Chapter 30

1.5K 21 3
                                    

Kate's POV

Ang sweet sweet lang ni Calvin kahapon. Haha!~

Nakakakilig pa 'yung eksena kahapon. Parang 'kami' kung mag subuan kami ng pagkain.

Landi mo, Kate!~

Hello, Sino ba naman ang hindi kikiligin kung ganun ka gwapo 'yung kasama mo sa pagkakaposas tapos may ganung eksena pa?! Haha.

I admit, crush ko si Calvin. Sino ba'ng hindi magkaka-crush sa kan'ya? Mabait na Cute pa!

Haay. Nako. Tama na kalandian, babalik ko muna utak ko sa realidad.

Heto ako---kami ngayon naglalakad sa corridor ng school kasama si Baks.

Pero... Parang may mali eh.

Bakit parang nahahati yung dinadaanan namin ni Blake? I mean, gumigilid sila lahat tapos nagbubulungan at nakatingin sa'kin? Kay Blake? Hindi ko alam. Basta, nakatingin sila sa gawi namin habang naglalakad kami sa corridor.

"Baks." Hindi n'ya 'ko tinignan pero alam kong nakiknig s'ya kaya itinuloy ko 'yung pagsasalita. "May dumi ba ako sa mukha?"

"Oo." Ngumisi s'ya. "'Yang pagmumukha mo 'yung dumi."

"Che!" Sabay tulak ko sa braso n'ya. "Umayos ka nga."

"Psh. Wala."

"Eh bakit ganun sila makatingin sa'kin?"

"Pangit mo kasi eh. Sanayan nalang 'yan." Sabay tawa n'ya.

Aba't! Grabe na 'to sa panlalait, ha?! Kanina pa s'yang umaga nang-aasar eh!

"Sama ng ugali mo."

Hindi ko nalang pinansin yung mga usisero't usiserang frogs. Haay.. Tuloy lang kami sa paglalakad. Wala akong time isipin kung ano'ng problema nila. May problema 'kong dapat problemahin kaya bakit ko pa iisipin 'yung problema nila?

Pero... may dumi kaya ako sa mukha? Napahawak tuloy ako sa pisngi ko. Tumingin naman ako sa salamin kanin-

"Aray! Bakit ka ba nanghihi..." Nanlaki mata 'ko dahil sa nakita ko. "la." Bakit ako nag stop pagdating sa 'la'?

Nakapaskil 'yung picture namin ni Calvin dun sa Newsboard! Tapos may nakasulat pa na: The Gold digging Commoner.

'Yung picture dun sa mall! 'Yung picture dun sa KFC! 'Yung pinicturan kami ni Mich! Nakangiti pa nga kami tapos kita rin 'yung posas. May pictures din na nagsusubuan kami--- Okay, ang sagwa ng term! Hindi ko naman alam kung may ibang term pa na pwede dun eh!

" Ano to?! Ba-bakit nakaposas kayo?!" Sabi ni Blake through greeted teeth. Medyo kinabahan ako kasi parang galit yata siya?

Honestly, kinakabahan ako ngayon. Parang galit kasi si Blake. Hindi n'ya pa 'ko pinakikitaan ng ganitong emosyon eh. Iba kasi 'yung unang beses ko s'yang nakita na magalit. 'Yung natapunan ko s'ya ng pagkain ko n'on tapos nadumihan ko 'yung uniform dahil dun.

"La-laro." Napatingin s'ya sa'kin tapos tinaasan ako ng kilay. "A-ayoko namang maging KJ-." Hindi ko natapos 'yung sasabihin ko kasi umalis siya. Problema nun?

Hinabol ko siya hanggang sa maabutan ko siya. Hinawakan ko yung braso niya at iniharap siya sa'kin.

Hindi ko alam pero may parte sa utak ko na sinasabing kailangan kong magpaliwanag. Kaya... Magpapaliwanag ako.

"A-ano, Baks." Nahawakan ko s'ya sa braso kaya napatigil s'ya. "I-it's not what you think. Nag Lalaro lang Kam-."

"Bakit ka nagpapaliwanag?" Medyo napaluwag 'yung hawak ko sa braso n'ya. Oo nga naman, Kate. Bakit nga ba? "Ano ba kita? Maid lang naman kita." And with that... Inalis na niya yung pagkakahawak ko sa braso niya at umalis na siya.

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant