Chapter 34

1.4K 17 5
                                    

Kate’s POV

Argh. Kumukulo talaga dugo ko every time na makikita ko si Blake with that KOALA GIRL. Ewan ko! Hindi ko alam kung bakit pero nakulo talaga dugo ko eh!

Kainis! Masyado siyang Clingy. Halatang naiinis na si Blake tapos palagi n'ya pang kinakalas 'yung hawak ni Koala Girl sa kan'ya pero 'di nagpapatalo si Koala Girl! Talagang go lang s'ya ng go sa paglingkis kay Blake!

Yeah. Naiinis ako sa hindi malamang kadahilanan.. Ang Labo ko eh ano?

Pakielam ko ba sa kanila? Edi magsama silang dalawa! Sus!

Aish.

2 days nalang pala at simula na ng play namin so rehearse na kung rehearse ang ginagawa namin.

Kaya nga kahit nakakapagod, okay lang. Matapos lang 'yung preperations para sa play. Natatabunan man kami ng mga schoolworks, okay lang kasi medyo light lang naman 'yung mga schoolworks kaya madaling tapusin eh. Buti nga't may consideration pa 'yung mga teacher namin eh.

Napagpasyahan na rin nila na sa bahay nila Calvin bukas matutulog yung mga gaganap sa play---10 kami. Siyempre kasama na sila Alex, Lance, Ren sa sampu pati pala si Baks. Dahil nga nandu'n 'yung mga props at dresses at dahil kailangan na talagang ng general practice we have no choice kung hindi du'n na matulog para sabay-sabay na kaming pumasok. Hindi naman na ako tutol since pumayag naman ang mama ko since may kasama namang babae—si Pres Ria and Jean.

Hindi na nga kami pinapasok ngayong araw—so parang free day namin ito. At saka bukas, kahit 'di na kami pumasok sa bawat subjects but with works. Sabi ko nga, ipinapatong lang 'yung light; 'yung mga madaling gawin. Sana nga simula palang binigyan na kami ng ganitong klaseng treatment ng mga teacher para hindi na natusta utak namin sa pag sasabay ng studies at pag memorize ng lines.

“Sasabog na utak ko promise“ Mula sa pagkakaupo ko, ibinagsak ko 'yung katawan ko sa sahig.

Eh pa'no ba naman, ang dami-dami kasing imememorize—It's not that hindi ako nag mememorize sa bahay… it’s just that.. Aish! You know what? Forget it! Ayoko na muna mag-explain dahil napapagod ako.

“Bakit ba naman kasi ang dami ng imememorize at bakit sa'tin pa ibinigay ang play as activity! Kainis! Ang sakit sa bangs!“ Tumabi naman sa'kin si Jean.

Ayos, 'no? Ginawa naming higaan 'tong sahig. Malinis naman since pinaglinis muna namin 'yung mga boys bago kami gumawa ng mga preperations para sa play.

“Tara, Kate." Nilapitan naman ako ni Calvin tapos nag-vend down s'ya't ipinatong 'yung dalawang kamay n'ya sa magkabilang tuhod n'ya. "Kain muna tayo. Napapagod na rin ako eh.” Inilahad n'ya 'yung kamay n'ya tapos hinila n'ya 'ko patayo.

Oh sure.. kailangan ko ngayon ng food pampawala ng stress.

So ayun, niyaya namin 'yung iba pero hindi muna sumama kasi busy talaga sila sa assigned works nila.

Hinahanap ko si Mitch at Francine kaso nang mapatamaan ng paningin ko si Blake,  ang sam-sama ng tingin n'ya sa'kin tapos bigla n'ya 'kong inirapan at itinuloy nalang 'yung isinusulat n'ya.

Ano'ng problema n'ya?

I just shrugged off the though at nag punta kami sa canteen. Umorder ng makakain and I suggested na sa garden na kumain since mahangin du'n at ang sarap sa pakiramdam ng ambiance ng lugar na yun.

Siyempre naman kailangan rin naman namin ng relaxation at 'yung garden talaga ang makakapag-bigay sa'min ng relaxation na hinahanap ng katawan namin.

Pag dating namin sa garden, naupo kami sa ilalim ng puno kasi nga maaraw at medyo malaki naman 'yung area na nasasakop ng shade ng puno para makasilong kami then inilabas na namin 'yung mga pagkain namin.

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora