Chapter 14

1.8K 22 3
                                        

Ice's POV

Bakit kaya nag hahanap ng trabaho si Tabs?

May financial problem kaya sila?

Pero mukhang stable naman sila.

Hindi kaya nakawala nanaman ng gamit? Malamang, 'yun nga.

Kasi 3 years ago nawala niya yung singsing ko habang nag lalaro kami sa quantum. Naghanap talaga siya ng trabaho kahit alam niyang underage siya

Pinasok niya pa nga yung pagiging helper atsaka dish washer sa magkaibang karindirya eh.

Sabi ko 'wag na niya bayaran kasi okay lang pero sabi niya kailangan daw mabayaran niya yun kasi ayaw niya magkaroon ng utang sakin. Hanggang sa 'yun nga, nanghula nalang ako ng presyo ng singsing para hindi na siya mahirapan sa pagiipon ng pang-bayad.

Anyway, back to reality.

Tatawagan ko na rin si Blake, kung may alam siyang trabaho. Just in case.

"Oh?!" Medyo nailayo ko 'yung cellphone ko sa tenga ko kasi 'yung bungad n'ya sa'kin eh sigaw. Bwisit na 'to.

"Mukhang Badtrip, ha? Problema mo?"

"Pa'nong hindi mababad-trip, nagpa hospital ako kanina!" huh? Napato to?

"Oh? Ano'ng nangyari sa'yo?"

"'Yung best friend mo! Sumosobra na 'yun!" oh ano meron kay Tabs?

"Ano ba kasi nangyare? Bakit nadamay si Tabs?"

"Pa'nong hindi madadamay, Binlak-eyean ako!" ano daw?!

"Kaya ba wala ka kanina? Hahahah!" Hindi ko na kasi napigilan 'yung tawa ko sa narinig ko. Tae, alam kong mabilis maasar si Blake 'pag pinagtatawanan s'ya pero kasi.. Pff.

"Oo."

"Let me guess, Siya rin nagpa pula sa pisngi mo nun, 'no? hahaha. Taob ka pala eh! Weak!"

"Oo. Siya rin. Bibingo na sakin yan, pasalamat siya babae siya. Tss "

"'Wag kang mag-alala there's more to come. Hahaha."

"A-ano?! Tss. Oh ba't ka nga pala napatawag?" kinabahan to. Sumegway eh.

"May alam ka bang trabaho? 'Yung pwede 16 years old, medyo okay 'yung sweldo? 'Yung hindi masyado mahirap. Yung matino ha!" Choosy ba sa trabaho? Ayoko lang naman kasi na mahirapan si Tabs.

"Ang demanding mo naman sa trabaho.. Tss. Oh baket? Tag-hirap ka na?"

"Sira ulo! May tutulungan lang ako."

"Oo. Naghahanap ako ng pwedeng Personal maid. Si Mom kasi, gusto may kasama 'ko palagi. Kung gusto mo, kunin mo na." P.M niya? Pwede na rin siguro? Hindi naman mautos 'tong unggoy na to eh. Nga-nganga nga lang yata 'yung magta-trabaho sa kan'ya. Hmm..

"Pag-iisipan ko."

"'Pag okay na, tawagan mo ako. May uutusan nalang akong magpapa pirma sa ipapasok mong tao."

"Sige." in-end ko na 'yung call.

Naguguluhan ako kung saang trabaho ko ba ipapasok si Tabs. Kung dun ba sa café na dapat Ire-recommend ko siya sa manager since kaibigan naman 'yun ng papa ko o kay Blake na magiging P.M siya?

Gusto ko mang tulungan nalang siya kung financial 'yung probema niya pero alam kong hindi ko mapipilit yun, at isa pa hindi niya pa rin sinasabi hanggang ngayon kung ano ba yung bagay na kailangan niya at nag hahanap siya ng trabaho.

Kung sa restau naman baka may bumastos na customer dun, pero guarded naman 'yun at isa pa sigurado akong I-treat siya ng maayos dun.

Kung kay Blake naman, oo sure akong safe dun pero nandun din yung possibility na pag tripan 'yun ni Blake kasi sira-ulo rin 'yun 'di lang halata baka madagdagan pa pasa o worst mapatay siya ni Tabs sa kapraningan niya. Hahaha, pero 'di naman ganun si Tabs. May pagka-Amazona pero matino 'yun.

Kaso may away 'yung dalawa eh. Halata naman kasi sa mga kilos nila. Hindi ko na din problema 'yung baka mahulog si Blake kay Tabs kasi alam ko gusto ni Blake sa babae at ni-isa wala nun si Tabs.. Well except sa ganda.

Aish! Ang gulo!

Pero may naisip na ako kung san mas okay sa kan'ya.

Sana ayos 'tong choice na trabaho na ibigay ko sa kanya

--

Kate's POV

Tinawagan ako ni Yelo at sinabing may babaeng makikipag kita daw sa'kin, may pipirmahan daw kasi akong kontrata para sa job na papasukan ko.

Sabi din naman ni Yelo kahit 'wag ko na daw basahin 'yung kontrata kasi kilalang-kilala niya daw 'yung pag tatrabahuhan ko. Since I trust him naman, okay.. ganun na nga gagawin ko. Nakakatamad din kasi magbasa ng mga contract thingy na 'yan.

Bumili muna 'ko ng Nooda Crunch at isang Bottled water habang naghihintay.

"Excuse me." napalingon ako sa kumalabit sakin. Babaeng mukhang abogado.

"Yes?" Ibinalot at itinabi ko muna 'yung kinakain ko tapos hinarap ko s'ya.

"Are you the one that's gonna sign the contract for the job?" eto na siguro 'yun. Pero sisiguraduhin ko muna, kasi baka ibang job pala tong sinasabi nito tapos napasok ko diba? May tinignan s'ya sa papel tapos ipinakita n'ya sa'kin. "Yeah. You're Kate."

"Uh.. yeah? Wait. Are you familiar of Ice Santos?" Bakit meron akong picture sa kan'ya?! Stalker?! Stolen shot ko kasi 'yun sa school.

"Yeah, You're that girl that Sir Ice told me who's going to sign this contract." Siya na nga. Kilala si Yelo eh. Eh ano kayang job to?

"Uhh.. Before I sign the contract, what kind of job are you going to give me?"

"You're going to be a personal maid. You're going to serve just one person and obey any of his whims. And I was informed that you're in the same school as he is." Maid? Okay nadin siguro. At lalake pala ang pag silbihan ko. Sana hindi bossy!

"Okay. But are there any day-offs? I mean.. I need time for my family as well."

"Of course there is. I think it's every Sunday. And oh! You have to stay in the house except for your day-offs until the contract ends. You will have your very own room. And you'll have no trouble about your masters' attitude. He's nice." 'yun pwede na! mabait daw! DAW, ha! DAW!

"Okay, where should I sign?"

"You'll start on Monday. Prepare your things as well." tumungo nalang ako habang isinusulat 'yung pirma ko sa baba ng papel.

After ng signing sessions ayun umuwi na ako dahil sa Monday start na ng job ko. Pina-alam ko na rin kay mama na mag tatrabaho ako as maid kasi may major major problem akong pinag-iipunan.

At first ayaw ni mama pero, ano magagawa niya, ako may gusto nitong gagawin ko.

Pina-alam ko narin kay Yelo na naka pirma na nga ako. At first niloloko niya ako na magiging sindikato daw ako. Nganga pa nga ako nung narinig ko eh pero nung tumawa na siya pinag papalo ko na siya ng kung anong madampot ko.. Hmp! Jusmiyo marimar! Nakakaloko! Kung 'di ko lang mahal eh!

Sa Monday pa naman ang start ng work ko eh. Mag hanap narin ako ng extra jobs for extra incomes diba? Kaya I'll enjoy my free days na with a smile. Umakyat na ako sa kwarto ko, naligo tapos natulog na.

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin