Strings 18: Precious

Start from the beginning
                                        

I shouldn't have expected anything, I'm nobody in her life. But... I don't know, she could've asked if I wanted to go back. If I'm still planning to get a career in fashion design? or tell me updates I guess?

Okay, masyado ko nang inaabot mga bituin sa ganong pag iisip pero... wala lang. Hayy sabagay, sabi nga nila, never meet your idols.

Dumiretso ako sa kusina dala dala ang mga nagamit, binalik ko na sa ref ang mga pitsel at hinugasan ang mga baso. Pagkatapos, nagpunas nako.

When I turned around, "Ay putangina!"

Nagulat ako kay Ate Gie na nakatayo sa likod ng island counter, staring at me like I murdered her family.

Hindi man lang siya tumawa sa nangyari, in fact mas lalo siyang nagmukhang galit at nilapag ang isang listahan. "Eto ang listahan sa groceries. Dapat kanina mo pa to ginawa pero nakikipagdaldalan ka pa kasi kasama mga amo natin."

"Huh?" Wala nakong masabi in disbelief.

Biglang pumasok si James at natahimik kaming dalawa, well, tahimik na kami in the first place. Dumiretso siya para uminom ng tubig at habang umiinom nakita niya ang listahan sa harap ko.

"What is that? Are you grocery shopping? Tara, sumama ka nalang sa'kin, I want to buy some things for myself." Hinugasan niya ang ininuman niya and I stared at Ate Gie. I know for a fact she's fuming weirdly.

Tumingin si James sa watch niya, "Let's meet outside in five minutes."

Lumabas na siya and I saw how this girl inhaled and smiled. Why does she care so much? "Kung madami ka pang gagawin ako na ang sasama sa kanya."

Does she like James? or does she like all the siblings? But that's gross... she's old.

Ngumiti rin ako, "Wag na, ako yung kausap eh."

Pagkatapos kong mag ayos, tinakbo ko lang ang distansya mula sa bahay hanggang sa kotseng naka park kung san naghihintay si James.

Napailing ako nang makita ang kotseng gagamitin niya, grocery shopping with a sports car?

"Where are you going?" Nakasalubong ko si Lorraine nang naglalakad ako sa harap ng mansyon and this is the first time I see her all day.

Nanlaki ang mata ko at tumakbo papunta sa kaibigan ko, shaking her body as I hugged her. "Saan ka nanggaling?!"

"Grabe, bakit anong meron?" Her words sounded out of breath kasi inaalog alog ko parin ang katawan niya.

"Andami kong kwento gaga ka! Malapit nakong sumabog sa daming impormasyon na nalalaman ko, kailangan ko nang sabihin—" Napasigaw nalang ako nang may malakas na busina na nagpatigil sakin sa pagsasalita. 

Lumingon kaming dalawa sa bumabang bintana ng kotse and James' head popping out of it. "I'm running out of patience, Scarlet."

She giggled, "Saan kayo pupunta?"

Huminga ako ng malalim, "Grocery shopping, gusto mo sumama?" 

I begged her with pleading eyes pero tumawa lang siya. Bakit ko ba hindi nalang hinayaang si Ate Gie ang gumawa ng trabaho? Sarap niya kasi inisin eh.

"I don't want to ruin your date. Go, kwento mo nalang lahat mamaya." Hinawakan niya ang braso ko at tinulak papalayo. "Bye Red~"

My shoulders slumped and I gave her my middle finger. Tumawa siya.

Naglakad ako palapit sa kotse at napatingin sa langit, jusko mukhang malakas ang bagsak ng ulan mamaya.

I was staring at the sky as I got inside the car, that's why I got taken aback as I sunk into the molded bucket seat. Wow, the material felt so luxurious.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now