Napatayo siya atska niya agarang dinaluhan ang gawi ko nang makita niya kong namimilipit sa sakit.

"Baby, w-hat happen?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Bahagya pa siyang nautal habang tinatanong ang mga katagang iyon.

"Fuck!" hindi ko na napigilan ang sarili kong huwag magmura dahil sa sakit nang tiyan ko.

Nakita ko siyang namutla nang mapatingin sa gawi nang tiyan ko. "Should I take you to the hospital?" he asked.

Umiling ako, "No. Huwag na, mawawala rin itong saki----argghhh." but before I could finish what I want to say ay muli akong napadaing dahil sa sakit.

Mas lalo pa siyang namutla, "Shit! Kasalanan ko to e." parang batang inagawan nang kendi na sabi niya.

Hindi ko inaakalang makikita ko ang ganito ka epic na mukha niya. Kong may hawak hawak lang sana akong cellphone ngayon ay baka pinicturan ko na siya. Pero sa ngayon ay dapat ko monang alalahanin ang sakit nang tiyan ko.

"Huwag na, mawawala ron ito e." pagpipigil ko sakanya nang akma niya kong bubuhatin.

"Either you like or not, dadalhin kita sa hospital! So shut your mouth up and please be safe." ang sabi niya bago niya ko binuhat na parang bagong kasal. Yinapos ko naman ang mga kamay ko sa leeg niya upang doon kumuha nang suporta.

"Wait." pagpipigil ko sakanya nang akma na niya sanang bubuksan ang pinto.

"What?" naiinis niyang tanong.

"Huwag mong sabihin pupunta tayo sa hospital nang n-akahubad?" bahagya akong napangiwi nang maramdaman ko ulit ang sakit sa tiyan ko. Tangina napakasakit.

"Aystt oo nga pala." parang maulyahing bata na sabi niya. Kinamot niya pa ang batok niya which make him more cute.

Dahan dahan niya kong pinaupo sa couch bago siya tumakbo papunta sa kuwarto niya.

Ipinikit ko ang mga mata ko habang hinihintay ang pagdating niya. Pilit kong linalabanan ang sakit na nararamdaman ko.

Hinaplos ko ang tiyan ko habang paulit ulit na ibinulong ang mga katagang, "Please, be safe baby. Kumapit ka. Kasalan ko 'to e. Kong sanay hindi ko inakit at pinagtimpi ang papa mo'y baka ayos pa ang lahat. So please baby kumapit ka."

Naimulat ko ang mga mata ko nang wala sa oras nang marinig ko ang mga yabag niyang papunta sa gawi ko. Hinihingal siya nang makarating sa gawi ko. Maya dala dala siyang bathrobe.

"Mag boboxer kalang?" Tanong ko sakanya matapos kong pasadahan nang tingin ang kabuuan niya.

He nodded bago lumapit sa gawi ko. Dahan dahan niya kong pinatayo atsaka niya isinuot sa akin ang bathrobe na dala dala niya.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang suotin iyon. Agad akong yumapos sa leeg niya nang buhatin niya ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya habang tinatakbo niya ang daan palabas nang condo niya.

Ipinikit ko ang mga mata ko nang muli kong maramdaman ang sakit nang tiyan ko. Hindi ko maipaliwanag kong anong klaseng sakit itong nararamdaman ko.

Minsan kasi'y parang nawawala ang sakit nito pero kalauna'y bumabalik rin. But honestly, sa bawat pagbalik nito'y mas trumitriple pa ang sakit.

Ramdam na ramdam ko ang mga mapanuring tingin nang mga tao nang mapadaan kami sa may reception area. At alam kong ang iba sa mga tingin na iyon ay may halong pagkamangha at pagnanasa. Lalo na't naka boxer lamang si Spencer habang tumatakbo. Which gave them to have a free access to saw how hot he is.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum