Chapter 8 (BOOM!)

1.9K 27 7
                                    

Kate's POV

Nandito na ako ngayon sa bahay ng amo ko, specifically iyong bahay ng mga Felix.

Alam ko na rin pala na si Blake iyong magiging master ko. Nagtanong kasi ako sa isa sa mga maid, e. Tapos ang sagot niya, malamang daw na si Blake ang pagsisilbihan ko kasi siya lang iyong Felix na nakatira sa bahay na ito. Tinanong ko nga rin kung nasaan iyong mama ni Blake pati si Ms. Rizza, e. Ang sabi, may sari sariling bahay daw at hiwa-hiwalay sila.

Sila na ang mayaman. At saka, sana lang talaga, hindi palautos si Blake.

Habang nanunuod ako sa sala, may kumalabit sa gilid ko kaya tinignan ko kung sino iyon.

Napaatras ako bigla dahil sa nakita ko.

Katawan… Hubad na katawan ng lalake. Topless.

Oo, nakakita na ako ng ganiyan sa mga artista at model sa T.V pero... totoo na itong nasa harap ko! Hindi nga ugali ni kuya Gelo na magtopless sa bahay, e. Kaya talagang hindi ako sanay!

Iniwas ko kaagad iyong tingin ko. Bakit ba kasi hindi ito naka suot ng pang taas?

"P-pandesal..." Shaks!~ Nasabi ko talaga iyong nasa isip kong iyon?! At saka, ano naging pandesal iyon kung hindi naman sobrang umbok, ha, Kate?! Sabihin mo nga! "B-Baks... Puwedeng.. pu-puwede magdamit ka?"

"Pandesal?" Tumatawang sinabi niya. Alam niya siguro tinutukoy ko iyong umbok sa tiyan niya. Bwisit ka! Kalmutin kita, e! Jusme~ Nakakahiya~

Iyong moment na gusto mo na lang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan at katangahang nagawa mo?

Ito iyon, e! Ngayon iyon! Itong ito na iyon!

Lupa, lamunin mo na ako!

"Ba-basta magdamit ka!" He's laughing his heart out. Natuwa pa daw!

"Sino ba ang master dito? Makautos, ha? Pektusan kita, e."

"I-ikaw... P-pero kasi-" Mula sa likod ng sofa, tumalon siya tapos umupo bigla sa tabi ko kaya tumayo kaagad ako "Baks naman, e!"

"What? Naupo lang ako." Painosente niyang sagot. Psh! Lakas magtrip, ha?!

"B-bahala ka diyan!” Tinalikuran ko siya. At hahakbag pa lang sana ako palayo kaya lang nagsalita siya kaya napatigil ako.

“Hoy, saan ka pupunta? Kabago bago mo sa trabaho mo, hindi mo ginagawa nang maayos. Ayos ka, ha? Dito ka. Sit!”

Tinignan ko siya nang masama. Iyong ngiti naman niya abot tainga na. Tae!~ “Ano ako? Aso?! Bahala ka na diyan, aayusin ko na almusal mo!" Sabay takbo ko papuntang kusina. Narinig ko pa nga siyang tumatawa, e. Ewan ko sa kaniya!

Ito ba magiging trabaho ko? Entertainment niya? Augh!

--

"Aray..." Umupo ako nang maayos tapos tinignan iyong tuhod ko. May gasgas.

Dali dali namang itinago ni Blake iyong librong binabasa niya tapos nilapitan ako. Napatid kasi ako sa nakastretch niyang hita. Nandito kami ngayon sa garden. Dito kasi kami tumambay muna habang hinihintay si Ice. Ipinatawag ng teacher namin sa science, e. Hula ko nga, pagagalitan iyon kasi hindi siya nakicooperate tapos wala pa siyang naipakitang nagawa niya kanina sa activity. Sabay sabay na kasi kaming uuwi dahil ayaw magpasundo ni Ice kaya makikisabay na lang daw siya.

"Ang tanga talaga nito." Inalis niya iyong pagkakahawak ko sa tuhod ko tapos tinignan iyon. "Wala naman palang sugat, oa mo."

"May scratch kaya!" Reklamo ko sa kaniya tapos itinuro ko iyong tuhod ko. Medyo mahapdi rin. "Ayan.. natapon pa tuloy iyong binili ko." Pabulong na sinabi ko habang nakatingin s adamo na nadiligan ng coke. Pinabili niya kasi ako ng coke-in-can sa cafeteria, e. Binuksan ko na nga iyon bago pa ako makarating sa garden. At dahil nakastretch iyong legs niya, ayun, iyong damo na iyong nakinabang sa softdrinks namin.

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Where stories live. Discover now