Ang warm ng ngiti n'ya.

Siguro.. Sa kanilang apat, o baka may dumagdag pa pero mukhang wala naman na kasi wala nang nalapit, siguro, si Lance 'yung pinaka-normal. Si Ren, parang bata. Si Calvin, Barney yata na mahilig ngumiti. Si Alex, mukhang babae. So I therefor conclude that Lance is the normal one among them. Hahaha.

"Hello sa in'yo." Nginitian ko sila tapos humarap ako kay Calvin. "Sige, Calvin. Pasok na 'ko. Baka kasi dumating na teacher namin."

"Uhh.." Nagkamot s'ya ng batok habang nakangiti ng bahagya. "Okay.." Tumalikod at paalis palang ako pero hinawakan niya braso ko "Uhh.. Kate."

"Hmm?"

"Okay lang ba kung sasabay ka sa'min ng Lunch. Pakilala na rin kita ng husto sa mga 'to." Papakilala mo 'ko eh hindi pa nga tayo ganun magkakilala. Adik ka rin eh.

"Huh? Ehh.. may kasabay kasi ako.." 'Yung ngiti n'ya, biglang wala. Pero bumalik naman ulit pero halatang pilit na ngiti nalang 'yun.

"Ahh.. ganun ba?" Binitawan n'ya braso ko. "S-sige." Holo... Parang na disappoint siya?

Tsk... hindi na nga muna ako sasabay kay Baks. Nakakasawa na rin naman kasi 'yun pagmumukha niyang gwapo---JOKE!~ Nope. Hindi pala joke kasi gwapo naman si Baks eh. Abnormal lang.

"Wait.. Sige.." Napatingin s'ya sa'kin ng nanlalaki 'yung dalawang mata nagulat? "Sige.. sabay nalang ako sa in'yo." Nginitian ko sila. Nandito pa rin kasi 'yung tatlo, nanunuod sa'min. "Pero.. pwede ba mag sama?" Gusto ko isama si Baks. Para kasing walang kaibigan 'yun bukod sa'min ni Yelo eh.

"Talaga?---I mean.. sige. Pwede naman. Pasok na kami. Hintayin ka nalang namin dito."

"Sige. Bye."

Nag-wave sila tapos pumasok na isa-isa sa room. Ang kulit nga eh, nagtutulakan pa sila nang nasa pinto na sila. Natawa tuloy ako.

Pag pasok ko, umupo agad ako. Tapos si Baks naka tingin ng masama sa'kin.

Ano'ng ginawa ko dito?

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Where stories live. Discover now