Chapter 40: Disappearance?!

1.4K 21 8
                                    

Kate’s POV

Alam nyo yung kinikilig?!

Ako 'yun, eh! Mwahahahaha!~

Biruin niyong in a short period of time simula nung nalaman ko sa sarili ko na mahal ko yung unggoy na yun eh niligawan agad ako?

Naikwento niya nga sakin na simula nung binubugbog ko siya eh naging interested daw siya sakin. Edi siyempre ako naman eto kinilig pero hindi ko pinapahalata—ngumingiti ako palihim, siyempre baka sabihin pa nun kinikilig ako—kahit totoo.. Hahaha..

Oo nga pala, Last day na namin to dito sa resort.

Kung curious kayo kung anong naging out come ng birthday ko…. Siyempre walang nangyari---except sa dinner, wala na. atsaka wala naman kasi diba akong pinag-sasabihan at ang may alam lang ay yung TATLO. Oo.. tama kayo ng Basa, TATLO na talaga. Alam din pala ni Blake kasi sinabi nung dalawa—si Mich at Francine… Mga Taksil T__T

Pag-uwi nalang daw namin yung Gift ko, tapos yung binigay na gift sakin ni Blake eh, Candlelit Dinner kagabi. Yeah. Ang sweet nga eh. Pinag planuhan nilang tatlo to ng palihim nung bumalik na kami sa Cottage pagka tapos nung Can I court you moment sa ilalim ng puno.

Ang Bwisit lang eh, may pictures kami ni Blake nung natutulog kami sa ilalim ng puno. So far apat na silang alam ko na may kopya nung Picture---si Ms. Rizza, Mich, Francine at si Blake—yeah.. nakisali si Blake sa kalokohan. Pang D.P niya raw sa F.B.. nag taka ako nung una siyempre, diba sabi niya dati hindi naman siya---or more like wala siyang F.B. Tapos nalaman ko nalang na siya pala yung ‘Your Angel’ sa F.B na lagi kong nakaka-chat.. Grabeng kahihiyan yung inabot ko nun, nung inasar asar niya sakin yung mga pinag-sasabi ko sa kanya about sa ‘AMO’ ko—remember yung ini-interrogate ako ni Your Angel, kung anong tingin ko sa amo ko and so and so forth. Basta ayun. Grabeng kahihiyan ko, Bwiset! Pag naka-uwi na daw kami aayusin niya na yung Facebook niya at mag-add na daw siya ng iba. =___=++

Siguro iniisip niyo na napaka-easy to get ko no, kasi pumayag ako na mag-pa ligaw ng hindi man ang pinag-iisipan ng maigi kung papayag ba ako or not…Well, let me ask you something.

Pag ba mahal mo yung lalake tapos tinanong niya kung pwede manligaw anong isasagot niyo? Magpapakipot pa ba kayo o papayag na kayo?

kasi ako papaya na ako, since mahal ko naman yung lalake tapos alam kong sincere siya sa mga ginagawa niya---sa tagal ba naman naming magkakilala ni Blake (kung makapag salita akala mo sobrang tagal na eh. Waehehhehe) alam ko sa sarili ko na sincere siya sa mga sinasabi niya. Minsan lang ako mag-mahal! Pag nasaktan… PATIWAKAL NA!     De,joke!

Okay, back to reality.. Tama na muna ang pag re-reminisce ng mga nangyari nitong mga nag-daang araw at ng mga nakakahiyang ka-ewanan at ka echosan. Ika nga ni Francine, kembular (A/N: natatawa talaga ako sa word na yan.. Kaway sa’yo Jhing! Ayan na yung tinatanong kong word niyong mga gay, nasama pa sa story ko.) nalang daw o kaya kiber.

“Kate, nag plano sila ng party mamayang gabi, since last night na natin dito. Kakanta at tutugtog yung Nocturnal Sun. Kyaaa~~ Can’t wait!“ Sabi ni Mich with Kilig gestures =__=

“Talaga? First time ko mamaya silang maririnig kumanta at tumugtog. Magaling ba?”

“Oo naman yes, Ateh! Malas mo kasi ngayon mo palang silang maririnig tumugtog, ang galing kaya nila diba Bakla? tapos humarap siya ay Mich at nag High Five sila

Nag libang lang kami buong mag hapon hanggang sa dumating na yung gabi at lumabas na kami ng cottage since dun naman gaganapin yung party.

Nag tayo sila ng mini-stage---para siguro sa Nocturnal pag kakanta na sila. Tapos sa gilid may mga chips and everything tapos may mga bote pa ng beer---I swear ayoko nang dumikit dyan sa beer! Sakit sa ulo eh! May mga sinabit din silang Christmas Lights at kung ano ano pang abubot pampaganda ng lugar….In fairness, they did an awesome Job. I’m in Awe.

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant