Chapter 31

1.5K 21 4
                                    

Kate's POV

Bakit ba ako nasaktan ng ganun nung sabihin niya 'yung mga salitang 'yun?

Oo ngam paulit-ulit nalang ako, alam ko. Hindi ko na kasi talaga maintindihan sarili ko eh. Bakit ako nasaktan, pasasaktan rather, dahil sa sinabing 'yun ni Blake?

Eh.. totoo naman eh. Ano nga ba naman n'ya 'ko? Wala. Maid at Kaibigan lang. Pero bakit parang ang lakas ng impact? Parang binagsakan ako ng Hiroshima bomb sa sakit eh!

Buong gabi ako nag isip. May sumagi pa nga sa isip ko na mag quit na ako sa trabaho ko kasi parang may kutob ako na may mga hindi inaasahang mangyayari if nag stay pa ako sa bahay. Ewan ko kung dapat ba 'kong maniwala sa premonition kong 'yun o ano. Wala naman din ako masyadong ginagawang trabaho. In fact feeling ko nga eh parang inuutusan lang ako sa bahay kung mag utos siya. Sa bahay namin. Siyempre diba unfair naman 'yun? I should not take this job for granted.

So yeah. Pag-iisipan ko kung mag quit na talaga ako. 'Pag hindi pa ako nakapag isip ng rason para mag stay by this day, I'm gonna quit.

Nang buksan ko cell phone ko, madaming texts akong na receive. Puro sa circle of friends ko lang galing.

Eto nanaman 'yung pakiramdam ko na may kinalaman nanaman si Blake.

Habang nag s-scroll kasi ako ng messages, hindi ko alam pero inaasahang ko na sana nag text si Blake. Pero wala. As in wala.

Napatulala tuloy ako. Kamusta na kaya si Blake? Nasa'n na kaya s'ya? Kumain na kaya 'yun? 'Yung assignments, ginawa ba n'ya?

Tsk. Stop thinking about Blake na nga, Kate!

Kaso... Inaatake nanaman kasi ako ng pagka-abnormal ko eh. Kaya nga... Kahit ano'ng gawin ko, puro Blake lang laman ng utak ko.

Bakit ba kasi ako nagkaka ganito? Hindi ko na maintindihan sarili ko. Yelo bumalik ka na kasi dito! Baka sakaling ikaw maintindihan mo ko.

Mas matindi pa yata magiging kabaliwan ko kesa dun sa kabaliwan ko n'on kay Yelo. To think na hindi ko alam kung bakit ako nagkakagan'to dahil kay Blake, sobrang nababaliw na 'ko. Nasasaktan pa.

Nag text din sila na bukas pag uwian na may practice daw ng lines sa bahay daw nila Calvin. Psh. Bakit kasi d'on pa. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila. Gusto ko. Gusto ko rin na makita kasi 'yung kakulitan n'ya. At saka... Nahihiya pa akong humarap dun dahil sa inasal ko sa kan'ya kahapon. Parang ang kapal kasi ng mukha ko para sigawan s'ya. Kung tutuusin, wala naman s'yang ginawa pero binastos ko s'ya kahapon. Nakakahiya ka, Kate.

"Bakla, ayos ka lang? " I snapped back to reality dahil sa nag s-snap si mich sa harap ng mukha ko. Mukha rin s'yang worried nang makita ko 'yung itsura n'ya.

Worried ba s'ya kasi nababaliw na 'ko?

"Ano ba kasing iniisip mo dyan at parang ang deep deep?" Sabi ni Francine habang nainom ng Chuckie.

"Ewan. Naguguluhan lang ako."

"Saan naman?" They both said in chorus tapos nag scoot over pa sila palapit sa'kin. Siguro na-curious kung sa'n ako naguguluhan.

"Sa job ko..." Napayuko ako't inubob ko 'yung mukha ko sa braso ko na nakapatong sa table. "Sa tingin ko dapat na akong mag quit."

'Yun talaga ang initial plan. Pero hindi pa 'ko sure kung dapat na ba 'kong magquit or what. Kasi, ang naisip ko, una kong naisip, kung lalayo ako kay Blake, hindi na 'ko mapa-praning. Pero, siyempre, dun lang 'yun sa bahay nila. 'Pag sa labas ng bahay, pwede---or more like, pwede na 'kong lumapit sa kan'ya.

"Ano?! Bakit?!" Okay. Sabay nanaman nilang sinabi and this time pasigaw pa.

"Basta. 'Pag natapos ang araw na 'to ng hindi pa ako nakakapag isip ng rason para mag stay sa trabaho ko, that's it. I'll quit."

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora