Chapter 22

1.6K 23 17
                                    

Kate's POV

"Baks, paki sabi naman sa teachers natin na hindi ako makakapasok ngayon kasi..." Napaisip ako. Ano ba 'yung idadahilan ko? "Basta mag alibi ka nalang.. Please. Please!~" hila hila ko laylayan ng polo niya

"Aish.. Oo na!" Sabay tanggal n'ya sa pagkakahawak ko sa polo n'ya. Nagusot ko na! "'Yung almusal ko! Ginugusot mo pa polo ko. Tsk." Bulag yata 'tong lalakeng 'to eh? Gusot ko na nga 'yung ibabang parte eh!

"Arigato~"

Ang swerte ko talaga dito kay Baks. Kasi naman minsan parang ako pa 'yung lumalabas na amo sa'ming dalawa kung utusan at kung sundin niya ako. Hahaha.

Aish. Makanuod nga muna sa youtube ng anime. Kabagot eh! Wala akong magawa.

"Kate!" Narinig kong sigaw ng kung sino mula sa kabilang side ng pinto. Boses ni Ate Anne. Malamang si Ate Anne. "Nandito si Sir. Ice hinahanap ka!" istorbo naman to si Ate Anne eh!

"Istorbo ka nam---Ano?! Nandyan na?" Tinurn-off ko na yung Notebook tapos bumaba sa Sala...

Gwapo ni Yelo oh~

"Bakit 'di ka pa naka ayos? Sabi naman sa'yo 10AM eh." Tumiingin s'ya sa wristwatch n'ya. "10:05 na oh!"

"Ehh.. sorry, Yelo! Nanunuod kasi ako ng anime eh.." Napasimangot ako habang nakapikit. Naghihintay rin ako ng pagpukpok sa ulo ko pero walang nangyari kaya napadilat ako only to see Yelo's smiling face.

"Aish.. anime ka nanaman. Otaku ka! Mag ayos ka na hintayin nalang kita dito."

"'kay~" Tinalikuran ko na s'ya't tumakbo paakyat.

Naligo muna ako tapos nag-hanap ng damit.

Sabi ni Yelo kagabi, though phone call, kahit 'di na mag-ayos..

Bahala na! gagaya ako sa kanya.. Civillian nalang din ako.

After ko gawin ang mga chenelinbumbum ko bumaba na ako.

"Tara na." nag nod nalang siya

--

Ice's POV

Buong biyahe tulog lang si Kate, dun pa nga natulog sa likuran. Mukha tuloy akong driver. Siguro napuyat nanaman kapapanuod ng Anime 'to.

Magising na nga since nandito na kami.

Hinawakan ko 'yung magkabilang pisngi n'ya. "Tabs.. Gising na."

"Ma.. 'di ako papasok may date ako." Humarap s'ya sa kabilang side. Ano ba 'to? Nag sasalita ng tulog? Ibalik ko naman ulit s'ya paharap sa side ko.

"Tabs.. Huy.." Marahan ko 'yung tinapik-tapik. "Gising na.. nasa E.K na tayo."

"Ma.. 5 minutes. May date kami ni Yelo." Natatawa lang ako sa mukha nya.. naka busangot kasi pero nakapikit.

"HOY, TABS! GISING NA!~" sinigaw ko sa tenga niya..

"Ahh!~" Napatingin sakin "Sira ulo ka, Yelo! Papatayin mo ba 'ko sa gulat?!"

"Nandito na po kasi tayo. Halika na bili tayo ng ticket."

Nang maka bili na kami ng Ticket, nagyaya muna siyang kumain kami dahil yung alagang sawa daw niya nagwawala na.

Ayun.. kumain muna kami sa pinakamalapit na pwedeng kainan. Tapos naming kumain nagyaya na si Tabs na sumakay sa rides. Mukhang magbe-baby sit ako nito, ha? 'Wag naman sana. Gusto ko rin kasing i-enjoy 'tong Date na 'to.

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin