Chapter 1 (BOOM!)

3.2K 62 14
                                    

Kate's POV

"Chala! Head chala! Numi no pachi pachi suru hodo! Namoru ay ay ay ay~ Chala! Head – aray!" Tinignan ko naman iyong bumatok sa akin saka tinignan nang masama. Si kuya Gelo pala. "Bakit?" Iritadong tanong ko pagkahina ko sa volume ng cell phone ko.

Mukha pa siyang inaantok kasi may bitbit pa siyang unan. Nabulabog ko yata.

"Ang ingay mo, alam mo iyon?" Nakapikit na sinabi niya pero iminulat niya rin naman iyong mga mata niya pagkatapos niyang sabihin iyon. "Anong oras pa lang, o?" Sabay turo niya sa alarm clock sa gilid ng kama ko.

"Fluff!" Napatayo naman kaagad ako saka tumalon paalis sa kama ko tapos itinulak ko siya paalis sa daan. "Malelate na ako!" Kinuha ko sa aparador iyong mga damit na gagamitin ko para sa pagpasok ko saka iyong tuwalya. "Bakit kasi late ka na nagising, kuya, e?!"

"Ewan ko sa iyo. Kanina ka pa kanta nang kanta riyan, hindi mo man lang namalayan na late ka na?" Sakto naman na pagharap ko sa kaniya, naapakan ko iyong dulo ng tuwalya kaya nadapa ako. "Tanga," Matawa tawang sinabi niya saka lumabas ng kwarto.

"Ka!" Sigaw ko pagkatayo ko. Hindi man lang ako tinulungan! Oo, alam ko na walang galang iyong ginawa kong pagsagot pero kasi late na ako! At saka, don't worry kasi ugali na namin ni kuya iyong ganiyan.

Lumabas na ako sa kwarto ko saka dali daling bumaba para makaligo na. Sakto na papasok pa lang si Luke ng banyo nang makita ko siya kaya ang ginawa ko, nang makapasok siya, binilisan ko ang takbo ko sabay hila sa kamay niya para mapalabas siya sa cr tapos isinara ko kaagad iyong pintuan.

"Ate, naiihi na ako!" Narinig kong sigaw niya mula sa labas.

"Duon ka na sa cr ni Anghelo!"

"Baboy!" Kasabay ng pagsigaw niya nuon ay ang tunog ng isang malakas na hampas ng kung ano sa pinto.

"I love you, too, kaya duon ka na!"

Fluffers naman, o! Malelate na ako! First day ko pa naman ito sa new school na papasukan ko! Mamaya na ako magkukwento dahil kailangan ko na talaga makapagready para makapasok na. Hindi kakayanin ng powers ko ang thirty minutes for preparations! I need more time!

Ang shungangers ko rin kasi! Bakit kasi thirty minutes before six ko inialarm iyong alarm clock ko?! A, oo nga pala, para mas mapahaba pa iyong panunuod ko nuong tinatapos kong anime, na idinownload ko sa shop at inilagay sa cell phone ko, kapag nagising ako ng maaga.

Ang tanga mo, Kate! Nag-alarm na iyong alarm clock kanina, pinatay mo pa dahil naiistorbo ka! Augh!

Shaks naman! Ginawa ko na kaagad ang aking morning rituals as fast as I can. Pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin, pumunta na kaagad ako sa kusina at duon ko nadatnan sina mama pati si kuya Gelo, na nakapajama pa at wala na itong suot na sando, hindi tulad kanina noong nanghimasok ito sa kwarto ko na nakasando pa ito.

"Good morning, ma~" Hindi na ako nag-abala pa na umupo para saluhan sila mag-almusal. Kumuha na lang ako ng dalawang pandesal at hotdog. Ewan ko kung bakit pero may nabasa akong isang thread noon sa Facebook. It was entitled: Girl's and their issues about bananas and hotdog. Ewan ko ba kung ano problema nila sa mga babaeng kumakain nuon, diyos ko. "Good morning, Anghelito." Ginulo ko ang buhok niya gamit iyong free hand ko.

"Kate-" Hindi ko na pinatapos si mama sa pagsasalita at umextra kaagad ako.

"Bye!~ Late na po ako, ma!" Sabay takbo ko palabas ng bahay pagkadampot ko ng pera na nakalagay sa supposedly na pwesto ko sa lamesa.

Shemay! Sana makaabot! Si kuya kasi, e! Hindi man lang gumising ng maaga! Kapag ako alaga nalate, maniningil ako!

Pagkababa ko sa jeep, tumakbo kaagad ako papunta sa gate ng school. Err! Rinig ko na iyong bell kaya halos idinoble ko na iyong bilis ng pagtakbo ko, kung posible ko pa man na magawa iyon. Ang bagal, bagal ko kaya tumakbo.

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Место, где живут истории. Откройте их для себя