Chapter 29

1.5K 18 5
                                    

Calvin's POV

Napansin niyo bang nag papapansin ako lagi kay Kate?

Ewan...

Sa totoo lang kasi... Na in love yata ako d'yan sa babaeng 'yan nung marinig ko siyang kumanta at nung humarap siya sa'kin pagkatapos niyang kumanta. Ang ganda kasi ng boses n'ya tapos ang ganda n'ya pa.

Sinundan ko siya ng tingin noon habang papunta siya sa music room. Hindi ko pa nakikita itsura niya noon. Dahil na rin sa curiosity kung anong gagawin niya dun, sumunod na ako.

Kung bakit ako curious? Kami lang ang gumagamit n'yang music room pati 'yung ilang music enthusiast. Bilang na bilang ko nga 'yung mga pumapasok dun eh. 13 lang, including my band. May mga pangalan kasi kami na nakasabit dun sa music room para malaman kung sino 'yung nagamit ng mga instruments. Kaya nag-taka talaga 'ko kasi hindi pamilyar sa'kin 'yung babaeng pumasok.

Kakatok palang sana ako ng Makita ko siyang nakaupo sa harap ng keyboard. So ang ginawa ko, pinagmasdan ko lang kung anong gagawin niya. At nang mag simula na siyang tumugtog at kumanta... napatitig nalang ako sa kan'ya habang nakatalikod siya. Hindi ko lang alam pero... Siguro hindi niya alam na may ibang tao papala sa music room bukod sa kan'ya. Kasi kung alam n'ya na may kasama s'ya loob ng room, malamang eh tinapunan n'ya na 'ko ng tingin.

May kakaiba sa boses niya at sa pag tugtog niya. Hindi ako nakalakad papalapit sa kan'ya nun kahit na gustong-gusto ko talaga siya lapitan. Hanggang sa 'yun nga. Natapos na siyang kumanta. Tumayo siya at ng humarap sa direksyon ko halata sa mukha niyang nagulat siya. Kahit ako nagulat kasi ang ganda niya. My heart skipped a beat nung tumitig siya sa'kin.

That time, I know that I already liked her.

Hindi ko na pinalagpas yung pagkakataon. Nakipag kilala na ako at kinapalan ko na 'yung mukha ko, kahit na kinakabahan ako hiningi ko yung no. niya at ni-request ko pang mapicturan siya. Tinetext at tinatawagan ko rin siya araw araw. Kahit nga mapuyat ako eh okay lang. Kasi Masaya ako sa tuwing kausap ko siya.

Mas sumaya ako nung nalaman kong mag me-merge yung section namin pati section nila. Nagkaroon ako ng rason para mapalapit sa kan'ya.

So nung nag botohan siya na agad ang sinuggest ko. Nung kumanta nga siya natulala nalang ulit ako eh. Mas lalo ko lang yata s'yang nagustuhan eh. Nag lakas loob na rin akong gumanap na kapareha niya. Mas okay na 'yun, 'no! Pinanuod ko pa nga 'yung movie eh. May kissing scene pa dun! Oha! Sana lang ipasok yung scene na yun! Haha. I wonder how sweet her kiss is.

Oo nga pala. Alam na rin ng mga ka banda ko na may gusto ako sa kan'ya. Kaya lang umaatake ang kalandian ni Alex eh.

Okay. Heto ako ngayon, hinawakan 'yung braso niya. May plano kasi ako para mas lalo akong mapalapit sa kan'ya.

"Wa-wait lang, Kate!"

"Bakit?" Tanong n'ya pagkaharap n'ya sa'kin. Ang ganda talaga n'ya. Hindi na talaga ako nagtataka kung bakit ko s'ya nagustuhan.

"Gu-gusto mo sumama muna sa'min? Wala naman na tayong klase eh."

"Huh? Saan ba?"

"Mall. Gagala lang tayo." Binitawan ko na 'yung braso 'ya. Baka makahalata kasi s'ya . Namamasma kasi 'yung palad ko dahil sa kaba.

"Sama ko ulit sila Mich at Francine tapos magpapaalam lang ako kay Blake." Amp! Akala ko pa naman magagawa ko plano ko. Pero I think pwede pa naman 'to. Magagawa pa rin 'yun. Tiwala lang. Pero, Teka... Bakit siya magpapaalam kay Blake? If I can remember... Anak s'ya ng may ari nitong school namin. Aish.. Nevermind.

"O-okay.. Sige." Sabi n'ya tapos lumapit s'ya dun sa dalawa n'yang kaibigan. Napatingin sa'min 'yung dalawa n'yang kaibigan tapos parang kinikilig na ewan sila't pinaghahampas si Kate. Tsk Masaktan 'yan!

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Where stories live. Discover now