Strings 16: The Past

Mulai dari awal
                                        

Biglang nagkaroon ng karera sa gitna ng kalsada at natawa ako nang naiwan si Evan. Hindi niya ata narinig ang hamon ng kapatid niya.

For the first time, I cheered on Rian breaking the speed limit as she drove past them. Hindi ko napigilang tumawa. 

"They'll catch up to us!" Sigaw ni Lorraine sa likod but I had a feeling they weren't even unleashing the full potential of their cars.

Kalaunan, pinantayan kami ni James and he flashed me a grin before focusing on the road, "Try to catch up!"

Bigla siyang umakselera at napanganga ako sa layo nang naabot niya ng ilang segundo lang. They all sped pass us but was still close enough that they can hear Rian honking nang kinailangan niya nang lumiko sa daan. "We totally lost that." 

Tumawa siya at tumingin ako sa likod para makitang wala na ang ibang kotse sa paningin namin.


~~~


"Nag enjoy ba kayo?" Salubong ni Tinang pagkababa namin sa cart pagkabalik namin sa mansyon. 

Tumuloy kami sa condo ni Marianne kagabi para uminom at nagkwentuhan ng chismis namin sa buhay so it was definitely a worthy day off. Ngumiti ako sa kanya bilang oo at nauna na kay Lorraine para pumasok nang naguusap parin sila sa labas.

Pagkapasok ko, naabutan kong pababa si James ng hagdan at nakabihis para umalis, wearing an all black attire with his ball cap and facemask placed on his chin.

I couldn't help but stop because his presence was too much.

Gago, I kissed this guy's lips. Well, it wasn't that much of a kiss... but it still affected me. This guy who had me feeling different from his identity alone, gusto ko nalang hindi pansinin 'yon sa gulo ng isip ko.

I wanted to be as civil as possible so I moved to greet him but he walked past me at hindi ako pinansin.

I gaped. Ba't ang taray non?!



"Manang, sumabay na po kayo." Jaceon muttered habang umuupo sa hapagkainan. 

Sa pagtatrabaho ko dito, despite seeing him for the first time in an argument with his sister. I realized Jaceon is a quiet guy and absolutely good-mannered, unlike his brother.

"Hindi na Ace." Ngiti ni Manang habang inilalapag ang isang pitsel ng juice.

"Manang sumabay na po kayo, kayo rin Tinang." Baling sa'min ni Jamie. Tatlo kaming nakatayo sa gilid, ako, Lorraine, at Tinang habang nag hahapunan ang pamilya. 

Si Manang kasi ang leader namin bago susunod lang kami sa gagawin niya, kami ang tatlong bibe.

At the informal dining area, sa puno ng upuan nakaupo ang kanilang ama, sa kanan niya si Jamie at si Jane. Sa kaliwa naman si Kuya Jupiter, an empty chair for James, bago si Jaceon.

Sa mga nalaman ko kay James, I thought that I'd notice more suspicious stuff about their family but no, they're so normal. Hindi pa nakabalik si James simula nang umalis siya nung nakaraang araw, and it seems like it's normal for them.

"Sige na, umupo na kayo." Pagkasabi non ni Sir Archie ay ngumiti si Manang at umupo sa tabi ni Jaceon. Tumabi sa kanya ang anak niya kaya pumwesto kami ni Lorraine sa kabila kasama ang magkapatid na babae.

It's actually a normal occurrence, yayayain kami na sumabay sa kanila at hihintayin lang namin si Manang bago kami gagalaw. Kumakain kami sa maid's quarters, ngunit may mga pagkakataon na kumakain kami kasama ang pamilya.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang