Mich’s POV
Hello world! Nabuhay nanaman ang magandang si Ako! Nandito ako ngayon sa Jollibee tamang kain lang. Actually kakauwi ko lang from school. Grabeng commotion yung kanina nung pumasok si Blake. Daming nakamiss eh. Artista?!? Alam na rin naman kung anong nangyari sa kanya—siyempre ilan lang kaming may alam. Kaming mga usual na kasama lang niya. Grabeng kilig nga kami kanina eh. AS IN asin! Nag party party yung mga Kilig Hormones ko. Kaya pala pinatawag kahapon si Kate eh pinapunta siya sa bahay ng jowa niya para alagaan. Diba? Bongga!
Kaso sirang sira araw ko ngayon eh. Eh pano yung kutong lupang si Alex ayaw ako tantanan. Text ng text. Di pa nakuntento sa text at tumawag pa ng tumawag. Napagalitan pa nga ako kanina ng teacher namin sa T.L.E kasi yung cell phone ko ring ng ring. Actually hindi ko siya pinapansin at first, kasi nga naman nag di-discuss yung teacher namin. Kabastusang nilalang ko naman kung sagutin ko yung habang nag tuturo teacher namin diba? Inupuan ko lang yung cell phone ko para di marinig ng teacher namin yung tunog. Pero may epal lang kasi na nag sumbong na kanina pa daw ring ng ring yung cell phone ko at nagagambala daw siya. Actually ka-close ko yun eh. SOBRANG CLOSE. Yung sirenang si Francine yung naglaglag sakin, kaya ayun. Napagalitan =___=
“Excuse me Miss Beautiful, is this seat taken?” sabi nung epal na gumambala sa pag iisip ko. Ang landi nito ah! May pa Ms. Beautiful, Ms. Beautiful pa siyang nalalaman. Pag tingin ko. Augh! Nananaman?! Siya nanaman?!
“Obviously hindi. May nakikita ka bang naka-upo?” sabay irap ko. Kung curious kayo kung sino tong kumag na to. Si Alex. Si Alex na playboy. Si Alex na ang hilig mag pa-fall. =___=
“Sungit mo lagi. sabay upo at lapag ng pagkain niya.”
Kumain lang ako ng kumain. Actually dami ko kasing inorder kaya binibilisan ko kumain para maubos ko na agad lahat ‘to. Siya naman kwento lang ng kwento ng kung ano ano. Yung mga sinasabi naman niya pasok sa isang tenga labas sa isang tenga. Hindi ko na siya iniintindi. Gusto ko nang umalis sa lugar na to. >3<
Ang masama pa sa sobrang pag mamadali ko kumain, nabulunan ako.
“*cough* *cough*”
“Okay ka lang?”
“tinignan ko siya ng masama.. *cough* *cough*” inabot niya muna yung coke sakin tapos tumayo siya at pumunta sa likuran ko sabay tinap-tap revenge--joke! (augh! Mamamatay na ako nakuha ko pang mag biro) tinap niya yung likod ko para medyo umayos yung pakiramdam ko. Well.. effective naman.
Huminga ako ng malalim ng maayos na ako. Grabe! Akala ko matotodas na ako.
“Ano, okay ka na?” sabi niya pagkabalik niya sa upuan niya.
“Ang shunga mo rin ano? Tatanungin mo ko kung ‘okay’ na ako eh halos mamatay na ako?”
“Nag tatanong lang eh. Pasalamat ka nga tinulungan kita eh.”
“O-oo na. S-salamat.”
Kumain na ulit ako. May dalawang extra rice pa kasi ako eh. Takaw no? Kulang kasi talaga sakin pag konti kanin.
“Hoy baboy.” Ang sama naman nito. Maka-tawag ng baboy eh ano? Sino kaya tinatawag nito. Baka hindi ako kasi hindi naman baboy pangalan ko. Never mind. Hindi ko itinigil pagkain ko.
“Hoy. Baboy! Bingi ka?” ang sama talaga oh! Tuloy lang sa pagkain mich. =___=
“tinusok ako ng tinidor sa pisngi. Ano ba?!”
“Kanina pa ako tawag ng tawag sa’yo ayaw mo akong pansinin!”
“Excuse me. Hindi mo ako tinatawag. Ang naririnig kong tinatawag mo eh yung ‘Baboy’”
BINABASA MO ANG
She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)
HumorPAKIUSAP, HUWAG NIYO MUNANG BASAHIN DAHIL MASISIRA LANG ANG ULO NIYO DAHIL SOBRANG GULO PA NITO! TINATANGGAL KO PA KASI IYONG MGA FILLER, E. PINAIIKLI KO NA LANG. ANG HABA NAMAN KASI MASYADO.
![She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)](https://img.wattpad.com/cover/3497938-64-k658028.jpg)