(A/N: Guys! and daya nyo .___. Ayaw nyo bigyan ng response yung mga chapters ng story ko .___. Please do give me a response / comments sa story na to. 'SaE' )
Blake’s POV
Tumayo na rin ako at nilapitan si Charm.
“Charm, let’s---.” Tinigil ko yung pag-tawag ko kay Charm ng Makita ko si Wifey, though alam kong nandun talaga siya, para kunwari hindi ko alam na nandun siya. Suot niya yung astig niyang head-set. Gusto ko nga rin yun eh, kaso ayaw ko naman ng may kaparehas, di unique
“Kuya! Look, it’s ate Kate!” sabay turo niya kay Wifey
“Uhh.. Hi, Charm! :)”
“ikaw po ba yung nakanta kanina ate Kate?” Patay! Baka malaman niyang nakikinig kami.
Mag-sasalita palang sana si Wifey ng unahan ko na siya, cold mode ako ngayon sa kanya eh.
“Tara na Charm, tignan natin yung ibang booths.” Sabay hila ko kay Charm, pero hinila niya pabalik yung kamay niya tapos lumapit kay Wifey. Ano ba Charm!? Makisakay ka!
“Sama ka po samin Ate Kate! Sabay hila kay Wifey, so napatayo siya. Tignan po natin yung mga booths.”
“Uhmm.. Charm, hindi ako pwede, kasi nagpa-practice ako eh.” Practice? Practice saan?
“Ng ano po?” Yun! Buti tinanong ni Charm! Nice!
“Ah, sa contest ng festival. Sumali kasi ako eh, kaya hindi ako pwedeng sumama sa inyo. Sabay tingin sakin, pero saglit lang at umiwas din siya ng tingin.” Psh. Sabihin mo lang kung ayaw mo akong kasama =___= atsaka bakit pang anime yung kinakanta niya? Don’t tell me, yun yung kakantahin niya sa contest? Pwahahahah! Grabe, epic yun kung ganun. XD
Nakita ko namiag lumungkot yung mukha ni Charm.“Ganun po ba? Sige po. sabay talikod niya kay Wifey” Napakagat ng labi si Wifey, bakit parang na-guilty naman ‘to?
“A-ano, Charm, s-sige. Sasamahan ko na kayo. :)” talagang sasama siya?
--
“Dun tayo! Dun tayo!” tumakbo si Charm papunta dun sa isang booth, dun sa booth na babaril ka ng mga duck na umaandar, at pag naka-baril ka ng ‘hindi-ko-alam-kung-ilang-ducks-ang-itutumba’ makakakuha ka ng prize.
Nagkatinginan kami ni Wifey, pero nauna siyang umiwas tapos pumunta na sa pinuntahan ni Charm, sinundan ko lang siya ng tingin habang papunta dun hanggang sa napagpasyahan ko nang lapitan sila.
“Kuya! I want that one! Sabay turo dun sa Stuffed toy na pink na rabbit And get one for ate Kate too!”
Nag-bayad na ako sa nag-babantay ng booth, tapos nag-laro na.
Kelangan mo palang makapagpa-tumba ng 5 ducks, and once na nakapagpatumba ka ng isa, bibilis siya ng bibilis. Yosh~ ikukuha ko Si Charm---siyempre pati si Wifey.
Nag-bayad na ako tapos naglaro na. Binigyan ako nung nag-babantay ng booth ng 5 bullets, pag naubos yun, talo ka.
Pang apat na pato na ‘tong natamaan ko. Last one nalang! Dapat mapatama ko ‘to sa huling pato. Kailangan ko magpa-impress kay Wifey.
Itinira ko na yung huling bala at….di tinamaan .___.
Nag-bayad ulit ako at nag-laro. This time, nanalo na ako! Yes!
Pinapili ko na si Charm ng gusto niyang prize, yung pinili niya yung pink na kuneho.
Nag-bayad ulit ako, may mga gusto na yatang mag-laro pero hindi makapag-laro dahil naglalaro pa ako. Aba! Wag silang magulo pag ganitong nagpapa-impress ako kay Wifey. +____+
YOU ARE READING
She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)
HumorPAKIUSAP, HUWAG NIYO MUNANG BASAHIN DAHIL MASISIRA LANG ANG ULO NIYO DAHIL SOBRANG GULO PA NITO! TINATANGGAL KO PA KASI IYONG MGA FILLER, E. PINAIIKLI KO NA LANG. ANG HABA NAMAN KASI MASYADO.
![She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)](https://img.wattpad.com/cover/3497938-64-k658028.jpg)