Blake's POV
Hindi ko alam iaakto ko kapag malapit sa akin si Kate. Naiilang ako dahil sa mga nangyaring away naming dalawa. To tell you frankly, ngayon lang ako nailang sa isang tao! At hindi ko gusto itong nararamdaman kong pagkailang kay Kate. Tapos magkatabi pa kami sa halos lahat ng subject? Nakakagago lang sa pakiramdam, sa totoo lang.
Alam na rin ni Ice iyong diary issue tungkol sa amin. Naikwento ko sa kaniya. E, kanino pa ba ako magkukwento? Siya lang naman iyong kaibiga ko rito. Sabi rin niya an tama lang daw sa akin na mabugbog kasi private property nga naman ni Kate iyon.
I agree as well. Kasi naman nanalo iyong curiosity ko.
I mean... why on earth am I even this interested to know her? Dahil siguro sa attitude niya? Nakakatuwa kasi siya… You know what? Nevermind.
Iyong tungkol naman sa kotse, hindi ko sinabi kay Ice pero nalaman niya rin kasi kumalat na nga iyong balita na may sumira ng kotseng ginagamit ng driver namin para ihatid sundo ako. Maraming nagtatanong pero hindi ko sinasabi kung sino iyong may kagagawan. Kasi, oo, partly may mali rin ako dahil sa inakto ko back then. I was cold towards her pero trust me when I say this, that was just a stupid act. Sa totoo lang kating kati talaga ako bugbugin o patalsikin iyong mga sira ulong iyon na sumira sa kotse na gamit ni Kate nuon.
Pero nahuli naman na iyong may pakana. Iyong may pakana pa ay iyong tatlong babae kong classmate na sinagot sagot ni Kate nuong first day. Their reason? Nainis daw sila kay Kate kasi, First: binastos daw sila. Sila nga bumastos kay Kate nuon, e. Napanuod ko buong scene nuon. Tapos nainis daw lalo sila kasi palagi niya kaming kasama ni Ice. As if naman na sila samahan namin. Kaya ang pinagawa ko na lang na parusa ay community service for two weeks. Dapat nga one month pero sabi ng guidance kawawa naman daw sila.
Psh. Kawawa. Mas kawawa si Kate!
Gusto ko mang mainis kay Kate dahil sa pang bubugbog niya sa akin pero hindi ko magawa, e. Magaan loob ko sa kaniya. Hindi siya iyong babaeng clingy - I mean, iba siya, e. Ibang iba. At saka, I came to a realization. Hindi naman kami magkakagulo nang husto ni Kate kung hindi lang ako naging pakielamero, e.
Hihingi na lang ako ng sorry sa kaniya kahit alam kong wala akong kasalanan. Kasi lalo pa at kaibigan kami ni Ice at magtatrabaho siya sa akin as my personal maid, dapat talaga mawala na iyong awkwardness sa amin kapag magkasama kami.
Oo, alam ko na si Kate iyong ipinasok ni Ice. Medyo nagdawalang isip pa ako nuong una kong nabasa iyong pangalan niya sa kontrata pero I decided na tanggapin na rin.
Bakit kaya siya papasok ng trabaho? That’s what puzzles my mind. Alam kong hindi sila ganuon kapera pero bakit? Hindi na ba sila kayang buhayin ng magulang nila kaya gusto niyang magkatrabaho para makatulong?
Kung ganuon... Wow.
Psh. Kinakabahan ako. Kasi naman! First time kong magsosorry sa babae tapos ako pa na walang kasalanan ako pa ang hihingi ng paumanhin. Oo, sige, counted as kasalanan iyong diary pero iyong sa kotse? Iyon ang wala akong alam at hindi ko kasalanan iyon… Aish! Nakakabobo! Kasalanan ko din iyon, e! Dapat kasi binanatan ko na iyong mga ugok na iyon at pinakitang kahit papano concern ako sa kaniya kasi kaibigan siya ni Ice.
Concern nga ba o gusto mo na siya? - sabi ng maliit na boses sa utak ko. Napakunot naman noo ko.
Paano ako magkakagusto sa kaniya? Ni hindi ko siya type. Ang ingay, ingay, amazona, brutal, akala mo nakakain ng amplifier sa lakas ng boses, mabait, maganda, maputi, simple lang, maganda iyong mata… ay, teka nga! Bakit naging positive?! Aish.
Hindi! Hindi ko siya nagugustuhan! Napakaimposible nuon! A, ewan!
--
Lunch time na. Heto, magso-sorry na ako sa kaniya.
YOU ARE READING
She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)
HumorPAKIUSAP, HUWAG NIYO MUNANG BASAHIN DAHIL MASISIRA LANG ANG ULO NIYO DAHIL SOBRANG GULO PA NITO! TINATANGGAL KO PA KASI IYONG MGA FILLER, E. PINAIIKLI KO NA LANG. ANG HABA NAMAN KASI MASYADO.
![She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)](https://img.wattpad.com/cover/3497938-64-k658028.jpg)