Chapter 37

1.4K 21 4
                                    

Kate's POV

Whoa~ Isang araw agad ang dumaan, akalain n'yo 'yun? It's already Sunday and I'm packing my things kasi susunduin daw ako ni Baks at Ms. Rizza.

Yosh~ Excited na 'ko! Gusto ko na mag tampisaw sa beach at maglakad sa sand.

Nakasuot na nga 'ko ng Two-piece eh. Eh, 'di ba, sabi nila, bawal daw KJ? Tss. Pinatungan ko naman eh dahil ayokong masabihan ng excited; kahit totoo naman talaga.

Hindi ako marunong lumangoy. Hihihi. Du'n lang ako sa mababaw na part at baka matangay ako ng alon. Na-trauma na kasi ako. Naaksidente kasi ako noong bata pa ako. Muntik na ako malunod at buti nalang kasi nasagip naman ako ni Kuya Gel---

Nakariinig naman ako ng pagbusina ng kotse sa labas.

Ayan na!

Nagpaalam na ako ay mama na aalis na ako tapos sinabi ko na rin na mag celebrate nalang kami ng birthday ko 'pag naka-uwi na 'ko para makasama ko naman sila. Si Luke, kahit ayaw ipakita, mangiyak ngiyak kasi gusto niya daw sumama. Hahaha. Kawawa naman. Kung hinahanap niyo kuya Gelo ko... wala na patay na-JOKE! Haha. Bad, Kate! Nandu'n sa Kwarto niya, tulog-ay sa'n na ba napupunta 'tong story na 'to? Makalabas na nga.

Pag labas ko, nakita ko agad 'yung magkapatid.

Ang ganda talaga ng lahi nila.

Talaga ba na may gan'to? Sa isang pamilya, puro pinagpala 'yung mga mukha? Ah. Oo. Living proof ang pamilya nila Blake.

Kawawa naman 'yung mga pinagpapala.

Ang lakas ng appeal ni Blake, oh? Gwapo. Haay. Nakakainlove lalo, oh!

Napansin niya yatang nakatitig ako sa kan'ya kasi nag ngumisi siya. Nakakahiya!~

"Oh, makatitig ka d'yan. Na-inlove ka na sa'kin?"

Tapyasin ko pagmumukha mo eh! Inlababo na nga eh!

"Ka-kapal mo!" Nilapitan ko naman sila tapos tumingin ako kay Ms. Rizza saka ngumiti. "Hi, Ms. Rizza."

"Hello naman sa'yo, namumula ka pa."

Namumula...?

Shet! Am I blushing?! Dahil kay Blake ba 'to o dahil lang sa init?!

"Ma-Mainit po kasi."

"Sus." Napatingin naman ako kay Blake nang bigla s'yang nagsalita. "Ayaw pang sabihin na nagba-blush dahil sa kagwapuhan ko."

Sasagot na sana 'ko kaya lang eh nagsalita bigla si Ms. Rizza. "Haay. Nako mga batang 'to. Tara na, Kate, nang maka alis na." tumingin kay Baks "Hoy! Buhatin mo mga gamit ni Kate. Ang Gentleman nito." Sabay tulak ni Ms. Rizza kay Blake papalapit sa'kin.

"Tsk." Lumapit naman siya sa'kin at kinuha 'yung mga dala kong gamit. Actually dalawang bag lang kasi 4 days daw kami dun--- pagmamay ari pala nila Blake 'yung resort kaya nag-yaya si Ms. Rizza na mag punta dun since successful 'yung Play namin.

Teka... parang may mali.. bakit parang may tao pa sa Loob ng Kots---

"Hey, Guys! Tara na!" Sabi na may mali.. Si Koala Girl kasama! WHY~ OH~ WHY~

Sumakay na kami sa kotse at umalis na. Nag-kwentuhan lang kami habang nasa byahe---actually si Koala Girl lang ang nagsasalita pero minsan si Ms. Rizza kinakausap ako pati si Baks. I felt an awkward air habang nasa biyahe. Walang naimik. Bakit kaya? Dahil kaya kay Koala Girl? Sana maligaw to dun at 'di na mahanap, makain ng pating pag nasa beach o kaya kidnapin ng mga unggoy at ikasal sa prinsipe nila kung meron man.

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon