Chapter 2 (BOOM!)

2.4K 40 9
                                    

Kate's POV

Miss ko na si Ice. Childhood friend slash bestfriend slash crush ko siya. Sabi kasi niya Monday pa siya makakapasok. Sa Saturday pa kasi siya makakauwi from Japan, duon kasi siya nagvacation. Kailangan rin daw kasi siya ng pamilya niyang nakatira duon.

Nabanggit ko siya kahapon! Wala lang, sinabi ko lang, baka kasi hindi niyo maalala. Pero hindi ‘Ice’ ang sinabi ko kung hindi ‘Yelo’. Well, iyon kasi ang tawag ko sa kaniya.

Oo nga pala, nandito na ako sa school, nakikinig sa mga discussions ng teacher ko.

Boring nga, e. Filipino kasi.

Hate ko talaga ang Filipino subject. Don't get me wrong, hindi ko hate ang lahi natin, iyong subject lang. I mean, what's the point of studying it if we can speak Tagalog naman, hindi ba? Mother tongue natin iyan, e. At saka isa pa...

Ang boring kaya ng subject na ito!~

Okay back to reality.

"Okay, class, dahil hindi pa natin masyado kilala ang mga tao sa paligid natin, maggrupo kayo ng katabi niyo at ang dapat niyong gawin ay makipagkaibigan sa kaniya nang sa gayon ay makilala nang husto ang isa't isa. Isulat niyo sa isang papel ang limang bagay na gusto at ayaw niyo sa ugali niya. Ipapasa niyo sakin iyan sa lunes, walang karagdagang palugid."

Nagtayuan naman iyong mga kaklase ko at naglabasan na ng room.

Nilingon ko iyong katabi ko. "Ano..." Wala na pala siya.

Ano iyon? May super powers? Hindi ko naman napansin na lumabas.

Bigla namang may lumapit na babaeng nakaponytail sa akin. Siya iyong isa sa dalawang babaeng tumayo noong nakipagtalo ako sa tatlo naming kaklase. "Uhmm… Hi. You're Kate, right?" Wow, hindi niya ako kilala? Seriously? Sikat po ako dahil sa mga haters ko sa loob ng classroom na ito!

"Yeah."

"Ako nga pala si Michelle, pero Mich na lang for short."

"Kate." Inistretch niya iyong kamay niya kaya inabot ko iyon tapos nagshake hands kami.

"Nice verbal war kahapon, ha? Matagal na rin akong nagtitimpi sa mga iyon, e. Mga bully kasi." Kinalas niya iyong pagkakahawak ng kamay namin saka ngumiti.

Tumawa ako pero hindi naman iyong grabehan na tawa na para bang sobrang saya ko kasi nakiss ko si Ice. Mwahahaha. Hindi sa cheeks kung hindi sa labi! Ang perv lang! Basta iyong tawang pa-demure effect lang. "Ayoko kasi nuong mga ganuong ugali."

"Me too. At least may katapat na sila." Tumayo na ako tapos isinukbit ko na iyong bag ko. "Anyway, alam mo, Kate, ang swerte mo."

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Swerte? Swerte ba dahil marami akong haters? Wow lang, ha?

"Ha? Bakit?"

"Hello! Katabi mo lang naman ang heartthrob ng Silhouette High, ano."

"You mean Blake?" Tumango naman siya habang nakangiti.

Wow! Heartthrob si kuya! May powers na, heartthrob pa! Saan ka pa? Kay kuya na! Hmm. Sabihin ko kaya na isang barney ang lalakeng pinagkakaguluhan nila? Malamang maguho mundo nila.

"Oo! Grabe, ang gwapo talaga niya. Pero sakyan mo na lang ugali niya kasi hindi talaga pinapansin nuon iyong mga taong hindi naman niya feel pansinin. At saka alam mo ba? Sobrang mahiwaga iyon. Hindi pa namin nakikitang ngumiti iyon. Galit yata sa mundo."

"Gwapo nga pero hindi ngumingiti? Ano siya? Alien? Alam mo, ewan ko, ha? Pero, masama vibes ko sa lalaking iyon. Iyong bang kapag dumikit ka sa kaniya, masisira buhay mo." Oo, iyon talaga nararamdaman ko. Ang lakas kasi ng aura nuon, e!

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Where stories live. Discover now