Kate's POV
Humugot ako ng malalim na paghinga saka binuksan iyong bibig ko. "Blake!~” Sigaw ko mula sa salas. Ang bagal kasi bumaba ng hagdan! Piling prinsesa?! "Bilisan mo, malelate na tayo!~" Nagtatalon ako habang yakap iyong bag niya. Pinakuha niya kasi sa akin ito sa salas kanina. Nakakainis kasi, anong oras na kaya! Ang tagal naman kasi niyang kumilos! Dinaig pa babae, kaya lagi siyang nalelate!
"Ito na nga, hindi ba? Ang atat nito." Finally, nakababa na rin siya sa last step ng hagdan. Kita mo itong tao na ito! Hindi pa rin ayos iyong polo niya! Ni isang button, hindi nakakabit!
"Anong maaga?" Nilapitan ko na siya pagkalapag ko nuong bag niya sa sahig. Pagkalapit ko, ako na iyong nagbutton ng polo niya. Ang bagal kasi! At saka, trabaho ko naman ito since personal maid niya ako. Nang maikabit ko na lahat iyong buttons, kinuha ko iyong wrist niya tapos tinignan iyong wristwatch niya. "Six fortyfive na, o?! Eight ang pasok!"
Tinignan ko siya nang masama kasi nakatitig lang siya sa akin habang nakangiti nang bahagya. Kinuha ko rin iyong kagat kagat niyang loaf saka ko kinain. Tss. Kabagal nito! Malamang ito, natutuwa na naman kasi naiirita ako. Pangiti ngiti pa.
Nandito na kami ngayon sa school. Humiwalay muna ako kay Blake nang makarating kami sa school dahil aalibadbaran ako sa kaniya kasi kanina niya pa ako inaasar – non-stop. At saka kasi may kukunin ako sa music room, iyong mga music sheets, naiwan kasi nuong inayos namin iyong mga instruments, e.
Kumatok ako kasi baka may tao. Nakasara kasi iyong pinto. Nagkata ako kasi ilang beses na akong kumatok at tumawag pero wala pa ring nasagot sa loob.
Okay, papasok na nga ako. Hindi naman ako mapapagalitan kasi nga iyong MAPEH teacher namin iyong nag-utos sa akin nito nang makasalubong namin siya ni Blake kanina.
Kung pwede lang magshine bright like a diamond iyong mga mata ko, nangyari na dahil sa nakita ko. Kasi naman may keyboard! Wala kasi ditong keyboard last time na pumunta ako dito. Just so you know nagpaturo po ako kung paano tumugtog sa keyboard nuong second year pa lang ako kaya marunong ako kahit papaano.
Kakanta muna ako since maaga pa naman. Nakakaexcite naman tumugtog.
Umupo ako sa harap ng keyboard tapos nagsimulang kumanta. Bawat lyric na binibigkas ko, dinadama ko. Napapikit na lang rin ako habang pinepress iyong mga keys.
Ang saya na, ang sarap pa sa pakiramdam ng ganito.
Nang matapos akong kumanta, nagulantang iyong buong kalamnan ko pati yata kaluluwa ko nang makarinig ako ng tunog ng palakpak mula sa likod.
Hala. Hala ka, Kate. May nakarinig sa pagkanta mo!
Tinignan ko kung saan galing iyong palakpak.
May lalaking nakatayo sa pintuan! Nakakahiya! Sagad to the bones sa kahihiyan! Baka isipin niya, nagcoconcert ako dito! Feel na feel ko rin kasi iyong pagkanta ko, napapapikit pa nga ako.
"Ahm.." Tumayo ako saka luminga linga para tignan kung may ibang tao pa ba. Good thing naman at wala. Nilapitan ko iyong music sheets at kinuha iyon. Nang makuha ko na, iyong bag ko naman iyong kinuha at isinukbit ko sa likod ko. Hindi kasi shoulder bag ang gamit ko, e. Humarap ako sa kaniya habang nakangiti nang bahagya. "Ma-may kinuha lang ako.” Pabulong a sinabi ko tapos iwinagayway iyong sheets para makita niya. "Si-sige, bye." Nagsimula na akong maglakad.
Palabas pa lang sana ako ng pinto pero humarang siya. Tinignan ko siya.
Ano ba ito?! Bakit siya humarang?! Pero in fairness, amoy baby siya.
"Teka, miss," Ngumiti siya saka nagkamot ng batok. Ang bango naman nito. Amoy baby talaga siya. "Ano'ng pangalan mo?"
"Kate. Sige, bye." Lulusot na dapat ako sa extra space sa pinto pero iniharang niya iyong kamay niya. Kulet nito, a!
YOU ARE READING
She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)
HumorPAKIUSAP, HUWAG NIYO MUNANG BASAHIN DAHIL MASISIRA LANG ANG ULO NIYO DAHIL SOBRANG GULO PA NITO! TINATANGGAL KO PA KASI IYONG MGA FILLER, E. PINAIIKLI KO NA LANG. ANG HABA NAMAN KASI MASYADO.
![She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)](https://img.wattpad.com/cover/3497938-64-k658028.jpg)