Chapter 64: (undefined)

1.2K 28 24
                                    

Calvin’s POV

Buong gabi, isang bagay lang ang paulit ulit n pumapasok sa isip ko, ‘iniwan sila Kate ng tatay niya.

Biruin niyong sa likod ng mga ngiti niyang ‘yun, may problema pala siyang dinadala?

Buong gabi ko ring pinag-iisipian kung pano ko i-cheer up si Kate.

Haay.. Bwisit!

Blake’s POV

Iniwan din sila Wifey ng tatay niya. Parehas lang pala kami. Pero.. bakit ngayon ko lang ‘to nalaman?

Haay.. sabagay hindi naman kasi sinasabi ni Wifey samin eh.

Eto ako ngayon papunta sa bahay ni Mich, may meeting daw eh. Ewan ko kung anong pag-uusapan namin at nadamay pa ako (_ _ *)

Dumiretso na agad ako papuntang garden kasi sabi naman ni Mich pumasok nalang daw ako dahil okay lang naman daw.

“Mi---.” Hindi ko tinuloy ‘yung sasabihin ko at nag-tago ako sa gilid ng marinig kong mag-salita si Mich. Nabanggit kasi ‘yung pangalan ni Wifey eh.

“Alam mo naaawa na ako talaga kay Kate.” Bakit naman siya maaawa? Alam na kaya niya ‘yung tatay issue?

“Bakit?” boses ni Chloe ‘to

“Obviously nahihirapan na ‘yun sa sitwasyon nila ni Blake. Augh! Been there, done that.”

“Haay.. Wait! Alam ko na kung pano sila nag-break. Kinuwento sakin ni Kate!”

“Pano!? Pano!?”

“Eh kasi ganito ‘yun....”

“Walangya naman Chloe! Wag kang mambitin! Cliff hanger!!”

“Eto na.. kasi ganito ‘yun.. Nagpatulong daw kasi sa kanya si Bryan eh.”

“Saan?”

“Sa pag co-confess” oo nag-confess nga si wifey sa kanya eh!

“Huh?”

“okay. I’m sure hindi mo alam ‘tong bagay na ‘to eh. Pero.. keep this thing between us, okay?”

“ano?! Ano!?”

“Kami ni Bryan.” What?!

“Pweh!”

“Kadiri ka! Bakit sakin mo ibinuga!? Dapat kay Bakla nalang para magising!”

“Sorry! Oh, continue!”

“..... ‘yun nga. Nagpa-tulong si Bryan kay Kate at nanghingi ng advice. Tinanong niya si Kate kung ano daw bang dapat saibihn niya sa taong gusto niya, which happens to be me.”

“Ikaw na!”

“Naman! Tapos ayun nga, sinabi niya na ang sabihin daw ni Bryan sakin eh ito, ‘Ikaw na kasi ‘yung mahal ko. Bakit ba kasi ayaw mong maniwala’ tapos ayun.. dun na pumasok sa picture si Blake at nangyari na nga ang Break-up nila. Siguro ang narinig niya lang ‘yung last part ng convo nila.”

Sa frustration ko sa katangahan ko, sinipa ko ‘yung garbage bin na malapit sakin.

Taena! Bakit kasi hindi ko pinagpaliwanag si Wifey eh! Tang ina lang!

“Hala! Ano ‘yun?”

Sh*t! Baka malaman pa nilang nakikinig ako sa usapan nila. Kaya ang ginawa ko, umeksena na ako, pumasok na parang walang nangyari at walang nalamang nakapag-painis sakin sa sarili ko.

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora