Chapter 36

1.5K 21 2
                                    

Kate’s POV

Okay~ Eto na ang araw ng play!

Kinikilabatutan ako.

As I’ve said in the previous chapter, nagsabay-sabay na nga kaming pumunta ng school tapos nagpunta na kami sa auditorium; kung saan gaganapin 'yung play.

'Yung mga kaklase ko na naka-assign sa mga props and lightings, hindi na magkanda ugaga kung saan pupunta dahil 1 Hour and 30 minutes nalang, simula na ng Play namin.

“Hey," Napatingin naman ako sa tumabi sa'kin. Si Calvin. May hawak s'yang bottled water. "Kinakabahan ka?"

Inabot sa'kin ni Calvin 'yung Bottled water na 'yun which I gladly accepted. Binuksan ko 'yung cap tapos ininom na 'yung tubig. Hindi na nga bago 'yung bottled water kasi bawas na pero okay lang. Pampahupa lang ng kaba.

“Yeah.“ Sagot ko pagkatapos kong inumin 'yung tubig. Napansin ko naman na nakatingin s'ya sa bote na hawak ko tapos anlaki pa ng ngiti.

Parang ewan lang 'to si Calvin.  Tinap ko tuloy 'yung noo n'ya gamit 'yung bote kaya natauhan s'ya. Tinawanan n'ya lang ako tapos pinunasan 'yung ilang butil ng tubig na bumasa sa noo n'ya.

Hinawakan niya dalawang kamay ko habang nakangiti. Anmeron? "It’s okay. If ever makalimot ka sa line, I’ll adlib.“

“Thanks.“

Bigla namang may umubo kaya naialis ko 'yung pagkakahawak ng kamay ni Calvin sa'kin. Si Blake pala. dumaan kasi s'ya sa harap namin nang umubo s'ya eh.

Siyempre sa bilis tumakbo ng oras, 5 minutes nalang simula na ng play namin. Wala nga kaming ginawa kun'di magmemorize ni Calvin habang naghihintay na magsimula 'yung play eh.

Ano kaya 'yung itsura nu'ng damit na susuotin ko 'pag hinubad na ni Arisa yung creepy coat niya; which is ako. Sana naman maganda.

Maantig ko man lang si Bla---hem! Ano daw naisip ko?!

“Guys, 5 Minutes 'till show time!“

“Break a leg, Guys!“ sigaw namin sabay sabay… we’re not suppose to say ‘Good Luck’ kasi bad omen daw 'yun?

Nakikita ko sa peripheral vision ko na may lalaking lumalapit sa'kin. Eh nakaupo ako sa isang box habang nagbabasa ng script eh. Nang tignan ko kung sino 'yun, si Baks pala.

“Ya~ Baks, Break a leg.“ Nginitian ko s'ya tapos umusog ng onti para makaupo s'ya; baka kasi gusto n'yang umupo eh.

“Break a leg. Galingan mo, ha?"

“Siyempre, 'no.“

-- 

Ayan. Simula na.

“Ladies and Gentlemen, may I present to you the performance of class 4-1 and 4-2.“

Nagpapalakpakan naman 'yung mga tao tapos pumasok na 'yung nag-introduce sa backstage.

Teka... Bakit---Bakit parang ang dami?

Mula sa gilid, hinawi ko ng onti 'yung tela na humaharap sa'min at sumilip ako sa kung nasa'n 'yung mga audien…

OHMYGOLLYWOWGAWGAW!

A-ang dami tao! All seats are taken!

Medyo nagulat naman ako nang biglang may kumalabit sa'kin mula sa likuran.

Si Ria. Sinabi n'ya na umayos na dahil magsisimula na.

Ayun na nga. Nag simula na kami. 'Yung unang scene ay inanarrate muna; 'yung may dinala sila landon na pagtitripan nila sa parang water place something. Basta.  'Yun, tapos nu'ng habulin sila ng pulis naaksidente si Landon at nahuli nga ng pulis—siyempre kailangan ipaalam kung pa'no napilayan si Landon kasi nga may tungkod siyang gagamitin 'pag ginawa na 'yung ibang scenes.

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن