"Opo, Kuya Spencer hindi po ako iiyak."

Napangiti ako sa tagpong iyon, hindi ko kasi inaakala na malapit rin pala ang kulukoy na ito sa mga bata.

"Promise?"

"Promise!"

Napaisip rin tuloy ako kong magiging ganito rin ba ang trato niya sa magiging anak namin, natatakot kasi akong baka saktan niya ang bata.

"Oh, siya pumunta kana ulit don atsaka makipaglaro sakanila." ani ni Spencer kay Kiboy.

"Yes sir!" sumaludo pa muna ito bago umikot atsaka naglakad pabalik sa mg kalaro. Napangiti tuloy ako sa inakto nang bata, ang cute cute niya kasi habang sumasaludo. Parang ang sarap pisilin nang pisnge.

"Let's go?" igting panga niyang tanong bago muling hinawakan ang kamay ko.

Napailing nalang ako bago nagpatiuna nang muli niya 'kong kinaladkad palabas nang gate. Hindi ko alam kong ano ang nangyayari sakanya, pero sa wari ko'y galit siya dahil ramdam na ramdam ko iyon, dahil sa higpit nang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko.

"Aray!" daing ko nang maramdaman ko ang mas paghigpit nang pagkakahawak niya. Pero hindi niya pinansin ang daing kong iyon.

"Bitaw! Spencer! Bitawan mo ko!" naiinis kong turan sakanya, bago pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Spencer nasasaktan ako!"

Napahinto siya mula sa paglalakd bago binitawan ang kamay ko, napahawak ako sa namumula kong kamay. Ang hapdi.

Napatingin naman siya sa kamay kong namumula, bahagyang lulamlam ang mga mata niya nang makita niya ang namumula kong mga kamay.

"Ano ba ang problema mo at ba't ka nanghihila ah?" naiinis kong tanong sakanya.

"I'm sorry." ang nakayuko niyang sabi na parang nagseselos, hahawakan na sana niya ulit ang kamay ko nang marahas ko itong tinabig palayo sa akin na siyang naging dahilan kong bakit hindi niya natuloy ang balak niya.

"Ano ba ang problema mo't ba't ganyan ka kong makaasta ah?" tanong ko sakanya.

Napayuko siya, napahilot ako sa sintido ko dahil sa inis. Tangina naman oh.

"Ano ba kasi ang problema mo?" this time malamlam na ang tuno nang pananalita ko habang tinatanong ko siya.

"Nothing."

I frowned, "Spencer!" nagbabanta ani ko.

"Wala nga." Nakanguso niyang ani, para siyang bata na inagawan nang kendi habang sinasambit ang mga katagang iyon. "I'm so sorry baby."

Lumapit siya sa akin, yinakap niya ko nang mahigpit na para bang sa pamamagitan noo'y humihingi siya nang patawad. Napabuntong hininga ako bago ko sinagot pabalik ang mga yakap niya.

"It's okay, maraming salamat pala sa pagdala mo sa akin dito." nakangiti kong ani, "Nang dahil sa ginawa mo'y muli kong nasilayan ang ikalawang tahanan ko." dagdag ko pa.

Tinuring ko na ang bahay ampunan, bilang pangalawang bahay ko, kaya nama'y hindi ito nalalayo sa loob ko. Sa tuwing nandidito ako'y parang gumagaan ang pakiramdam ko, siguro dahil dito ako lumaki at dito rin ako nasanay.

Muntikan na kaming mapahiga ni Spencer sa tabi nang daan nang may malakas na bumunggo sa amin. Mabuti nalang at naka balance siya, kasi kong hindi'y baka nakahiga na kami ngayon sa kalsada.

Bubulyawan ko na sana ang lalaking bumunggo sa amin, pero hindi ko na ito itinuloy nang makita kong bahagya na itong nakalayo sa gawi namin. Ni hindi man lang siya humingi nang tawad sa amin.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon