Chapter 61: >3<

1.2K 16 4
                                    

Kate’s POV

Nagising ako ng maaga ngayon. Mwehehehe. Medyo okay na rin yung pakiramdam ko.

It’s only 5:33AM.  Hmm. Hindi naman na ako inaantok so, ipagpapatuloy ko nalang muna yung binabasa ko sa wattpad :D

Book two na kasi ako ng Three Words Eight Letters eh. Grabe, ang ganda nung Book 1, mangiyak ngiyak ako habang binabasa ko yung epilogue ni Chanel TT_TT

Ay! Hindi pa pala ako nakaen (_ _ *)

Iniwan ko muna yung laptop ko sa mini table namin sa sala tapos dumiretso sa kusina.

Apat na Hot dog, at dalawang itlog lang yung niluto ko, tapos nag luto rin ng friend rice. Lumabas rin ako para bumili ng pandesal sa bakery at bumalik naman sa bahay pagka-bili ko. Naalala ko tuloy nung tinatawag pa ako ni Blake a.k.a Baks ng ‘Pandesal’ *sigh*

Dinala ko lang yung mga kakainin ko sa sala at inilapag sa mini table. Dalawang hot dog, itlog at yung pandesal. Siyempre nag-tira rin ako ng ilang pandesal sa lamesa, baka kasi mas gusto pala niya ng pandesal kesa fried rice.

Siyempre hindi ko naman siya pwedeng baliwalain, lalo pa’t nandito siya ngayon sa bahay at inalagaan niya ako kahapon nung nag-kasakit ako. Sana pala lagi akong may sakit para alagaan niya ako lagi---JOKE! Mweheheh…*sigh*

Mamayang 9:30 pa ako papasok---ewan ko lang dun kay Blake, kung anong oras siya papasok. 11 naman kasi yung simula nung contest eh, dun lang naman ako sasali so, papasok lang ako para sa pag-kanta ko dun. Buti nga gumaling agad ako eh. Kung hinde, naku, baka hindi ako makakanta at magkaroon ako ng blankong grade sa Mapeh.

--

Grabe, ang daming alam nung lola ni Dylan TT_TT Madami din kasi yata silang pinag-daanan nung asawa niya eh---Si Lolo Tom. (I’m talking about T.W.E.L, If I say it, will I be yours? Here.) Nasa probinsya na kasi si Elle na dating si Chanel. Naging Bad girl nga si Chanel, na dating sobrang bait eh. Namatay kasi si Kean TT_TT

Nakarinig ako ng naglalakad mula sa taas, and I guess gising na siya. Awkward nanaman .___.

“Morning” Narinig kong sabi niya.

“Morning” Sabi ko habang nakatutok yung mata ko sa binabasa ko. Ayaw ko siyang tignan at baka maiyak ako. .___. Naaalala ko kasi yung mga sinabi niya nun eh, nung pinutol na niya kung ano mang meron kami. Sakit kaya nun.

“Anong kinakain mo?” Obvious ba? Hindi mo ba nakikita? Ayoko na munang mag-salita. Tama na yung nag ‘Morning’ ako sa’yo at wala pang ‘good’ na kasama yun ha.

Nag-hanap ako ng papel at ball pen sa ilalim ng mini table kung san nakapatong yung lap top ko. Ang nakita ko lang, yung papel na may sulat at pentel pen. Pwede na ‘to.

Nag-sulat ako at ipinakita ko sa kanya. Take Note: Hindi ako natingin sa kanya. Ang naka-sulat “Nandun na yung para sa’yo sa lamesa dun sa kusina.”

“Ahh. Okay. Problema nun? Narinig kong sinabi niya habang naglalakad siguro papuntang kusina. Ikaw! Ikaw problema ko! Bird brain ka kasi! Kung anong talino mo, ganun naman kung gano kakitid yung pang-unawa mo.

--

It’s already time para pumasok na ako---este kami pala. Sasabay nalang daw kasi siya sakin. Ano ba ‘to?! Kung umasta siya parang walang nangyari ah! Parang walang nasaktan ah! Kung umasta siya, napaka-normal lang!

Nag motor lang kami since ayun lang yung dinala niya. At first ayaw ko,pero nung kinuha niya yung bag ko at inilagay sa loob ng polo niya yung bag ko, wala na akong nagawa kundi sumakay ng motor niya. Hindi pa rin po ako nag-salita nung time na yun kahit gusto ko na siyang sigawan habang kinukuha ko sa kanya yung bag ko. Mag-aala Megumi ako ng S.A ngayon pag kakausapin niya ako---sa kanya ko lang naman gagawin yung treatment na ‘to eh.

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα