Nang matapos ay muli akong lumakad papalapit sa kama ko. Mabuti nalang at medyo mahaba itong hose nang dextrose ko at naabot ko ang gawi nang pinto na hindi ito dinadala.

Nakahinga ako nang maluwag nang matiwasay akong napahiga sa kama ko. Napailing nalang ako nang marinig ko ang hilik ni Jazmine.

Ipinikit ko ang mga mata ko as I tried to erase the thoughts on my mind.

"You should be thankful Jeanshe."

Nag-angat ako nang tingin atsaka ko siya nginitian. "I am. I am beyond thankful Jazmine, no need to worry."

Muli kong itinuon ang aking atensiyon sa mga tinutupi kong damit.

I am still beyond grateful for everything, even if he doesn't care about me and his child.

Sa loob nang ilang araw na pananatili ko dito sa hospital ay ni minsan ko siyang nakitang dumalaw. Sa loob nang ilang araw na pananatili ko dito sa hospital ay walang araw na hindi ko siya naisip. Like kumain na ba siya? O di kaya'y nakatulog kaya siya nang maayos?

The world is unfair right? Nag-aalala ako sakanya samantalang siya'y walang pakialam sa akin.

Ni hindi ko nga alam kong hinanap niya ba ako sa loob nang ilang araw na wala ako- kong nag-aalala rin ba siya sa akin since hindi na ako pumapasok sa trabaho. Napaka imposible kasi e, napaka imposible kasing hindi niya narecognize ang kawalan ng aking presensiya sa opisina niya.

Ni minsa'y hindi niya rin ako tinawagan upang itanong man lang sa akin kong bakit absent ako, kong ano ang nangyari sa akin, kong may masama bang nagyari tungkol sa akin. Ni isang hi wala akong natanggap, kaya ba't pa ba ako umaasang iniisip niya 'ko?

Napailing na lamang ako bago ko ipinasok sa bag ko ang mga tinupi kong damit.

"Mabuti naman kong ganoon, Jeanshe."

I just smiled at her before closing the zipper of my bag. Nang matapos ay iniligay ko ito sa couch.

Kumuha ako nang isang apple sa may side table atsaka ko ito kinagatan. "Matagal pa ba siya?" tanong ko sakanya sabay nguya sa apple.

"Malapit na daw siya, na trapik nga lang sa may edsa." She answered.

"You chatted him?"

"Yes." She answered. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa couch. Kumuha siya nang grapes mula sa basket na nakalagay sa side table.

Nang muling makaupo ay muli niya itong linantakan.

Kumakain kami nang prutas habang hinihintay ang pagdating ng jowa niya. Susunduin daw kasi kami ni Storm pero hanggang bgayon ay hindi parin dumadating ang gago.

Natrapik daw e!

Natapos ko na ang lahat lahat pero hanggang ngayon ay wala parin siya. Naiayos ko na ang mga gamit ko, nabayaran ko na rin ang bill ko pero hanggang ngayon ay wala parin siya.

Halos maubos ang ipon ko dahil sa ang laki nang nabayaran ko. Jazmine insisted na siya nalang daw ang magbayad but I refused. Yes, mayaman siya at ang bill na binayaran ko kanina ay maliit lang na halaga para sakanya pero ayaw ko e, ayaw kong bayaran niya ang dapat na ako ang magabayad. May pera ako kaya naman tinanggihan ko siya. Siguro, kong nagkataon na wala akong pera, baka pumayag ako.

Kumuha ako nang isang piraso nang grapes mula sa kinakain niya nang maubos ko ang pagkain ko sa apple ko.

Natakam kasi ako habang tinitignan ko siyang kinakain ang grapes na iyon. It was like parang sarap na sarap siya habang kinakain ang prutas na iyon. At nong tignan ko ang grapes ay parang inakit ako nito na kainin siya. At dahil buntis ako ay hindi na ako nakatanggi pa.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Where stories live. Discover now