Chapter 58: Lagot na!

1.2K 14 0
                                        

(A/N: Guys! Try and listen the video riiiiiiigghht oveeerr theerree ----> :) Cute yang song na yan, though hindi ko siya maintindihan. 'Nico Nico Chorus' for the Win! :D)  

Mich’s POV

“Tara, tignan natin yung nag-aaway dun sa second floor!”

“Oo! Saglit lang!”

Nandito ako ngayon sa railings ng fourth floor. Tamang sight seeing sa mga ants---este sa mga tao sa baba na gumagawa ng mga kung ano anong preparations sa quadrangle ng school.

Ano daw nasagap ng aking usi-radar? May-away?  Tss.. Mga tao talaga ngayon. Walang pakundangan kung mag-away, kahit saan na eh.

“Hoy! Baboy!”

“Ay palaka!” napahawak ako sa dibdib ko. Ginulat kasi ako nitong ungas na ‘to eh. Si Alex po.

“Lalim ng iniisip mo ah.” Tumabi siya sakin at nakitingin din sa tinitignan ko---which is yung quadrangle.

“Oo.”

“Anong iniisip mo? Kung kailan mo ako sasagutin?”

“Hindi, Iniisip ka kung kailan ka mamamatay. Tinignan ko yung wrist watch ko Ang tagal kasi, naiinip na ‘ko.”

“Sama nito. Ganyan ka ba talaga sa mga taong MAHAL mo?”

 tinaasan ko siya ng kilay. Ayos sa confidence ah. “Kapal lang?”

Nag-kwentuhan lang kami habang naka-silip sa railings. May practice daw kasi sila mamaya para sa Battle of the Bands kaya palipas oras muna daw siya. Si Kate kaya may nahanap nang mga ka-grupo? Marunong naman kasi siya sa Keyboard tapos pwede pa siyang vocals. Hmm..

Speaking of. Ang tagal naman nilang dalawa? San na ba napunta yung dalawang yun? Sila Bryan at Kate po. Sabi ni Bryan hihiramin lang daw saglit pero ang tagal tagal. =____=

--

Kinabukasan

“May naisip ka na bang nakakantahin mo para sa last day ng festival?” tanong ko kay Chloe habang susulat ng notes. Nakiki-kopya ako sa kanya eh.

Oo nga pala. Ang weird lang ni Kate kahapon. There’s something sa kanya kahapon eh. Or is it just me? Pero meron talagang mali eh! Remember nung nag-uusap kami ni Alex, umakyat siya nun ng tapos dumiretso sa room namin, pag labas niya dala niya yung bag niya, tapos sinabi pa nga siya sakin eh, ‘sabihin mo sa mga teachers natin na uuwi muna ko kase….basta sabihin mo umuwi ako. Mag-reason-out ka nalang.’

Bakit ko nasabing weird?

First: Hindi siya umuuwi kahit walang ginagawa sa school.

Second: Pag sinabi niyang uuwi siya sasabihin niya yung rason kung bakit

Third: Kasama rin sila Blake at Bryan sa weirdness na nagaganap. And pare-parehas sila ng ginawa: Kinuha yung bag at umalis, pero yung kay Kate sinabi niyang uuwi siya pero yung dalawa kinuha lang yung bag at umalis na. Si Bryan nga may pasa sa pisngi eh. O.O

At lastly, ang pang Fourth: Maganda ako. Chos!

Balik na tayo sa realidad.

“Suggest kayo.”

“Ay! Bakit kami pa? Sino ba kakanta?” Francine, sabay higop sa Zesto niya.

“Suggest nga kayo ng magandang kanta eh.”

“Hmm.. why not love song?” sabi ko

“Anong kanta?”

“Ikaw na mag-isip.”

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Where stories live. Discover now