Blake's POV
Bakit ba ako nagagalit kay Kate? Ano ba'ng pumasok sa isip ko at nabitawan ko 'yung mga salitang hindi ko dapat binitawan kahapon?
Aish.. Ewan.. nag-selos kasi ako kahapon.
Oo na! Nag-selos na 'ko! Ayan, inamin ko na!
Hindi ko rin alam kung bakit eh. Pero... I came to a conclusion:
I think I like her?
Hindi naman ako magagalit ng ganun kung hindi ko siya gusto eh. Bwisit! Ang gulo ah!
Makababa na nga. Nagugutom na ako!
Nang makababa ako nilibot ko yung tingin ko para kasing wala siya. Matanong nga.
"Ate Anne!" Lumingon sa'kin 'yung maid na tinawag ko. "Nasa'n po si Kate?"
Tumakbo s'ya papalapit sa'kin pagkababa n'ya ng feather duster sa sahig. "Umalis na po, Sir. Hindi pa nga yata siya nag-almusal eh." huh? Ang aga naman?At saka 'di nag amusal? Baliw ba siya?
"Ang aga naman yata?" Tiniginan ko 'yung wristwatch ko. Whoa. 6:15 palang. "6:15 palang ah." Sabi ko ng nakakunot 'yung noo ko pagkatingin ko sa kan'ya.
"Eto po sir." Inabot n'ya sa'kin 'yung papel na kinuha n'ya sa bulsa n'ya. Ano 'yun? Kinuha ko naman. "May iniwan po siyang sulat." Sulat?
Hoy, Baks!
'Yung almusal mo nasa kusina na. Pancakes lang 'yun. Hatian mo na rin si Charm! Anyway, nauna na ako baka kasi galit ka pa rin eh. Ano ba kasi nagawa ko at ang cold mo sa'kin? Sorry na kung ano man nagawa ko at nagkaganyan ka. Ja~
Napangiti ako sa kabaliwan ng babaeng 'to. Nag effort pa talagang gumawa ng sulat eh. Hindi naman bago sa'kin 'yung makatanggap ng sulat. May mga babae na may gusto sa'kin 'yung nagbibigay ng 'Love Letters'. Hindi ko nga binabasa eh, paki ko ba sa kanila. Pero, kay Kate galing 'to eh. Hindi man love letter, napangiti naman n'ya 'ko.
Hindi ko naman sinabi na gusto kong bigyan n'ya 'ko nun. Ano lang... Basta.
Umakyat ako pabalik sa kwarto ko, naligo at nag bihis ako. Ibinilin ko nalang si Charm kay ate Anne. Alam niya na gagawin niya dun sa batang 'yun.
Dadalahin ko nalang 'yung ibang pancakes niya sa school. Dun na kami mag breakfast since maaga pa naman eh. Sana nga lang 'di na umepal 'yung mga asungot dun.
Nainis kasi ako sa kan'ya pati sa sarili ko nung nag-usap sila nung asungot na 'yun eh. Nainis ako sa kan'ya kasi parang ang bilis n'ya bumigay at nakipag-kaibigan agad dun sa ungas na 'yun.
Nainis ako sa sarili ko kasi hindi ko naman dapat maramdaman 'yung 'Selos' pero naramdaman ko.
---
Nang makarating ako sa school, may mga nabati sa'kin pero tinitignan ko lang sila. 'Wag silang mag-expect na i-greet ko sila kasi hindi naman kami close.
Onti palang ng estudyante, ha? Ang aga pa naman kasi. Taratitat na babaeng 'yun. Ang aga naman kasing umalis.
Nasa'n na kaya 'yung babaeng 'yun?
"Blake?" Nilingon ko 'yung tumawag sa'kin. Si Mich pala.
Huminto ako sa paglalakad at hinarap s'ya. "Bakit?"
"Bakit ang aga mo yata?" Tanong n'ya pagkalapit n'ya sa'kin.
"Eh maaga kasi umalis 'yung babaeng 'yun. Hinahanap ko lang."
"Sino? Si Kate?"
"Oo."
Sumabay na sa'kin sa pag lalakad si Mich. Hindi na 'yan takot saken. Dati kasi sinabi niyang takot siya sa'kin. Ang sungit-sungit ko daw kasi. Baka daw kasi 'pag nilapitan at kinausap n'ya 'ko eh bigla ko nalang s'yang saksakin. Tingin niya sa'kin? Halimaw?
YOU ARE READING
She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)
HumorPAKIUSAP, HUWAG NIYO MUNANG BASAHIN DAHIL MASISIRA LANG ANG ULO NIYO DAHIL SOBRANG GULO PA NITO! TINATANGGAL KO PA KASI IYONG MGA FILLER, E. PINAIIKLI KO NA LANG. ANG HABA NAMAN KASI MASYADO.
![She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)](https://img.wattpad.com/cover/3497938-64-k658028.jpg)