Chapter 9 (BOOM!)

1.9K 27 4
                                    

Kate's POV

Napapansin ko lang, ha? Nitong nagdaang mga araw, parang problemado si Ice. Oo, ngumingiti siya pero halatang pilit naman. Iyon naman si Blake, parang may alam sa pasan na problema ni Ice. Hula ko lang pero kasi every time na tatanungin ko siya kung may problema ba si Ice, iniiba niya iyong topic. Akala naman niya hindi ko nahahalata pero sinasakyan ko na lang. Baka Masyadong private na para alamin.

Hindi! Private private!

Matawagan na nga! Natutuliling na utak ko kakaisip! Private man iyon, wala na akong pakielam! I think I have enough rights para malaman iyong reason kung bakit ganuon sila, right? Bestfriend ako ni Ice at kaibigan ko si Blake.

So, tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at kinuha iyong cellphone sa gilid ko.

“Hello?” Medyo husky pa iyong boses niya. Kagigising lang siguro. Malamang ito natulog buong araw kasi wala naman kaming pasok. Iyon naman kasi ang gustong gusto niya gawin since sobrang dami lagi ng ginagawa niya – mapa school o sa pamilya.

"Yelo, may hindi ka ba sinasabi sa akin?”

Narinig ko siyang bumuntong hininga. “Pwede magkita na lang tayo? Dapat sasabihin ko na sa iyo ito last week kaya lang hindi ako makakuha ng tiyempo.”

Last week pa dapat? E, bakit hindi niya sinabi kung sasabihin naman pala niya dapat? Hindi naman siguro ganuon kaprivate since sasabihin naman pala sa akin.

"Ano ba kasi iyon? Hindi ba pwede na dito na lang sa phone? Baka kasi may iutos si Blake tapos wala ako kung aalis ako."

“Please?”

Napabuntong hininga ako. Nagplease na siya, wala na akong magagawa. "Sige, magpapaalam lang ako. " Inend ko na iyong call saka lumabas ng kwarto.

--

Nandito na ako ngayon sa sinabing coffee shop ni Ice kung saan kami magkikita. I think five minutes had past nang makita ko iyong kotse niya. Kinawayan ko siya, at nang makita niya ako, nagsmile lang siya pero faint iyong pagkakangiti niya.

Something's really off here. Hindi ganiyan si Ice.

"Hi." Sabi niya as he sit down.

"Masyado ka namang formal." Tumawa ako nang pilit. Baka kasi kahit kaonti, malift ko iyong heavy atmosphere.

"Order lang ako saglit. Ano gusto mo?"

"Kagaya na lang ng sa iyo." Tumango na lang siya tapos umorder na. Saglit lang rin nang makabalik siya. Inilagay niya sa table iyong inorder niya para sa amin saka naupo sa harap ko."Yelo, nag-aalala na ako sa iyo. may problema ka ba?" I sip the coffee. Hmm… Sweet.

"Wala naman."Sabi niya habang iniikot iyong teaspoon sa coffee niya.

"You're lying." Napatingin siya sa akin. "Hindi ka ganiyan." Mas lalo namang lumungkot iyong expression niya sa mukha tapos napatungo siya saka niya itinuloy iyong paglalaro ng teaspoon sa kape niya.

I knew it! May problema nga siya!

"Kilala mo nga ako." Bahagya siyang ngumiti tapos umiling. Humigop rin siya nang kaonti sa coffe niya tapos inilapag ulit iyon sa table.

"Naman! Best friend kita, kalaro kita nuong mga bata pa tayo up until now, tapos ganito tayo, o."Cinross ko iyong hintuturo pati middle finger ko saka iyong ipinakita sa kaniya. “Hindi ba?”Ngumiti lang siya. Again, a faint one. Hinawakan ko kamay niya saka tinignan sa mata. “Yelo, tell me, ano ang probema mo?" 

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz