Chapter 68: A Date not to miss

803 25 9
                                    

(A/N: ANG DAMI KONG INEDIT! TENGENE~ ANG DAMI KONG MALI DITO SA CHAPPY NA 'TO! Isa sa pinaka-mahabang Chappy! Hahaha. Wag kayong ma-bore habang binabasa n'yo ah! Next kasi nito.. Ending na.. Tapos.. Epilogue na. >////< MATATAPOS NA ANG 'SaE'! PARTY! PARTY!)

Kate's POV

"Ano ba, Hubby? Diba sabi ko nga sa'yo na hindi pwede ngayon?" sabay agaw ko ulit ng plastic cup ko na may lamang juice. Gan'to kasi 'yun, gusto n'yang mag-cut kami para mag-date. Kaninang umaga pa s'ya text ng text, tapos, 'di pa nakuntento, tawag pa ng tawag. At anong sinasabi n'ya? "DATE TAYO!" puksain ko na 'to pag ako na-inis. =___=*

"Sige na kasi! Ngayon lang naman eh!" sabay pout n'ya.

Nandito kasi kami ngayon sa garden. Dito kasi kamu kumain eh. Oo nga pala, kasama namin si Chloe at Mich.

"Sige na kasi, Day! Niyayaya ka ng date ng JOWA mo, oh! Sunggaban mo na! Jusko! Si Blake 'yan oh! Si Blake Felix, mag-a-aya ng DATE?! Jusko!~ Sa'yo lang 'yan ganyan! Atsaka isa pa.. birth---." hindi natapos ni Chloe ang mabilisang pag-sasalita n'ya ng pasakan siya ng tinapay ni Blake sa bibig. Tinitigan niya si Chloe tapos pinanlakihan ng mata. Eto namang si Chloe, nag-zipper sign siya ng bibig n'ya habang nanguya.

Alam n'yo ba kung bakit ayaw kong sumama sa date na sinasabi n'ya? (NATURAL HINDE!) eh kasi.. Ngayong araw ko planong pahirapan ng husto si Hitler. Hitler na kasi itatawag ko kay PAPA eh. Gusto n'ya daw kasing bumawi sa'kin sa lahat ng pag-kukulang n'ya bilang ama sa'kin---sa'min. Buti alam n'yang ang LAKI ng pag-kukulang n'ya 'no? Ang Bright! Naks!

"Hindi nga kasi pwede, Hubby. Hindi ba pwedeng, bukas nalang?"

"Bakit nga?!~" pangungulit n'ya habang hinahaltak 'yung mangas ng polo ko.

"Eh kasi nga.. Pahihirapan ko pa si Hitler." sabay inom ko ng juice

"......" sila nakatingin ng weird look sa'kin. Tapos..

"Naks! Antaray lang! Pahihirapan n'ya daw si Hitler! Hahaha!" Mich

"Ang chaka ng excuse mo, Teh! Pahihirapan mo, eh patay na 'yun! Ay ang taray! Hahaha!" Chloe. Sabay apir nila ni Mich. =___=*

"Wifey, Ano bang pinag-sasasabi mo? Hitler?"

"Si PAPA kasi 'yun. Pahihirapan ko."

"Wifey, Wag na. Mag-date nalang tayo. Bumawi ka sa'kin kasi nag-pa-late ka kanina!"

Oo, late ako eh. Kasi naman! hinintay kong umuwi si kuya kanina, kaso sabi ni Mama, sabi daw kasi ni kuya, sa bahay ng kaklase n'ya muna daw s'ya mag-stay since maraming projects pa daw silang kailangang tapusin dahil graduating na si kuya. Sa isip isip ko nga, Wala ba s'yang bahay para maki-tulog s'ya sa may bahay ng may bahay?! Pero.. 'Em so proud of my kuya!~

"Eh kasi, hinintay ko pa si Kuya eh!"

"Alam mo ba kung anong date ngayon?"

"Oo naman! January 8."

"Anong meron sa January 8?" napa-isip ako. Anong meron bukod sa pagiging normal ng araw na 'to? Hmm..

"Bakit? Ano bang meron?" napa-tigil sa pag-tawa 'yung dalawa kong alipores, tapos umakto sila na parang na-shock with matching takip pa sa bibig ah!. O.A MATS!

"Hindi mo alam?!" sabi nila. Napatingin ako kay Blake na masama ang tingin sa'kin. Bakit nanaman?!

"Bakit?" tanong ko kay Blake.

"Dapat talaga tayong mag-date. Tara." sabay hila n'ya sa'kin papuntang gate. Dapat nga hindi kami makaka-labas dahil bawal daw sabi ni Manong Guard. Pero.. naka-labas naman kami dahil sa nakaka-takot na aura ni Blake. Tinignan n'ya kasi ng Masama si Manong Guard eh, tapos sinabing "Buksan mo." on a threatening tone. Tapos sabi ni M. Guard na mukhang natakot kay Blake, "Sir Blake, hindi ho pwede." tapo sabi naman ni Blake, "Diba.. ang sabi ko, buksan mo? Pag-sinabi kong buksan mo, Buksan mo!"  sa takot ni M. Guard, dali-dali n'yang binuksan 'yung gate. Nang maka-labas na kami, hinila n'ya ulit ako papunta sa sakayan ng taxi. Hanggang sa pag-sakay namin, Ang higpit ng hawak n'ya sa kamay ko. Ang sakit na ah! Grabe!

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora