Chapter 51: The Art of Gayduction

1.2K 18 1
                                        

Blake’s POV

Ang kulit kulit lang ni Mommy. =___= Sinabi ng ayos lang ako (kahit sobrang hinde) nangungulit pa. This past few days kasi ever since nung mall scene hindi pa ako napasok. Bakit? Nahihiya at the same time may konting inis ako kay Wifey. Sino bang matinong fiancée ang hindi maiinis sa nangyari diba? Nahihiya ako kasi nasabi ko yung mga bagay na yun kay Kate.

I miss her. Hindi ko alam kung ako ba dapat mag sorry o siya dahil sa ginawa niya. Bahala na!

Papasok na ako ngayon kasi nakakamiss din naman pumasok atsaka baka bumagsak ako due to absences.

--

School

Tengene lungs! Eto nanaman ang Atensyon! Pinagtitinginan nanaman ako tapos nag bubulungan pa. =___=

Dumiretso agad ako paakyat sa 4th floor ignoring those eyes that follows me. Pag dating ko ng 4th floor nakita ko si Kate na nakasilip sa railing. Ng humangin, hinangin yung buhok niya at inipit niya sa tenga niya yung buhok niya. Ang ganda talaga niya. Lalapitan ko siya? O diretso pasok na room? Bahala na. fiancée ko pa rin naman siya eh.

Lalapitan ko na sana siya kaso naunang lumapit yung ungas na si Calvin sa kanya. F*ck! Nag-iinit nanaman ulo ko!

Bumaba nalang ako at pumunta sa canteen. Pag punta ko sa canteen bumili lang ako ng tubig.

Wala akong nakita. Wala akong nakita. Wala akong nakita. Haay.. Makaakyat na nga.

Umakyat na ulit ako at saktong nag bell para sa 2nd subject. Pero.. tatabi ba ako kay Wifey mamaya? Ay bahala na!

Pumasok nalang ako at nag dire-diretso sa tabi ni Wifey--- sa malapit sa pinto siya umupo at saktong bakante yung upuan sa tabi niya kaya dun nalang din ako umuo. Hindi niya ako iniimik at nakatingin lang sa black board habang nag-tuturo yung teacher namin. Tsk. Bahala siya.

Nagising nalang ako dahil sa kalabit ni Mich na nasa likod ko at may inabot na papel. Ano problema nito?

The letter says: Explain everything to us later. Sa garden tayo kakain. Lagot ka sakin.

Anong explain explain nanaman to? Ano naming i-e-explain ko? Na lumalandi yung fiancée ko? D*mn! Matutulog nalang ulit ako.

Kate’s POV

Sarap ng buhay nitong ungas na ‘to. Pa tulog tulog nalang.

Habang nagtuturo si Ma’am may kumatok. Napalingon naman kami sa kumatok. It’s Calvin. He’s smiling at me so I smiled back. Sakto namang nagising si Blake.

“Is there anything I can do for you Mr. Roxas?”

“Uhh..Ma’am can I talk to Blake?”

“Sure, but hasten up your conversation. I’m in the middle of something”

“Okay ma’am.”

“Mr. Felix, Mr. Roxas wants to talk to you. You two can talk out side.”

Walang alinlangang tumayo si Blake at lumabas kasama si Calvin. Ano kayang pag-uusapan ng dalawang yun?

Habang nakatuon yung atensyon ko sa teacher namin nakarinig ako ng hiyawan sa labas. Pumunta yung teacher namin sa pinto para siguro sawayin yung mga estudyanteng makatili akala mo may gwapong dumaan. Psh. Oo nga pala may dalawang gwapo dun. Namely: Blake Felix at Calvin Roxas

“Mr. Felix! Mr. Roxas!” sabay takbo palabas ng teacher namin. Okay? Anong meron? Sumilip na rin ako……OH SH*TSZU! Nag sunsuntukan yung dalawa! So, lumabas na rin ako para umawat. Parang ang lakas ko eh ano? Oh what the heck.

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Where stories live. Discover now