Kate's POV
Lumipas ang isang lingo nang hindi kami nagpapansinan ni Baks - wait, siya lang naman kasi ang namamansin nang namamansin. Hindi ko naman siya pinapansin. So iyon nga… hindi na niya ako pinapansin ever since that incident happened.
Nakakahalata na rin si Ice pero hindi ko na lang binabanggit iyon. Baka mas lalo pang gumulo lahat. Kaya pag nag tatanong siya regarding sa amin ni Blake, sumesegway na lang ako.
And now it’s weekend! Yeah!~
Aalisin ko muna iyong stress ko at kakain nang marami. Ayoko muna siya isipin ngayon. Kasi kung iisipin ko siya nang iisipin, ano ba mapapala ko, hindi ba? Sasakit lang ulo ko sa kaniya, e.
Masosolo ko ngayon ang ref namin.
Lumapit ako sa ref namin tapos hinaplos haplos ko ng kamay ko iyong gilid nuon. Huwag na kayo magtataka sa mababasa niyo kasi ganito talaga ginagawa ko sa ref namin kapag may lamang pagkain.
"Hi," Sabi ko tapos kiniss ko iyong pinto ng ref. "Alam mo, ang cold mo. Pero okay lang, yummy ka naman-“
"Hoy, ate!"
"Ay, bastos!" Humarap ako kay Luke na itinulak ako. "Bakit?"
"Mukha kang ewan."
"Shoo! Busy ako!" Sabay naggesture ako na parang nagtataboy ng aso habang iyong isang kamay ko ay nakayakap sa katawan ng ref.
"Mama, si ate nilalandi na naman po iyong ref natin!" Sigaw ni Luke habang natakbo. Ha! As if naman na maririnig siya ni mama. Umalis kaya si mama dahil malengke.
Kumuha na ako ng dalawang slices ng cake tapos kiniss ko muna iyong pinto ng ref bago ako sumalampak sa kutson at binuksan ang tv.
Ayoko maggala ngayon. Niyayaya kasi ako nina Francine at Mich na magmall. Ang kaso, ayoko kaya sinabi ko na lang na may date kami ng ref namin. Alangan naman na sumama pa ako at waldasin ang allowance ko, edi nganga ako kapag nagkataon. Maraming nagugutom at magiging kasapi ako duon kapag nagwaldas ako ng datong. Kaya, sa ngayon, itong pasalubong muna ni Ice ang lalapangin ko.
"Ma, nandito na ako… bakit ba sa tuwing madadatnan kita, lumalamon ka?” Napatingin ako kay kuya Gelo na kapapasok lang sa pinto. Ibinato niya iyong bag niya sa gilid tapos umupo sa tabi ko. “Saan naman galing iyan?"
"Makalamon naman wagas. Duh, kuya. Sa cake shop, natural." I rolled my eyes heavenwards then shove a spoon full of cake in my salivating mouth.
"Umayos ka nga!” Napahawak ako sa ulo ko kaya nabitawan ko iyong kutsara ko. “Saan nga?" Sadista! Binatukan ba naman ako! Naalog brain cells ko! Hinubad niya iyong sapatos niya tapos inilagay sa gilid ng sofa.
"Sa ref! Nanduon iyong mga kalahi nitong cake -- Aray, kuya, ha?"
"Isa pa. Saan nga? Siguro ikaw may manliligaw ka na, ano, at siya nagbigay niyan?"
Manliligaw? Sa panaginip at sa anime world, oo, marami pa nga, e, pero sa totoong buhay, wala pa dahil pakipot pa si Ice.
"Aish. Wala pa, ano!" Sabay dampot ko sa kutsara kong nalaglag. Pinunasan ko naman iyon ng damit ko. Malinis naman damit ko, e. Bakit ba? At saka, iyong ilalim na part lang naman iyong narumihan.
"Pa?!" Wow, kung makareact?! Nagulantang ka talaga, kuya?! Sa ganda ng kapatid mo, hindi na kataka taka kung may magkandarapa.
"Ay, ewan ko sa iyo. Galing ito ng Japan, ibinigay ni Ice, pasalubong niya ‘sa akin’. At saka, huwag ka nang magtaka kung may manligaw man sa akin. Sa ganda kong ito?" Sabay tap ko ng spoon sa baba ko. Ay, may icing pa pala. Pinunasan ko naman iyon ng daliri ko.
YOU ARE READING
She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)
HumorPAKIUSAP, HUWAG NIYO MUNANG BASAHIN DAHIL MASISIRA LANG ANG ULO NIYO DAHIL SOBRANG GULO PA NITO! TINATANGGAL KO PA KASI IYONG MGA FILLER, E. PINAIIKLI KO NA LANG. ANG HABA NAMAN KASI MASYADO.
![She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)](https://img.wattpad.com/cover/3497938-64-k658028.jpg)