Blake's POV
Ang sakit.
Ang sakit, sakit ng mga nangyayaring ka ewanan sa'kin.
Una, 'yung mga pictures tapos, Pangalawa, nag quit pa siya bilang maid ko.
Pag-alis ni Kate, pumasok agad ako ng kwarto at dun na nag-isip ng kung ano-ano.
Ang dating walang pakielam sa mundo, nalulungkot nang dahil sa isang babae? Psh. Sira na talaga tuktok mo, Blake.
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Ang dami kong iniisip na mga bagay-bagay at isa dun ang pag tatapat ko kay Pande-Kate.
Ano kaya'ng mangyayari 'pag nag tapat ako sa kan'ya?
Napabuntong hininga 'ko't napaupo sa kama.
Akala ko wala lang siya pero ang laki pala ng impact niya sa buhay ko.
"Kuya.." Napatingin ako kay Charm na biglang pumasok sa kwarto ko. "Where's Ate Kate?"
"I don't know..." Ibinagsak ko 'yung katawan ko sa kama tapos tumingin sa kisame. Inilagay ko rin 'yung braso ko sa mata ko para mtakpan at hindi ako masilaw sa sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana. "Baka nasa bahay na nila." Malamang kasi dun lang naman 'yung pupuntahan n'ya after n'ya mag-quit, 'di ba?
"Ano? Babalik pa ba si Ate Kate dito?"
"Hindi ko alam. Sige na..." Bumangon na 'ko sa kama't tumayo. "Papasok na si Kuya, Charm. Behave ka sa school, okay?"
"Okay," Tumayo na rin s'ya tapos humawak sa laylayan ng polo ko. "'pag nakita mo si Ate Kate, tell her I want to play with her. " I smiled-a faint one.
--
Nandito 'ko ngayon sa Quad. Nakaupo sa isa sa mga bench dito.
Nakakairita dito. Maraming malalandi ang nagpapa-cute. Kaya nga dito 'ko pumwesto kasi medyo mainit dito. Kaya dito 'ko pumwesto kasi akala ko eh hindi ako pepestehin ng mga estudyante.
Mali pala 'ko.
Napepeste na 'ko sa malalandi, napepeste pa 'ko sa mga couples na akala mo eh naglalakad lang sa park kung makapag-holding hands.
Dati talaga, may times na naiinis ako sa mga gan'yan. Pero minsan naman, dati, hindi ko nalang pinapansin. Para ano? Hindi ko naman ikasasaya 'yang mga gan'yan. 'Yang pakikipag-relasyon.
Tang ina. Ano 'ko ngayon?
Eto. Bangag. Hinahanap-hanap 'yung presensiya ni Kate.
Wala eh. I unexpectedly fell for her.
And I fell... Hard.
--
Katabi ko na siya ngayon. Naka tingin lang ako sa labas ng bintana. 'Pag tinitignan ko kasi s'ya, bumibilis tibok ng puso ko eh.
Hindi ko alam kung naka tingin siya sa'kin since nakatingin nga 'ko sa ibang direksyon, pero sana nakatingin s'ya sa'kin, ma-fall sa'kin dahil gwapo 'ko, at kung anong iniisip niya-natural isip niya 'yun, hindi ko naman isip 'yun.
Sige. Tama 'yan, Blake. Basagin mo sarili mo. Matino ka, ha?
"Blake," Narinig kong tawag ng teacher sa harap; which is si Ate Rizza. "Stay after this subject, okay?" Nag nod lang habang nakatingin parin sa bintana.
Eto na. Natapos na 'yung subject ni Ate Rizza which is English. Lumapit na ako kay Ate. Umupo ako sa armchair ng upuan sa harap ng table n'ya.
"Blake, may problema ka ba?" Tanong n'ya habang inaayos 'yung mga gamit n'ya.
YOU ARE READING
She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)
HumorPAKIUSAP, HUWAG NIYO MUNANG BASAHIN DAHIL MASISIRA LANG ANG ULO NIYO DAHIL SOBRANG GULO PA NITO! TINATANGGAL KO PA KASI IYONG MGA FILLER, E. PINAIIKLI KO NA LANG. ANG HABA NAMAN KASI MASYADO.
![She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)](https://img.wattpad.com/cover/3497938-64-k658028.jpg)