Chapter 56: Preparations

1.3K 20 1
                                    

Kate’s POV

Days passed and it’s already time for us to prepare for the upcoming school festival.

Oo nga pala. Na-meet ko na yung kapatid nung girl friend ni kuya. Mas bata pa pala siya sakin ng tatlong taon and she’s a girl. Si Lou. Grabe, ang dami niyang figmas! Halos mag-laway ako sa mga nakita ko nun. Pati nga yung kumot niya eh anime. Nainggit talaga ako nun.

Nagpalit kami ng kung ano anong knowledge (weh?) tungkol sa Vocaloid and anime stuffs.

Ay! Nasan na ba ako napunta….Ayun! Sa Preparation pala ng school festival.

Lahat kami busy kung busy. Ang booths kasi na napunta samin eh yung Wedding booth at yung isa gagawa kami ng mini food stand. Yung mga boys ang assigned na gumawa ng gagawin naming stands tapos kaming girls naman eh yung gagawa ng costume ng groom at bride. Tapos yun naman na walang gagawin eh, sila yung gagawa ng food. Kumbaga, yung marurunong mag luto atsaka gumawa ng damit eh hati. Sa mga magluluto ako kasali. Di naman po kasi ako marunong manahi eh. .___. Pero okay lang! At least sa pag pe-prepare ng FOOD ako assigned. Mag-aaral ako mag luto ng iba pang pagkaen. Mwahahahaha!!

Nandito pala ak---kami ngayon ni Mich kasama yung iba naming kaklase sa room ng H.E. Kasi  nandito lahat ng gagamitin namin, to think of something na pwedeng ibenta para sa booth namin. Brainstorming ang nangyayari ngayon dito. Seven pala kami na nandito. Yung iba kasi ayaw mag luto at may taga luto daw kasi sila kaya di sila marunong, kaya dun sila sa pag gawa ng damit pero sa sobrang dami nila, naging utusan yung iba. To think na 16 kaming girls sa section namin, kaming seven lang ang nandito. The rest nandun sa fourth floor gumagawa ng damit. (_ _*)

“Why not Chocolate cakes?”

“Uhmm.. Potato Balls?”

“Uy! Pwede yun ah! Potato related foods kaya?”

“Hmm.. well suited siya dapat sa time ng festival natin. Uhm.. 10AM mag sisimula yung festival natin. Siyempre karamihan sa mga estudyante maglalaro muna or maghahanap ng something interesting diba? So, onti ang dadagsa sa mga food stands. Dapat may refreshments tayo at finger foods---like those Potato related foods. For example, fries, potato balls and everything. Think of something guys!” Sabi ni Pres Ria. Haba ng sinabi niya ah.

“Dapat maraming types of foods. Mag gawa rin tayo ng sweets.” Love that idea.

Nag-isip pa kami ng kung ano ano hanggang sa nag-came up kami sa mga ‘to. Ito na yung mga ibebenta namin. Na-assigned na rin kami sa kung ano iluluto namin.

Potato Balls, Fries, Brownies (dito ako assigned) at fruit shake for refreshment.

Napag-desisyunan na rin namin na gumawa ng ibang samples, tapos i-te-test yung lasa kung okay na ba or what.

Nag kanya na kami sa mga istasyon namin. Katulong ko si Anne sa pag gawa ng brownies.

Hinanap muna namin sa shelf yung book na kokopyahan namin ng ingredients at procedures. Hindi kasi kami marunong eh. Pero I think madali lang to.

Ng makuha na namin yung book, sinumulan na naming basahin. Maraming kung ano anong types ng pagkaen dun. Gusto ko sana i-suggest kaso napagdesisyunan na ngang Brownies nalang. Baka makagulo pa ako kaya I just kept that thought in mind.

Kinuha na namin yun mga utensils na kailangan pati yung mga ingredients sa loob ng ref, at sinimulan na naming gawin.

Marami kaming nagamit na ingredients---sayang nga eh, kasi nakaka tatlong mali na kami---by that, I mean, naka tatlong beses na kami sa paggawa sa brownies, pero puro fail. Haay nako. Hindi ko ‘to matututunan =___= Kainis naman oh! Tama naman yung ginagawa namin. Sinunod naman namin yung nasa libro.+____+ Mag improvise kaya ako? Hmm.. Nah. Wag na. Katamad =_____=

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Where stories live. Discover now