Epilogue

906 32 29
                                    

Love? Isang bagay na napatunayan kong sa umpisa.. sobrang.. Sarap sa pakiramdam. Yun bang.. Pag-minahal ka pabalik ng taong mahal mo. Masaya, kasi.. kahit anong mangyari---mahirap man o hindi, alam mong kasama mong lalaban 'yung taong mahal mo. Pwede ring SOBRANG sakit naman sa maraming dahilan. Pinaka-masakit sa lahat eh yung nangyari sa'kin---ang mawalan ng taong mahal ko at naging buhay ko, at alam ko sa sarili kong.. wala nang paraan para bumalik pa siya. Dahil.. wala na.. wala na s'ya. Kahit ilang balde man ng luha ang iiyak ko, wala pa rin. Kahit lumuha pa ko ng dugo, wala pa rin. na.. kahit anong gawin kong kagaguhan sa katawan ko, wala. Wala pa rin. dahil.. 'di na s'ya babalik.

'Yung SARAP, SAYA, HIRAP, GINAHAWA't SAKIT.. sa isang babae ko lang naramdaman. Sa babaeng naging dahilan para mag-bago ako. S'ya rin ang dahilan kung bakit NAGING masaya 'ko. Pero.. s'ya rin ang nag-bibigay ng SOBRANg sakit na pakiramdam na nararamdaman ko ngayon. Na sa sobrang sakit, gusto ko nalang mamatay para 'di ko na maramdaman 'tong sakit na 'to. At isa pa.. para mag-kita na ulit kami---mag-kasama na ulit kami, pag nawala na 'ko sa mundong 'to.

Si Kate Fuentes o kung tawagin kong Wifey, ang babaeng pumasok ng biglaan sa buhay ko para bigan ako ng panandalian kaligayahan at pagka-tapos n'ya 'kong bigyan ng panandalian pero kakaibang kaligayahan at pananaw sa buhay ehbigla n'ya rin akong iniwanm at kasabay ng pag-alis n'ya ang pag-alis din ng saya at napalitan ito ng sakit na hindi ko kayang takasana, kalimutan at talikuran.

Sabi ko nga sa mga napapanuod ko dati, 'Bakit ba iniiyakan nila 'yung Girlfriend o Boyfriend nila pag-nawala? Ba't 'di nalang sila kumuha ng kapalit? ang tanga pala nila eh.. Simpleng problema, 'di masolusyunan..'

Pero..

Ngayon.. alam ko na. Alam ko na kung bakit nila iniiyakan 'yung Girlfriend o Boyfriend nila pag nawala. Dahil Masakit. SOBRANg sakit. Ang sakit pala talaga pag iniwan ka.

--

Isang Buwan..

Isang Buwan na ang naka-li-lipas ng mawala s'ya. Tatlong linggo naman bago ko matanggap na wala na s'ya. Wala nang Kate Fuentes na mamahalin ko. Ibinalita kasi na may babaeng nakita daw sa damuhan sa Cavite. Barag ang mukha sa tama ng bala ng baril. base na rin sa narinig ko isang buwan ang naka-lilipas, parehas 'yung description ng nag-babalita sa kng pano namatay 'yung biktima: Rape Victim daw. Pagka-tapos pag-samantalahana, ninakawan daw 'yung biktima tapos pinatay.

Gusto ko mang pumunta no'n sa pinag-dalahan sa katawan ng biktima---na alam kong si Wifey ko, kaso.. nanguna sa'kin ang takot. Takot akong makita s'ya sa gano'ng kalagayan. Na isang.. Ewan.

Hindi ko matanggap sa sarili ko na.. Wala man lang ako sa tabi n'ya nung nangyari sa kanya 'yung ganun. Na.. wala man lang akong nagawa para protektahan s'ya.

Lahat sila, hindi kinaya no'ng sinabi kong wala na si Wifey. Maraming luha ang tumulo para kay Wifey no'ng araw na sinabi kong wala na s'ya. Nagalit naman sa'kin si Mama, (Mama ni Kate) dahil 'di ko daw sinabi agad 'yung balita sa kan'y---sa pamilya Fuentes. dalawang linggo kasi ang lumipas simula nang mamatay si wifey bago ko sinabi sa kanila na.. wala na nga si Wifey. Hindi ko kasi kinaya eh. At sa pag-aakala pa ng morgue na pinag-dalahan sa katawan ng bangkay na walang mag-c-claim sa katawan ng bangkay kaya naman pina-cremate daw 'yun. Kaya walang naabutan sila mama na katawan ni Wifey nang pumunta sila sa cavite para tignan si Wifey. Mag-asawang sampal ang natamo ko dahil kasalanan ko daw kung bakit 'di nila naabutan 'yung katawan ni Wifey. Tama naman sila eh. Pati si Calvin, halos mapatay ako sa bugbog. Unfortunately,  naawat s'ya ng barkada.

Kasalanan ko kasi.. naduwag ako.

Bakit ba kasi sa dinami-rami ng masasamang tao sa mundo, bakit s'ya pang matino 'yung kailangang kunin?!

---

Sa School.. para 'kong patay na nag-lalakad. Lasing, wala sa sarili, bagsak sa lahat ng quizes at tests. Pag-napapatingin naman ako sa katabing upuan ko kung sa'n dati naka-upo si Wifey, bigla nalang akong ma-iiyak at mag-wa-walk-out.

Ewan ko rin kung bakit ko 'to ginagawa.. Siguro kasi.. Medyo nawawala 'yung sakit, pero.. bumabalik at bumabalik pa rin eh. Nada-dagdagan pa nga yata.

Kaya naisipan kong huminto muna sa pag-aaral, tutal wala rin lang naman mangyayari eh. alam ko namang babagsak ako sa lagay kong 'to. Maraming tumututol kasi daw graduating na 'ko,. Pero.. anong magagawa nila? Desisyon ko 'to eh. Ito ang gusto ko.

---

Gabi-gabi, oras-oras,minu-minuto kong pinapanuod 'yung mga video's namin ni Wifey na mag-kasama. sa gano'ng paraan ko nalang kasi s'ya nakikitang ngumiti at nag-sasalita eh. Mag-mula sa kasal 'kuno' namin, bondings, 'yung naki-tulog ako sa kanila dahil trip ko lang, na ni-videohan n'ya 'yung pag-punas sa laway ko habang tulog ako. (inilapit n'ya kasi 'yung cam kaya kita ko 'yun.) tapos, binigyan n'ya ko ng kiss---though smack lang, sabay sabing "Tulo laway ni Hubby. Hehe.I love you, Hubby~ Sorry kung vini-video-han kita ngayon ah. Wala 'kong magawa kasi tinulgan mo 'ko eh! Kasalanan mo rin!" Nakaka-hiya mang-ishare 'yan, wala 'kong paki-elam. She's with me on that video. That's important. Tapos 'yung video ng date namin nung birthday ko. Bawat ngiti at tawa n'ya sa video's na napapa-nuod ko, eh s'ya namang luha ko.

'Yung ibinigay n'yang CD sa'kin nun nag nagpa-iyak talaga sa'kin. Ni-video-han n'ya kasi 'yung sarili n'ya habang kinakanta 'yung 'Kasama kang Tumanda' ni Toni. Isinigaw ko pa nga no'n habang pinapa-nuod ko 'yung video eh "Pano tayo mag-kakasamang tumanda kung iniwan mo 'ko?!"

Bawat panlalait, pang-aasar, pang-iinis, pag-lalambing, yakap, halit at lalo na 'yung preseniya n'ya, nami-miss ko. Kahit araw-arawin n'ya pa 'yung mga panlalait at pananakit n'ya sakin, okay lang! basta maka-sama ko lang ulit s'ya.

Ayoko na. Tama na.. Hirap na hirap na 'ko. Sobrang sakit na. Pag nag-tagal pa 'ko dito sa Manila, baka mabaliw na 'ko. Halos lahat nalang ng bagay ipinapa-alala sa'kin si Wifey.

Kaya ang ginwa ko, 'yung kwarto ko, ginawa kong parang museum na kahit sa'n ka tumingin, mukha ni Wifey ang makikita. Lahat ng mga bagay na ibinigay n'ya sa'kin, idinisplay ko. Inilagay ko rin 'yung kwento at kung kailan n'ya ibinigay 'yung gamit.

Ginawa ko lang naman 'yun kasi.. aalis na 'ko. Para pag-balik ko, I already moved on. Wala nang sakit at maipapa-alala pa sa'kin ng kwarto ko na may nag-exist na Kate Fuentes sa mundo, na minahal ko ng sobra at sa awa ng Diyos, minahal din ako pabalik.

Tawagin n'yo na 'kong duwag dahil sa ginagawa kong pag-takas sa sakit, pero.. Kailangan ko 'to para mabuhay. Dahil 'di ko na talaga kaya.. ang sakit-sakit na.

"Blake, Let's go. Ihahatid na kita sa Lola mo."

"Okay.." kinuha ko na 'yung mga gamit ko tapos sumakay na sa kotse ni Mommy..

*sigh*

Can I Really move-on? Eh may hindrance kasi eh: 'yung SOBRANG pag-mamahal ko kay Wifey.. :(

Ano na kayang mangyayari sa'kin, na ngayong wala na si Wifey sa tabi ko?

(Author's Note: Guys.. Ano.. okay lang ba 'yung Epilogue? [I Hope So]  Sorry kung napangitan kayo sa Epilogue na ginawa ko, kasi.. FIRST TIME ko 'to! Sorry! Hindi naman kasi ako bihasang writer eh~ Gomen~ Sorry~ *bows*    Abangan n'yo 'yung BOOK 2!  'SaE': Shattered Memories :D    Thanks For Reading 'She's An Exception'.    This is the End of Book One [Obviously!?]    Book 2 naman! Tararan~ Hahahaha. And please support or read my other stories as well. Hindi sila kasing boring nitong story na ito. Hahaha. At kung binabasa mo ito ngayon, sorry kasi hindi ko pa nai-edit ito kaya sorry kasi pinagtiyagaan mo siyang basahin kahit hindi malinis iyong pagkakasulat ko.

And, oo nga pala, gagawa ako ng 'Blake Felix' book so look out for it. Basta, wala siyang pinagkaiba pero may revised rin iyong Blake Felix book. I swear, aayusin ko iyon. Hahaha.)

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Where stories live. Discover now